Chapter One
Chapter 01
“Jane, hija! Kapag hindi ka pa bumangon diyan ay paniguradong male-late ka sa klase mo!” paalala ni Nana Lena sa alaga habang kumakatok sa pinto ng kuwarto nito.
“Five minutes, Nana!” inaantok na tugon ni Jane bago tinakpan ng unan ang kanyang mukha.
Gising na ang kanyang diwa pero hindi pa rin niya magawang bumangon mula sa kanyang kama. Medyo late na rin kasi siya nakatulog kagabi dahil tinapos niyang i-revise ang first three chapters ng kanyang research manuscript. Unlike the other students in her class, pinili niyang mag-individual sa thesis writing subject kasi na-late siyang magpasa ng research proposal, may student leader conference kasi siyang in-attend-an.
“Naku, naman ‘tong batang ‘to!” Napasapo na lang sa noo si Nana Lena bago naglakad pababa sa hagdan at nagpunta sa dining hall.
“Oh! Nana Lena, nasa’n na si Jane?” bungad na tanong ni Arthur sa matanda.
“Ayon . . . tulog pa rin.” Buntonghininga ni Nana Lena. “Manang-mana talaga sa ’yo ’yung gawi ng batang iyon,” dagdag pa nito na ikinatawa ni Arthur at ng kanyang asawang si Kriz.
“Patunay lang ’yon na anak ko talaga si Jane, Nana,” natatawang tugon ni Arthur bago uminom mula sa kanyang tasa.
Napairap naman si Kriz sa sinabi ng asawa. “Bakit sa dinami-raming puwedeng manahin sa ’yo ng anak natin, ’yung pagiging nocturnal at workaholic pa ang nakuha niya?” sumbat nito.
Sandali namang tiniklop ni Arthur and hawak na newspaper para ibaling ang atensyon sa kanyang asawa.
“Hmm . . . Ako ba talaga ang dapat tanungin niyan, Hon?” nakangiting tanong nito. “Hindi ba’t ’yung mga qualities kong ’yon ang dahilan kung bakit nahulog ka sa ’kin?”
“Akala mo hindi ko pansin kung paano mo ako titigan habang nagbabasa ako ng notes, back in college days,” dagdag pa nito.
Muli namang napairap at napailing na lamang ang ginang. Minsan talaga ay hindi niya maitangging may pagka-GGSS ang kanyang mister. Guwapong-guwapo sa sarili.
“Nagpapasalamat na lang talaga ako at hindi namana ng anak natin ang pagka-feelingero mo,” saad ng Ginang bago tinalikuran ang asawa para ipagpatuloy ang pagbabalot ng lunch para kay Jane.
Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang malakas na pagkalabog. Napalingon sila sa pinagmulan ng ingay saka nagmamadaling pinuntahan iyon. Pagkarating nila sa staircase ay bumungad naman sa kanila si Jane at mga papel na nagkalat sa sahig. Isa-isang pinulot ng dalaga ang mga kalat. Hindi niya napansin ang mga kasama sa bahay na pinapanood ang ginagawa niya. Nang mapagtanto niyang marami na pala ang nakatingin sa kanya ay napatuwid siya ng tayo saka nginitian ang mga ito.
“Oh my gosh! Hija! Did you fall?” nag-aalalang tanong ni Kriz sa anak habang chini-check kung may natamo itong sugat. “Should we bring you to the hospital? Is there some part of you that’s hurting?” sunod-sunod nitong tanong.
“Oh! No! No, Mom! I don’t need to go to the hospital. I’m 101% okay!” umiiling-iling na tugon ng dalaga sa kanyang ina. Pero mukhang hindi pa rin ito kumbinsido kaya naman ay saglit niyang ibinaling ang tingin sa kanyang ama at kinindatan ito - a call for for help.
Agad naman na tumango ang ama at sumali sa usapan. “Don’t worry too much, Hon. She’s fine,” wika nito habang naglalakad papalapit sa asawa.
“Right . . . right. I should not worry too much.” His wife agreed. She then took a series of deep breaths to calm herself down.
Napangiti naman si Jane nang nakitang paunti-unti nang kumakalma ang kanyang ina.
“Maybe we should have the floors covered with foam carpets?” suggest ni Kriz na bahagyang ikinatawa ng kanyang mag-ama.
“If that’s what you want, then we’ll have it done,” her husband replied after planting a kiss on the temple of her head.
“Dad naman, eh!” pagtutol ni Jane na ikinatawa naman ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos kumain ng breakfast ay agad na kumaripas ng takbo palabas ng bahay si Jane. Apparently because her cousin has been waiting for her outside.
“Goodness! I thought you’d bail out on me!”
“Sorry naman! I woke up late because I slept late last night,” rason ni Jane bago iniabot sa pinsan ang kanyang mga bag.
