MAGPAPAHINGA na sana si Laura dahil pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng enerhiya niya ngayong araw dahil marami siyang ginawa sa mansion. Daig pa nga na binugbog ang buo niyang katawan dahil sa pagod. Hindi naman siya pwedeng magreklamo dahil hindi na sila ang may-ari ng Hacienda Abriogo. Pinatutuhanan iyon ni ng abogado nila. Nailipat na sa pangalan ni Draco ang titulo ng Hacienda. Akmang magtutungo si Laura sa maids quarter para magpahinga ng mapatigil siya ng mapansin niya si Marg na humahangos palapit sa kanya. Mababakas sa ekspresyon ng mukha nito ang pinaghalong kaba at takot. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. "Anong problema, Marg?" tanong niya ng tuluyan itong nakalapit sa kanya, base kasi sa mukha nito ay para itong nagpapanic. "Senyorita, tawag kayo ni Sen

