CHAPTER 15

2289 Words
dirleyla15 "Kami na pong maghahatid kina Bino sa pier"pag presinta ni Lucas. Nasa ospital pa rin kami ngayon at narito na rin sina Mang Mario, Lola Claret at Isay. Bumisita sila bago dalhin si Ica sa Manila para doon ito mapagamot. "Mayron na akong nirentahan na sasakyan niyo papunta doon, kayo Bino'y maga-ingat doon ha. Kapag nagkaproblema magtawag agad dito sa amin para magawan kaagad ng paraan"paghahabilin ni Mang Mario kay Bino. Hinihintay na lang namin iyong go signal ng doctor bago kami umalis. "Nandoon na ang mama ninyo nagahintay sa Batangas, nagpaalam daw siya sa kanyang amo kahit isang araw laang para masundo kayo at maihatid sa ospital"dagdag naman ni Tita Lorena habang inaayos niya ang mga gamit nung magkapatid. "Wala na baga kayong naiwanan na gamit? Baka may maiwan pa kayo naku malayo iyong Maynila, damihan mo ng dala ng plastik at baka magsuka kayo sa biyahe" pagpapatuloy nito. "Kainaman naman si Tiya. relax laang ikaw diyan. Ayos na ho ang mga gamit namin akong bahala"sambit naman ni Bino. Isang oras pa ang lumipas bago dumating iyong doktor at payagan kaming lumabas na. At gaya ng sabi ni Mamg Mario ay may naghihintay na na itim na van sa labas noong ospital. "Maga ingat kayo ha"pagpapaalala ni Lola Claret bago kami tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Magkatabi iyong magkapatid at nasa likuran nila kami ni Lucas nakaupo. At mag-isa naman ang driver sa unahan. Inabot kami ng tatlong oras sa pagbiyahe kaya naman pare pareho kaming nakatulog maliban doon sa driver. Nagising lang kami ng maramdamang huminto na ang sasakyan. Pagkababa namin ay umalis na rin ito at naiwan kaming apat. Sinamahan namin sina Bino sa loob ng seaport sa kung hanggang saan lang kami pwede. "Ahh salamat sa paghatid, Poge at Leila"nakangiting sabi ni Bino sa amin habang hawak niya iyong kapatid niya. Lumuhod ako saglit para magpantay kami ni Ica at saka ko siya niyakap. "Pagaling ka ha, kailangan ka pa ng kuya mo"sabi ko sa bata. At naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Sobrang higpit. "S-salamat po"malumanay na sagot sa akin ni Ica. Pagkatapos ay kumawala na ako sa yakap at tumayo dahil kailangan na nilang umalis. "Ahh sige na maalis na kami at baka maiwanan pa kami ng barko" pagpapaalam sa amin ni Bino. Binuhat niya si Ica hababg sakbit naman niya sa likod ang kulay itim na bag kung saan nakalagay ang mga gamit nila. Nakangiti namin silang tinanaw habang naglalakad sila palayo. Kumaway pa si Ica sa amin at ng hindi na namin sila matanaw ay nararamdaman ko ang paghawak ni Lucas sa aking kamay kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Kain tayo"sabi ni Lucas at hindi na ako nakatanggi pa ng tumunog na ang tiyan ko dahil sa gutom. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang naglalakad palabas ng port at hanggang sa pumasok kami sa isang fast food chain. "Dito tayo kakain?"tanong ko sa kanya. "Oo bakit ayaw mo ba?" "Hindi naman , akala ko kasi sa karenderya tayo pupunta"sagot ko. Naalala ko lang iyong unang gabi namin na inaya niya akong kumain sa karenderya iyon. Nginitian lang ako ni Lucas at saka bahagyang ginulo ang buhok ko at saka naglakad para umorder na ng pagkain. Samantala, ako naman ay humanap na mg pwede naming pwestuhan. Habang inililibot ko ang aking paningin ay hindi ko mapigilan na mapangiti ng