HINDI maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Draco nang bumaba siya ng wrangler jeep. Naisipan niyang lumbas ng mansion para maglibot-libot sa Hacienda. At gusto din niyang magpahangin. At mukhang napasobra ang pagpapahangin niya dahil inabot siya ng buong maghapon doon. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng humakbang siya papasok ng mansion. May napansin siyang kasambahay na papasalubong sa kanya pero nang mapansin siya nito ay agad itong nag-iba ng dereksiyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Draco nang mapansin niya iyon. He knew people around the mansion were scared of him. Hindi naman niya masisisi ang mga ito, hindi maganda ang unang impression ng mga ito sa kanya. Ilang beses nga din niyang narinig na pinagko-kompara siya ng mga ito sa pinsan niyang si

