MATAPOS makausap ni Laura ang kaibigang si Margarette ay sinubukan niyang tawagan ang ama. Nagbabakasaling ma-contact niya ito. Ilang beses na niyang sinubukan na tawagan ito simula noong malaman niya ang tungkol sa plano ni Draco pero hindi pa din niya ito ma-contact. She tried to call his secretary to ask about her father's whereabouts, but the woman didn't know anything either. Hindi pa daw kasi nagpupunta ang ama sa opisina nito. Pero gaya ng dati ay ring lang nang ring ang numero ng ama hanggang sa operator na ang naririnig niya. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga habang nakatitig siya sa cellphone. "Where are you, Dad? Why can't I reach you?" she blurted out. "Trying to contact your father?" Nagulat si Laura nang marinig niya ang malamig at baritonong boses na

