Chapter Fourteen

1097 Words
Chapter 14 The look of surprise was evident in Aia's eyes as she processed Jane's words. With teary eyes, Aia tried to read the emotion in Jane's eyes. "Y-you're joking." Aia shook her head, refusing to accept Jane's confession. "Hindi 'yan magandang biro Jane!" Jane gazed into Aia's eyes before shaking her head from left to right as a reply. "Sana nga nagbibiro lang ako." She chuckled, humorlessly. "Does Jameson know?" Aia asked. Jane shook her head and replied, "No. I do not want people to know." "Sa 'yo ko lang 'to sinabi because you're my best friend." Jane sadly smiled. "And I'm not telling you this para kaawaan mo ako." Aia still could not believe Jane's words. She suddenly felt like a bad person for not being there for her. "I'm sorry. . ." Hindi na napigilan ni Aia na yakapin ang kaibigan. "For not being there for you," humihikbing wika ni Aia. "It's okay," Jane whispered in reply as she hugged her friend back. - "Uy ang tagal niyo sa CR ah," pambungad na bati ni Jameson ng makabalik ang dalawa sa lamesa. Saglit naman na nagkatinginan sina Aia at Jane at bahagyang tumawa. "You know naman, we girls really take time," tugon ni Jane sa nobyo bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Tahimik na bumalik sa kaniyang inuupuan si Aia. Saglit siyang napatigil ng mapansing malinis na ang kaniyang parte. "Medyo naiinip ako kakahintay kaya nilinis ko na," nakangiting wika ni Jameson. "Ibinili na rin kita nt bagong food. Don't worry it's my treat," dagdag pa nito. Pasimple lang na tinanguan ni Aia ang binata bago muling ibinalik ang pansin sa kaniyang pagkain. Palihim na napangiti si Jane habang pinapanood ang interaksiyon sa pagitan ng dalawa sa pinakaimportanteng mga tao sa buhay niya. Paunti-unting binalot ng kalungkutan ang puso ni Jane nang muling sumagi sa isip niya ang katotohanang bilang na ang kaniyang oras. Bagamat hindi pa siya handa ay kailangan niya itong tanggapin dahil wala naman na siyang magagawa upang baguhin ang tadhana. Saglit na napatigil si Jane ng biglang may pumasok na ideya sa kaniyang isipan. - Sabado, kinabukasan, ay maagang nagising si Jane para maghanda para sa lakad nila ng kaibigang si Aia. 'From: Jane na Bestie kong cutie *mwah mwah* I'll be there at 10 AM. Be ready ah!' Nasa kalagitnaan ng pagdidilig ng mga halaman si Aia nang natanggap niya ang text ng kaibigan. Napabuntonghininga naman siya nang nakitang mag-a-alas nuebe na pala ng umaga. "Nana, aalis po kami ni Jane maya maya," pagpapaalam ni Aia sa kaniyang Nana na ngayon ay abala sa pag-tu-trim sa mga dahon ng mga halaman. "Aba, dapat siguro ay maligo ka na't maghanda!" saad naman ni Nana Ising. "O siya, ako na riyan," dagdag pa nito bago kuhanin ang hawak na hose ng dalaga. "Mamayang alas diyes pa naman ang lakad namin, Nana," saad ni Aia. "Tutulungunan na po muna kita." "Nako nako! Ibig mo bang sabihin na porket alas diyes pa ang inyong lakad ay mamayang alas diyes ka pa maghahanda?" Nakapamewang na pinagtaasan ng kilay ni Nana Ising ang dalaga. Bahagya namang tinawanan ni Aia ang kaniyang Nana. Imbes na magmukhang galit ay ang cute tignan ni Nana Ising — isang maliit na Ale. "Aba!" Singhap ni Nana Ising. "Tinatawanan mo pa 'ko ah!" saad nito. Agad namang umiling-iling at umusog