Chapter 18 SIENNA LUNGKOT. Iyon lang ang salitang umiikot sa dibdib ko habang nakatingin ako sa batang nilalaro ni Paula sa may garden. Halos kaedad ni Dray ang batang babae. May kasama pang isang batang lalaki, siguro two years older. Kanina sinabi ng isang katulong, mga anak daw ni Paula iyon sa asawa niyang hiwalay na. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nalungkot nang marinig iyon. Siguro dahil nakita ko kung gaano kadaling dalhin dito ang mga anak niya… samantalang ang akin ay hindi pwede. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Kailangan kong makuha si Dray. Kailangan. Pero paano? Kailangan kong makausap si Uno, pero kanina pa siya wala. After niyang lumabas ng kwarto, parang naglaho na rin siya sa paningin ko. “Wag kang malungkot, hija.” Napalingon ako si Romy. May hawak

