HALOS limang minuto na yata si Laura na nakatayo sa pinto sa kwarto na tinutuluyan ni Draco pero hindi pa din niyang magawang pumasok doon. Gusto niyang kumatok pero pinangungunahan siya ng kaba. Hanggang ngayon kasi ay malinaw pa din sa isip niya ang madilim nitong ekspresyon kanina noong makita sila nitong magkasama ni Jake. He looks mad, no he looks furious. Ganoon na ganoon iyong ekspresyon nito noong malaman nito na sinaktan siya ng ama. And he is scary. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Laura. At nang magkaroon ng lakas ng loob ay tumaas ang isang kamay niya para kumatok sa pinto ng tatlong beses. Hindi na nga din niya hinintay na may magsalita sa loob, pinihit na niya ang seradura pabukas at pumasok siya sa loob. At ang unang sumalubong sa kanya ng pumasok siya sa loo