palayo si Aia nang makitang umakma ang matanda na kurutin siya. "Opo, Nana! Maghahanda na 'ko!" Natatawang tumakbo papasok ng mansiyon ang dalaga upang mag-ayos. Wala ngayon ang kaniyang ama't ang pamilya nito kaya naman ay malaya siyang nakakapaglakad-lakad sa mansiyon. Pagkarating sa kaniyang kuwarto, agad na kumuha ng tuwalya't naghanda ng susuoting damit ang dalaga bago naglakad papasok ng CR upang maligo. Kahit na hindi maayos ang relasiyon nila ng kaniyang ama'y binigyan naman siya nito ng komportableng at may kalakihang silid na may sariling banyo. "Jane, baby, are you going somewhere?" pasimpleng pag-usisa ni Kriz sa anak nang napansing nakabihis panglakad ito. "Yes, mommy!" Jane nodded and smiled in reply. "I made plans with Aia." "Oh. . . what time would you be back then?" tanong pa ni Kriz. "It depends, m'mmy!" tugon ni Jane sa ina. "Why, m'mmy? Are we going somewhere?" tanong pabalik ng dalaga. Saglit na sinulyapan ni Kriz ang asawang tahimik na sumisimsim ng kape. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila at agad na nakuha ni Arthur ang gustong sabihin ng kaniyang may bahay. "Well, princess, your mom wants to get everyone checked by doctors," saad ni Arthur. "J-just to make sure we're all good." "Okay, then!" Jane nodded. "I'll be back before 3 PM." She smiled. Jane did not bother to ask follow-up questions; she quickly agreed despite feeling a pang of pain ruling over her feelings. She understands that her parents just want to protect her, even if it means keeping the truth from her. After breakfast, Jane headed her way to the Salazar's House to fetch her best friend. "Hi, Nana Ising!" masiglang bati ni Jane sa matanda matapos siyang pagbuksan nito ng gate. "Nako, Jane, hija!" umiiling-iling na saad ng matanda. "Kakapasok lang ni Aia sa kuwarto para maghanda." "Sinasabi ko na 'eh!" Nana Ising tsked. "Dapat kanina pa siya naghanda!" Bahagya naman natawa si Jane at pasimpleng inakbayan ang matanda. "Okay lang po 'yun, Nana. Keri ko naman pong maghintay." "Ika nga nila, Patience is a virtue." Jane playfully wiggled her brows, making Nana Ising chuckle. Habang naghihintay kay Aia, minabuti na muna ni Jane na tulungan ang Nana Ising sa pag-ayos ng mga halaman. "Hindi naman po halatang mahilig kayo sa halaman 'no, Nana?" natatawang wika ni Jane. "Sinabi mo pa," saad ng kakarating lang na si Aia. "Kulang na nga lang ay itabi niya ang mga 'yan sa pagtulog 'eh," hirit niya pa, dahilan para samaan siya ng tingin ng matanda. "O siya, umaalis na nga kayo para matapos mo na 'to," saad ng matanda. "Yie, Nana Ising, excited na siyang masolo ang bahay kasama si Tatay Celio," panunukso ni Aia sa kaniyang Nana. "Aba!" Agad na hinila ni Aia si Jane palabas ng gate nang nakitang binuhat ng matanda ang walis tingting. "Ikaw talaga, inaano mo na naman si Nana Ising." Tawa ni Jane pagkapasok nila sa sasakyan. Pasimpleng nagkibitbalikat lang si Aia at tumawa. "Teka, sa'n ba tayo pupunta?" tanong nito. "Sa mall!" puno ng excitement na sagot ni Jane sa kaibigan. "Ipag-sho-shopping kita!" saad pa nito. "Ano na naman trip mo?" kunot-noong tanong ni Aia sa kaibigan. "Secret!" Pagkindat ni Jane. "Later ko na sasabihin sa'yo para may thrill." She then giggled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD