Chapter 103 SIENNA AGAD akong umiling. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mukha ng anak ko nang hindi ko man lang sinusubukang ipaliwanag ang lahat. Ang pagsasabi ng katotohanan sa kanya ay magpapalaya sa puso niyang nasasaktan. Inabot ko ang kamay ni Dray pero bahagya siyang umatras. Kita ko sa mga mata nito ang pagkalito… at ang sakit na pilit niyang tinatago. “Dray…” mahina kong tawag. Pero tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. “Why he didn’t choose me, mama?” nanginginig na tanong nito. “Why, Mama? Bakit si Alonzo ang pinili niya? Bakit? Bakit hindi ako?” Napapikit ako sandali. Ramdam ko ang pag-ipit ng dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit at hinawakan muli ang kamay nito. Ngayon hindi na siya umatras, hinayaan niya akong hawakan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin, nagh

