LAURA was already feeling tired, but she needed to finish what she was doing. Matapos kasi ang gawain sa kusina ay inutos ni Draco na labhan ang mga damit nito. Nang malaman nga iyon nina Manang Andi ay nag-presenta ang mga ito na tulungan siya. Kahit na pinigilan niya ang mga ito ay pinilit pa din ang gusto kaya wala na din siyang nagawa kundi hayaan na tulungan siya. Pero nalaman iyon ni Draco kaya pinatawag nito sina Manang Andi at binigyan ng ibang gawain. Ang nangyari tuloy ay siya ang mag-isa na gumawa sa pinag-uutos nito. Hindi naman kasi biro ang pinapalaba ni Draco at inutos nito na huwag siyang gumamit ng washing machine. Gusto nitong gamitin ang mga kamay sa paglalaba dahil maselan daw ito pagdating sa mga damit. At dahil iyon ang inutos nito ay sinunod niya. Pero alam naman

