"ANG presko pala dito." Nilingon ni Laura si Jake nang marinig niya ang komento nito ng lapitan siya ng nagpapahangin siya sa may garden. Gusto nga ni Laura na iwasan ito dahil iyon ang bilin sa kanya ni Draco ng kausapin siya nito kanina. Pero anong magagawa niya kung ang lalaki mismo ang lumalapit sa kanya. Hindi naman kasi niya ito pwedeng itaboy. Nakita nga din niya ang ngiti sa labi nito ng sandaling iyon. At habang nakatingin siya dito ay hindi niya napigilan na pagkomparahin ang dalawang magpinsan. Yes. They both handsome. Magkasingtangkad din yata ang mga ito. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa ay si Jake ay palangiti, laging maaliwalas ang mukha nito. Samatalang si Draco naman ay parang pinaglihi ng sama ng loob. Laging seryoso ang ekspresyon ng mukha at lagi na lang salubong ang