maalala ko na dito nga pala kami unang nagkita. Sayang lang dahil may nakapwesto na doon sa kung saan kami nakapwesto dati. "Bakit?" napatingin ako kay Lucas ng bigla itong magsalita sa tabi ko. Dala na niya iyong inorder niyang pagkain para sa aming dalawa. "Wala, wala, tara doon tayo"yaya ko sa kanya at saka naunang naglakad papunta doon sa table na itinuro ko at nakasunod sa akin si Lucas. Siya na ang naglapag at nag-ayos ng mga pagkain sa lamesa. Nagtataka akong tumingin sa kanya ng mapansing napatigil ito sa kanyang ginagawa. "Why?"this time ako naman ang nagtanong sa kanya. "Ahh isa lang kasi 'yung gravy"sagot ni Lucas sa akin. "Ahh hihingi lang ako--" Akmang tatayo si Lucas sa upuan niya ng hawakan ko ito sa kanyang palapulsuhan para pigilan. "'Wag na share na lang tayo"nakangiting sambit ko sa kanya dahilan para mapaupo siya ulit. "Sure ka?"pagsisiguro ni Lucas na parang nagdududa siya sa sinabi ko. "Yes, I'm sure" "Baka mamaya sabihan mo na naman ako ng Then why don't you get for yourself ? Sana man lang humingi ka muna ng permission hindi 'yung nang aagaw ka na lang ng hindi sa'yo" mahabang sabi ni Lucas at talagang pilit niya pang ginagaya iyong boses ko. Nakakainis......na nakakatawa. Ewan ko ba. "Hindi bagay sa'yo"sabi ko na ang tinutukoy ay 'yung boses niya na pilit niyang pinapa arte para magaya 'yung sakin. "Alam mo gravy ka talaga sakin, hindi na ikaw 'yung Leila na nakilala ko, ibang iba ka na"madramang sabi ni Lucas at hindi ko mapigilan na sumama ang mukha dahil nakakainis iyong pagmumukha niya. 'Yung nagdadrama siya tas hindi nakikipag cooperate yung awra niya. "Kumain ka na nga, gutom lang 'yan"sambit ko at nagsimula ng kumain ganoon din si Lucas. Sa kalagitnaan ay humingi na rin siya ng sarili niyang gravy dahil hindi nagkasya sa amin 'yung isa. Pagkatapos kumain ay naglakad kami palabas ng fast food restaurant habang magkahawak ang kamay. Medyo bumababa na ang sikat ng araw at nagtatalo na ang dilim at liwanag sa buong paligid. Rinig pa rin ang mga tunog ng sasakyan at may ilang tao kaming nakakasalubong na naglalakad. Napakapayapa talaga ng lugar na ito. "Hindi pa ba tayo uuwi?"tanong ko kay Lucas dahil maggagabi na at baka mag-alala na sa amin sina Mang Mario. "May oras kasi ang biyahe ng van dito kaya mamaya maya pa tayo makaka uwi"paliwanag sa akin ni Lucas at napatango lang ako sa kanya. "Tara doon muna tayo!"yaya niya sa akin at hindi na ako hinintay pang makasagot dahil hinila na ako nito. Tumigil lang siya sa paglalakad at paghila sa akin ng makarating kami sa may tabing dagat. Nasa mismong tabi lang ito ng kalsada at mayroon lang na kaunting harang na semento para hindi mapunta iyong alon sa daanan. Naunang maupo doon si Lucas at pagkatapos ay inalalayan niya akong maupo sa tabi niya. Nasa tubig ang mga paa namin at nakaharap kami ngayon sa napakalawak na karagatan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang pagsasama ng dilim at liwanag. Sobrang ganda. Dati nakikita ko lang ang mga ganitong eksena sa palabas o kaya ay sa mga post sa f*******: at i********: and I always felt jealous kapag nakakakita ako ng ganoon. Palagi kong tinatanong 'yung sarili ko na kailan ko kaya mararanasan ang ganun o kung mararanasan ko pa kaya? At ngayon nasagot na ang mga tanong na iyon. dahil naranasan ko na rin na mapanood ang napakagandang paglubog