Chapter 96 SIENNA DAHAN-DAHAN akong naglakad palabas ng mansiyon hanggang sa marating ko ang likod ng hardin. Doon ko siya nakita, nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga, nakatalikod, parehong kamay nasa bulsa. Tahimik lang. Parang mag-isa sa mundo kahit ilang metro lang ang layo ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Huminga ako nang malalim saka nagpakawala ng isang malakas na tikhim para kunin ang atensyon niya. Dahan-dahan siyang lumingon. At nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Panghihinayang. Sakit na hindi na niya kayang itago. Akmang magsasalita sana ako pero naunahan niya ako. “Parusa ko ba ito, Enna?” Parang may tumama sa dibdib ko. “Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon?” Tuloy-tuloy siya, paos ang boses. “Se

