bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

book_age12+
4.5K
FOLLOW
58.9K
READ
possessive
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ ประกวดงานเขียน
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
transgender
heavy
childhood crush
enimies to lovers
feminism
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya del Francia, kasama ng kaniyang Ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang Ina kaya napa-subong mag-balat ng buto sa murang edad.

Ngunit hindi naging madali sakaniya ang lahat dahil sa aroganteng panganay na anak ng mag-asawang del Francia. Na lingid sa kaalaman niyang may gusto pala sakaniya. Kaya kahit mapanganib ang bagay na papasukan niya, sumugal pa rin siya at isinantabi ang mga insekyuridad niya sa balat.

Pero kaya niya pa rin bang kumapit at lumaban kung ang sitwasyon at tadhana na ang nagpu-pumilit na pag-hiwalayin sila?

Paano kung ilang taon na ang lumipas at mahal niya pa rin ang lalaking iniwan at binigo niya? Paano kung kahit gustuhin man niyang makabalik sa buhay nito ay tila hindi na pwede pa? Dahil ito'y may iba na?

WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS.

THIS IS A BOY X TRANSGENDER STORY.

ALL RIGHTS RESERVED 2017

©ITSMOODYMIND

chap-preview
Free preview
Prologue
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.  Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission. PLAGIARISM IS A CRIME. This is the first installment of Hot Trans Series. ----------------------------------------------------------------- Ipinag-bubuntis pa lang daw ako ni Nanay noon ay iniwan na kami ng German kong tatay. Akala nga ni Nanay noon na babae ako- since hindi niya afford ang magpa prenatal dahil kapos at pinag-iiponan niya pa ang pagpapanganak sakin, kaya't hinuhulaan niya na lang ang aking kasarian. Ngunit labis ang kaniyang gulat ng ako'y lumabas na lalaki. Sabi niya, hindi raw maselan ang pagbubuntis niya sakin kaya't inakala niya na babae ang batang dinadala niya at marami din daw nagsasabing blooming siya noon. Habang lumalaki ako, pansin na pansin ang aking banyagang dugo. Mula sa may pagka-berde kong mga mata, matangos na ilong, maputing balat, at makakapal na pilik mata. Madalas akong mapuri sa tuwing namamalengke kami ni Nanay, kesyo mukha daw akong manika at minsan napagkakamalan pang babae. Habang lumalake ako, alam ko na sa sarili kong hindi ako tunay na lalake, ewan ko ba pero parang ako'y isa talagang babae na naligaw sa katawan ng isang lalake. Nahuhuli din ako ni Nanay na kumikendeng-kendeng sa harap ng salamin at sinusukat ang kaniyang mga mumurahing sandals. Hindi niya naman ako sinusuway ngunit palagi kong nakikita ang labis na panghihinayang sa kaniyang mga mata. Nagulat ako ng isang araw ay umuwi si Nanay galing sa palengke at may bitbit na isang mumurahing manika. Natuwa ako ngunit akin ring pinigilan ang sariling mag bunyi dahil baka ako'y pagalitan ni Nanay. Ngunit laking gulat ko ng ngumiti siya sakin at iniabot ang manikang dala. "Oh! Diba gusto mo nito?" Natatawang ani niya. Sa gulat ko'y hindi pa rin ako nakagalaw at nakatangang nakatingin lang sa manikang hawak ni Nanay. "N-nay..." Kinakabahang ani ko. "Dwayne, anak, alam ko na.." Pumungay ang mga mata ni Nanay at humila ng upuan at umupo sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. May pakiramdam na ako sa mangyayari kaya't nagsisimula na ring mamuo ang mga luha saking mga mata. Bakit? Itinago ko naman ah. Halata ba masyado? "Anak, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita kahit ano ka pa. Minahal kita kahit galing ka pa sa asungot at walang kwenta mong Tatay. Kaya 'wag kang matakot magsabi sakin ng totoo. Maiintindihan ko at tatanggapin ko kahit ano pa iyan." Malumanay na sabi ni Nanay. "N-nay... Hindi p-po." Umiling ako pero pinisil niya lang ulit ang kamay ko. "Narinig ko ang usapan niyo ni Mella kahapon. Naiinggit ka sa laruan niyang manika, hindi ba?" Ani niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na magiging ganito kaaga malalaman ni Nanay ang tunay kong kasarian. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Yumakap ako kay Nanay at tumango tango. "Bakla po ako, nay..." Pag amin ko. Sa halip na magulat ay tumawa pa siya at hinaplos haplos ang likod ko. "Alam ko, Dwayne. Ina mo ako, sa lahat ng tao ako ang unang makakaalam nun." Pumiyok na rin ang boses ni Nanay. "Hindi ko po sinasadya... Nangyari na lang bigla na nagugustuhan ko ang mga bagay na pambabae." Mas humigpit ang yakap ko kay Nanay sa takot na baka itakwil niya ako. "Sshh. Alam ko. Hindi naman talaga iyon sinasadya eh. Simula pa lang nasa iyo na iyon, anak. Nasa pagkatao mo na iyan. Kaya 'wag na 'wag mong iisipin na kasalanan iyan, naiintindihan mo ba?" Kumalas na si Nanay at hinagkan ang noo ko. May luha rin sa mga pisngi ni Nanay ngunit nakangiti naman siya. "Anak kita. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko kaya kung iniisip mo na hindi kita matatanggap, nagkakamali ka." Pinunasan niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok. "Salamat po nay. Mahal po kita." Ngumiti lang siya at tumayo na. Ipinasok niya ang mga damit namin sa maleta at tinupi naman ang mga sinampay. Kumunot ang noo ko. "Nay? Bakit ka po nag iimpake?" Sinusundan ko pa rin siya ng tingin habang nagpapa-balikbalik siya sa cabinet at maleta. "Kinuha ako bilang kasambahay ng isang mayamang pamilya anak. Kaya lilipat na tayo ron sa mansion nila. Bukas aalis na agad tayo." Sabi niya habang nililigpit naman ang iba pa naming gamit. "Po? Eh paano na itong bahay natin? Si Mella? Wala na po akong kalaro, nay." Naluluha na namang ani ko. Tumingin siya sakin at bumuntong hininga. "Dwayne, minsan lang ako makakuha ng trabahong permanente at malaki ang sahod. Para rin to sa kinabukasan mo." Ani Nanay. "Kailangan ba talaga nating lumipat sa bahay nila, nay? Pwede namang dito pa rin tayo, diba?" Ayokong umalis sa lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip, ayokong iwan ang mga kaibigan ko dito. Pero kung ang kinabukasan ko lang naman ang iniisip ni Nanay, ayoko rin maging makasarili. Malaking tulong ito samin ni Nanay, hindi niya na rin kelangan mag tiis pa sa pagiging labandera at magtinda ng kendi sa terminal ng bus. "Hindi maaari iyon, anak. Sa Maynila tayo pupunta dahil doon nakatira ang pamilya del Francia. Sila ang magiging amo ko." Aniya. Hindi na ako nakipagtalo pa at pinalipas na lang ang gabi. Kinabukasan ay maaga kaming lumarga, sumakay kami ng bus papuntang syudad ng Maynila at habang nasa byahe kami ni Nanay ay nakatulog ako. Sana sa pupuntahan namin ni Nanay, maging mabuti ang mga bagong taong makakasalamuha namin sa amin. Sana nga magandang biyaya ito... At sana may mga bago akong makakalaro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

NINONG III

read
417.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.5K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

OSCAR

read
248.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook