"MISS Laura?" Napatigil sina Laura at Aine sa pagku-kwentuhan ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Sabay nga din silang nag-angat ng tingin patungo sa dereksiyon ng pinto patungo sa kusina. At agad niyang nakita si Jake--ang bisita ni Draco. She couldn't really believe that the man she had saved from drowning before was actually Draco's cousin. Nagbakasyon kasi silang dalawa ni Margarette sa Palawan noong nakaraang taon. Nagsu-surfing siya nang makita niya ang isang lalaki na nalulunod. Nang makita niya ang lalaki ay walang pagdadalawang isip na lumangoy siya patungo sa dereksiyon nito para tulungan. She also performed CPR to help him regain his breathing. Swerte ng lalaki ng araw na iyon dahil niyaya niyang mag-surfing noon si Margarette. Wala kasing katao-tao no'ng