ng araw kasama ang taong mahal ko. Para sa iba siguro napakababaw na bagay lang nito pero para sa akin hindi. Dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayon. Because I was with him. At sana katabi ko pa rin siya hanggang sa muling pagsikat ng araw. "Leila"pagtawag ni Lucas sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. We're now staring at each other's eyes kasabay ng unti-unting pagtatago ng liwanag ng araw. "Nasabi ko na ba sa'yong mahal kita?" Natigilan ako at hindi alam ang isasagot kahjt alam ko naman talaga kung anong sagot sa tanong niyang iyon. "Yeah why?"patanong na sagot ko. "Wala lang" Lucas said at saka nagpakawala ng malalim na hininga. "May problema ba?"nag-aalalang tanong ko dahil parang may naiisip siyang hindi niya sinasabi sa akin. "Gusto ko lang malaman mo na mahal kita......... sobra. Masyadong mabilis alam ko, pero sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo Leila"sambit ni Lucas habang nakatitig sa aking mga mata. "Noong una kitang nakita sabi ko sa sarili ko, hindi pwede 'to . Hindi pwedeng bumilis ng ganito ang t***k ng puso ko kasi pareho tayo noon , pareho tayo na parang pasan ang mundo. Sabi ko hindi........... ayaw ko, kasi sobrang bigat na nga ng dala dala ko magdadagdag pa ako? Kaya nga pumayag ako na samahan ka noon pabalik ng pier para makauwi ka na at para masalba ko pa 'yung puso ko" "Pero wala e, mukhang napagkasunduan na ng buong universe na hindi natin maabutan 'yung biyahe"bahagyang nagpakawala ng mahinang taw si Lucas habang inaalala ang unang gabi naming iyon. "At--" "Pwede bang 'wag ka munang magmoment ngayon?" pagputol ko sa pagsasalita ni Lucas. "I mean look sobrang ganda ng moment na 'to, 'yung paligid parang ang perfect kaya please hayaan mo muna yung mga nangyari na and let's make this night to become one of those memorable memories we had?"tanong ko dahilan para mapangiti sa akin si Lucas at saka tumango. "So anong gusto mong gawin natin?"tanong niya. Umayos ako ng upo at saka nag-isip ng isasagot ko. "Ganito lang"sagot ko. "Nakaupo habang kaharap iyong paglitaw ng buwan. This is already enough for me. And by the way thank you nga pala for making my dream come true" "Ha?"naguguluhan na sagot ni Lucas. "The sunset earlier, I am always dreaming of watching that with someone before and thank you for making that dream come true" "Wala 'yun. Ako nga dapat magpasalamat sayo e"sabi ni Lucas dahilan para mapatingin ako sa kanya. He's still looking at the sea in front of us. Hinahangin rin ng bahagya ang kanyang buhok. "Why?"I asked. "For making my dream come true?"patanong na sagot niya sa akin, mukha pang hindi siya sigurado. "Bakit? Ano bang dream mo?"I asked him again. "Ikaw"nahihiyang sagot ni Lucas. I saw him blushing pero mukhang tinatago niya iyong kilig niya. Bakit pag siya ang nagbablush ang cute tingnan pero kapag ako mukhang natatae lang? Ang unfair! "Wala ka talagang naging girlfriend?" "Wala nga" "Kahit isa?" "Kahit kalahati, one fourth, one eight, wala as in negative" "Bakit?" "Strict parents ko e" Pinalo ko sa braso si Lucas dahil sa sagot nito sa akin pero parang balewala lang naman iyon sa kanya dahil mukhang hindi siya nasasaktan, tumatawa pa nga siya e. "Hindi ako naniniwala sa'yo"sambit ko, ewan ko ba pero ang hirap paniwalaan na walang naging girlfriend si Lucas, he's such a nice man