"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Raine ng bumagsak ng upo si Ivan sa couch niya ng bigla na lang itong sumulpot sa shop niya na parang natalo sa sugal. "I have a huge problem." wika pa ni Ivan na napatingala kay Raine na nakatayo sa harapan niya habang si Yuan naman ay naupo sa single sofa na nakatingin kay Ivan na halatang tuliro. "Naka buntis ka?" tanong pa ni Yuan na ikinatawa naman ni Raine na nilingon ang asawa habang natatawa. "Ito makakabuntis, malabo! Mas mahal nito ang bagang ng mga pasensye niya." biro pa ni Raine na natatawa pero nabura ang ngiti nito ng makita hindi siya nag react sa biro nito na usually nag rereact agad siya. Napamura bigla si Raine na natuptop ang bibig habang nanlalaki ang mata na nakatingin kay Ivan. "Putsa! Akala ko bunganga lang ng kung sino-sinong

