Chapter 60 SIENNA MADILIM na nang makauwi kami sa mansiyon. Pagod na pagod si Dray, nakatulog sa sasakyan habang nakayakap sa akin. Ang daming paper bags at garment boxes sa likod, grabe mamili si Doñya Kristina. “Careful with the gown,” bilin ko sa driver habang binubuhat niya ang mga pinamili. 'Yung isang bodyguard naman, maingat na binuhat si Dray. “Sa kwarto namin. Gigisingin ko mamaya para kumain,” sabi ko. Tumango siya. Inalalayan ko si Doñya Kristina pababa ng sasakyan. “Thank you for today, hija,” malambing niyang sabi. “You looked beautiful in that black gown.” Ngumiti ako. “Salamat po.” Pagpasok ko sa loob, dumiretso ako sa kusina. Tahimik ang buong bahay. Amoy ko na agad ang ginisang bawang at butter. Napahinto ako sa bungad ng pinto. Sa harap ng lutoan, nakatayo si Uno

