"Alam ko na may asawa kana kaya tigilan mo na ang ginagawa mo kung hindi ay malalaman nang asawa mo!".Nanlaki ang mga mata ni Melissa ng mabasa ang text, galing sa isang number na hindi nya kilala. Agad na napatawag si Melissa sa nobyo para ipaalam ang natanggap na mensahe. "Putang ina!" pagmumura nang binata sa kabilang linya."Natatakot ako Lex.." pag aalala ni Melissa. "Huwag kang matakot mahal ko. Aayusin ko ito, kilala ko ang nag text sayo." Pag aalo nang binata sa kinakabahang nobya.. "Huwag na muna tayong magkita, delikado pag nalaman ni Mike ang tungkol sa atin.." nanginginig na boses ni Melissa, nag uumpisa nang pumatak ang kanyang mga luha, mabuti na lang at nasa loob sya nang banyo nang kanilang opisina.. "Wag naman mahal... aayusin ko nga ito.. Wag kang matakot.. Hindi ko pabab

