SAGLIT na ipinikit ni Laura ang mga mata ng bumalik siya sa mansion. Ipinagdasal din niya na sana ay payagan siya ni Draco na umalis ng Hacienda. Kailangan kasi niyang pumunta ng clinic dahil tumawag sa kanya ang asistant niya. Nagkaroon lang kasi ng problema doon at mukhang siya lang daw ang makaka-ayos. Paalis na siya ng harangin siya ng mga guard, tinatanong kung saan siya pupunta. Hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo dahil iyon ang unang pagkakataon na hinarangan siya ng mga ito na para bang walang balak ang mga ito na paalisin siya ng mansion. Humingi naman ang mga ito ng paunmanhin sa kanya. Sinunod lang daw ng mga guard ang utos ni Draco, in-instruct pala ng lalaki sa mga ito na huwag siyang paalisin ng mansion. At kailangan daw na malaman muna ni Draco kung saan si