“First, you ask me to drive you to school, then I get to carry your things. Now?” reklamo ni Jonathan. “Sa guwapo kong ‘to aalipinin mo lang ako?” sumbat pa nito.
“Minsan bawas-bawasan mo ’yung pagkamahangin, Kuya!” Pag-irap ni Jane sa binata bago pinagbuksan ng pinto ang sarili.
Wala namang ibang nagawa ang binata kung ’di ang buhatin ang mga gamit ni Jane at napabuntonghininga.
“Hurry up, alipin! Male-late na ‘ko!” Jane peeked said as she rolled the windows down and peeked out.
“I’m too handsome to be your slave,” Jonathan cooly replied as he walked his way to the driver’s seat.
“Sorry ka na lang, Kuya. Isa lang ang guwapo sa paningin ko!” Jane confidently responded while she was busy tying her hair into a ponytail. “And it’s none other than my man,” she added.
“Well then . . . I wish that you two have a happy and lasting relationship,” Jonathan nonchalantly spoke before starting the car’s engine and driving to school.
Matapos mag-ayos ay ibinaling ni Jane and pansin sa pinsang nagmamaneho. Diretso itong nakatingin sa kalsada. Ang isang kamay ay nakahawak sa steering wheel at ang isa naman ay nakapatong sa gear stick. Sa unang tingin ay hindi mo maipagkakailang nanggaling ito sa magandang lahi.
“Why are you staring at me like that?” nakakunot-noo nitong tanong.
Paunti-unti namang gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ni Jane. “I was just wondering why wala ka pa ring naging girlfriend hanggang ngayon?”
“And you’re insinuating that . . .?” Jonathan raised his brow.
Jane let out a small chuckle and shrugged. “Ewan . . . baka siguro . . . boyfriend ang hanap mo?”
“What the?!” bulyaw ni Jonathan. “What’s wrong with you people?” He expressed with disbelief.
“Well, you can’t blame us, though.” Jane chuckled and shrugged. “You’re already at the right age to get married, but you still haven’t found someone to love,” she added.
Napasapo naman ng noo si Jonathan dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. “My love life should not be part of your concerns. And besides, I’m busy running the business. I don’t have time to date,” he sighed.
“I’m not concerned, just curious!” pagtanggi ni Jane bago ibinaling ang pansin sa mga nadaanan nilang buildings.
Instead of starting another conversation, Jane decided to spend the time mentally reviewing for her calculus exam. Jonathan, on the other hand, focused his attention on the road. The whole ride to the university lasted for thirty minutes.
“Thank you, Kuya!” Jane smiled at her cousin as she opened the door to step out of the car.
As a gentleman that he is, Jonathan also stepped out of the car to help his cousin carry her things. Pero bago pa man makuha ni Jane ang kanyang mga kagamitan ay narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng isa sa kanyang mga kaklase.
“Jane!”
Napabuntonghininga naman si Jane kasabay ng pagkunot ng noo ni Jonathan. “With that loud voice of hers, I think she can pass as a vehicle’s manual siren.”
Bahagya namang tumawa si Jane dahil sa sinabi ng binata. “Don’t be like that, kuya! Lara’s actually nice . . . it’s just that she can be a little too loud sometimes.”
“Hi, Jane! Good morning!” masiglang bati ni Lara.
“Hi, Lara! Good morning to you, too!” bati pabalik ni Jane sa kaibigan. “Kakarating mo lang din ba?” tanong pa ng dalaga.
“A-A . . . O-oo!” Lara nodded. “K-kakarating ko l-lang din,” she added.
Sa una’y nagtaka si Jane kung bakit nauutal-utal ang kanyang kaibigan, pero agad din niyang napagtantong nakatingin pala ito sa pinsan niyang nakabusangot. Then a playful smile slowly crept its way in Jane’s lips.
“Oohh . . . hindi pa naman February, but I think love is in the air,” isip ni Jane.
After the scene at the parking lot, Jane made her way to the classroom. Also, she decided to play cupid, kaya naman ay pinakiusapan niya ang dalawa to run an imaginary errand for her. She asked to buy her a few reference books. Sa una ay humindi ang kanyang pinsan pero agad niya rin itong napapayag.
She was five minutes late for the first period. Mabuti na lamang at wala pa ang kanilang prof.
“Nagpuyat ka na naman ba last night?” pambungad na tanong ni Aia, Jane’s best friend.
“A perfect morning to you too, Aia!” Jane greeted, not minding her best friend’s question.
“Morning,” Aia coldly replied. “By the way, Jameson asked me to tell you na hindi siya makakasabay sa ’tin mag-lunch,” she nonchalantly said.
“Thanks for informing me, Aia!” Jane smiled after settling on her seat and fixing the things on her desk.
“I don’t get why I have to tell you that. Can’t he just send you a message?” Aia bitterly asked, making Jane laugh a little.
A few moments later, the teacher stepped inside and began to give the lecture – marking the official start of Jane’s Monday morning.