"Tapos na ba ang duty mo?" tanong ni Dale habang hila-hila si Avery, napatingin naman si Ivan sa dalaga na nasa likuran ng kuya nito. "Oo, bakit?" "Ihabol mo muna ang babaeng ito, kahapon pa yan naiyak nasakit daw ang ngipin niya." ani Dale na sakto naman nag ring ang phone nito na agad na tumalikod at iniwan ang kapatid. "Maupo ka muna dun sisilipin ko." malamig na utos ni Ivan na binuksan ang pinto ng pinaka clinic nito. "Naka alis na ang secretary ko, may chart ka na dito hahanapin ko lang. Intayin mo ako sa loob." utos pa nito na nag tungo sa table ng secretary nito na meron maliit na spasyo para sa mga filling cabinet nito. Alanganin naman siyang pumasok dun at naupo na sa dental chair habang iniintay si Ivan na pumasok. Malinis at mabango ang loob ng clinic, kabado siya habang hi

