Chapter 61: Party

1545 Words

Chapter 61 SIENNA NAKATAYO ako sa harap ng full-length mirror. Black tube gown. Perfect ang fit sa katawan ko, hugging my curves without trying too hard. Smooth ang tela, dumidikit sa balat ko parang second skin. 'Yung slit sa gilid, sakto lang ang taas, classy pero may edge. Low back, bare ang likod ko, bawat galaw may konting sway ang tela. Walang necklace. Walang heavy accessories. Just me. Simple make-up. Soft contour. Nude lips. Defined eyes. Pero iba ang dating ko ngayon. Hindi ako yung babaeng umiiyak kagabi. Sa gilid ko, nakatingala si Dray. “Wow…” bulong niya. “Mama, you are so beautiful.” Napangiti ako. “Beautiful agad?” tukso ko. He nodded. “Mas maganda ka pa sa mga nasa TV,” seryoso niyang sagot. Napatawa ako nang mahina. “Talaga?” “Oo! Ang ganda mo, Mama. Promise.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD