Chapter 37 SIENNA TAHIMIK ang silid ng ospital, maliban sa mahinang, paulit-ulit na tunog ng monitor. Parang binibilang ang bawat segundong hindi siya gumagalaw. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Uno, nakayuko. Magkahawak ang mga kamay ko sa kandungan, para bang doon ko isiniksik ang lahat ng takot, pagsisisi, at guilt na hindi ko kayang ilabas sa boses ko. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kahit ilang oras na ang lumipas. Kahit may gamot na. Kahit dumaan na ang doktor. Nilalamon ako ng konsensya. Kung nakinig lang ako. Kung hindi ako naging padalos-dalos. Kung hindi ako umalis. Baka hindi ganito. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Magaspang, may tumutubong stubble. May munting ngiti ang sumulpot sa labi ko, kasabay ng pasasalamat na buhay siya. Munti