and sweet kahit minsan ang kulit niya. "Nag-aaral ako, nagbabantay kay Mama at sa mga kapatid ko. Sa tingin mo may time pa ako para lumandi?" medyo matino ng sagot ni Lucas at napanguso na lamang ako. "Akala ko nga hindi na titibok 'to e"sabi niya sabay turo doon sa kanyang dibdib. "Tapos dumating ka, ayun hindi na kumalma"aniya at bahagya pang natawa. "So we are now tie. Kaya siguro tayo pinagtagpo no? Kasi tayo ang tutupad sa pangarap ng isa't isa"I said while remembering what Lola Claret said to me. I mean siguro nga tama siya. Laging may dahilan kung bakit tayo pinagtagpo, para man sa isa't isa o hindi. At lahat ng ito ay itinadhanang mangyari. Kaya naniniwala ako na lahat ng pinagtagpo ay itinadhana, minsan hindi nga lang na sa paraan na gusto natin. Minsan itinadhana tayong pagtagpuin para buuin ang isa't-isa Pinagtagpo, para tuparin ang pangarap na inakalang imposibleng mangyari noong una. Pinagtagpo para turuan at matuto sa isa't -isa. Pinagtagpo para tulungan ang isa't isa na mabuo ang sarili. At meron din namang pinagtagpo dahil sila na talaga ang nakatadhana para sa isa't isa. Napaisip tuloy ako kung alin nga kaya kami doon ni Lucas? Sana iyong huli. "You're the dream, Leila"sinserong sambit ni Lucas at saka kinuha ang kamay ko para hawakan iyon habang ang isa naman niyang kamay ay nasa aking mukha. Pareho kaming nakatingin lang sa mga mata ng isa't isa. At ang alon sa dagat ang nagsisilbi naming musika. "I want to say the same thing to you but--"natigilan ako sa aking sinasabi at saka napaisip. "But?"naghihintay na tanong ni Lucas sa akin. "Natatakot ako na baka panaginip lang lahat ng ito, tapos paggising ko wala ka na" And finally nasabi ko na rin ang matagal ng gumugulo sa isip ko. I am not used to this. I mean 'yung masaya ako. Sa sobrang dami ng sakit na pinagdaanan ko parang panaginip na lang 'yung pagiging masaya para sa akin. "Maaring panaginip lang lahat ng ito pero hindi ang pagmamahal ko sa'yo Leila "sabi ni Lucas. Kaya inakap ko siya mahigpit at naalis noon lahat ng takot sa dibdib ko dahil alam ko at nararamdaman kong totoo siya at totoo lahat ng nararamdaman ko. Gusto pa sana namin ni Lucas na manatili roon pero oras na ng biyahe ng van na sasakyan namin pauwi. Naunang tumayo si Lucas at saka niya ako inalalayan para makatayo rin. Hinawakan niya ang kamay ko para sabay kaming maglakad patawid ng kalsada at sa kalagitnaan nito ay napahinto ako ng may bigla akong maalala dahilan para mapatigil din si Lucas at nagtatanong na tumingin sa akin. "Bakit?"tanong niya. Nasa kalagitnaan kami ng kalsada at mabuti na lang ay wala pang dumadaan na mga sasakyan. "There's still a dream on my list na hindi pa natutupad"I said to him and he nodded as a response. So I continue. "My first kiss"halos maubusan ako ng hininga matapos sabihin ang tatlong salita na iyon. patuloy sa pakabog ang dibdib ko at ang malalalim na paghinga. "D-do you want me to kiss you?"Lucas asked me. "I want you to make that dream come true" And as soon as I replied, inilapit ni Lucas ang kanyang mukha sa akin. We both angled our face habang ang mga mata ay malagkit na nakatitig lang sa isa't isa. Lucas held my face habang papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa akin. And my eyes automatically closed when his lips touches mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD