Chapter 97 SIENNA AYAW pa rin niya akong pakawalan. Kahit ilang beses kong alisin ang mga kamay niya sa mga binti ko, bumabalik siya, mas humihigpit pa ang kapit. Para siyang batang natatakot maiwan sa dilim. Nanginginig ang balikat niya, basa na ng luha ang mga paa ko. “Oh, God…” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit. May parte ng puso ko gustong yumuko at yakapin siya. Pero mas malakas ang boses sa isip ko, marami nang nagbago. Marami nang nasira. May consequences na hindi pwedeng balewalain. “Uno, tama na,” mahina pero madiin kong sabi. “Bitawan mo ako.” Umiling siya. “Hindi. Hangga’t hindi mo ako pinapatawad.” Bago pa ako makasagot, may isang tinig ang umalingawngaw mula sa likod namin. “Uno!” Galit. Matigas at puno ng babala. Halos sabay kaming

