Pilit mang iwasan ni Melissa ay nahihirapan syang hindi kausapin ang binata sa mga sumusunod na araw..Natatakot din sya na pag hiniwalayan nya agad si Alex ay baka kung ano ang gagawin nito sa sarili o ang mas malala ay sa kanya o sa kanyang asawa. Patuloy parin ang kanilang komunikasyon although ay nakumbinse nya ang binata na wag muna silang magkita.. Mahigit isang buwan narin ang nagdaan mula nang matanggap nya ang text mula sa isang hindi kilalang tao sa kanya.. Sa ngayon ay batid na nyang nagawan na nang paraan nang nobyo ang pangyayari pero dahil sa nangyaring iyon ay biglang namulat ang kanyang mga mata sa mga posibleng magaganap kung ipagpapatuloy pa nya ang namamagitan sa kanila ni Alex. Walang mapagsidlan ang kaba ni Melissa nang matanggap nya ang text message nang araw na iyon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


