dirleyla14
Dahil late na akong nakatulog kagabi, late na rin akong nagising. At paglabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina at nakita ko na naroroon na ulit silang lahat para kumain ng agahan si Mang Mario, Lola Claret at Lucas at ako na lang ang hinihintay nila.
"Good morning"nakangiting bati ko sa kanilang lahat. They greeted me back at nagsimula na rin kaming kumain. Ayon kina Lola Claret at Mang Mario ay magsisimba daw kami ngayong araw. Napaisip tuloy ako kung kelan ba 'yung huling beses na pumasok ako sa simbahan?
Matagal na.
Sobra.
Pagkatapos naming kumain ay naligo at nag-ayos na rin kami. Pinahiram ako ni Isay ng isang puting bistida na siyang susuotin ko ngayon. Ako ulit ang nahuling mag-ayos kaya pagkalabas ko ng bahay ay naroroon na silang lahat at katulad ko ay nakabihis na rin.
Kaagad hinanap ng mga mata ko si Lucas and I automatically smiled when I saw him. He's wearing a white polo shirt partnered with jeans. Pinahiram siguro sa kanya ni Bino.
"Ganda naman"bulong sa akin ni Lucas pagkalapit ko sa tabi niya. I just rolled my eyes on him at bahagyang kinagat ang labi ko para pigilan ang pagngiti ko at ng hindi niya mahalata na kinikilig ako.
Magkakasabay kaming naglakad papuntang simbahan kasama ang mga kapitbahay nina Lola Claret. May mga bata at matatanda kaming kasama. Medyo malayo daw iyong simbahan pero sanay na ang mga tao rito na nilalakad lang iyon kaya hindi ako pwedeng mag-inarte. At tsaka masaya namang maglakad lalo na pag marami kayong magkakasabay.
Magkahawak ang kamay namin ni Lucas kaya naman tinutukso kami ni Bino na nasa unahan namin. Ume-effort pa siya na lingunin kami para lang maka pang-asar.
"Pwede na kayong dalawa sa commercial" anito habang nakatingin sa aming dalawa ni Lucas.
"Anong commercial?"curios tanong ko medyo naexcite ako sa topic na 'yun dahil noong bata pa ako ay naging pangarap ko rin na makita sa TV.
"'Yung sa sabon! Mas puti ito mas puti ito mas puti itoooo"pagkanta ni Bino at talagang sinabayan pa niya ng pagsayaw. Lucas bumped him on his shoulder noong lagpasan namin siya. Tawa pa rin ng tawa si Bino doon sa likuran namin.
"Bino, magtigil ka nga at para kang inaupahan sa pagtawa diyan"saway noong isang matandang babae na kasabay namin sa paglalakad dahilan para tumigil na sa pagtawa si Bino at naglakad na ulit kasunod namin. Habang si Isay naman ay inaalalayan iyong isang matandang babae sa paglalakad dahil mukhang hirap na itong ihakbang ang mga binti.
Lumapit sa kanila si Bino at siya naman ang umalalay doon sa matanda.
"Ka Rosa bakit baga ho hindi ninyo ipagsama si Ka Narding para siyang mag-akay sa inyo at para mabawas bawasan din ho ang kasalanan noong matandang iyon?"tanong ni Bino kay Lola Rosa dahilan para bahagya siyang hampasin nito sa braso. Napatingin din sa kanila ang iba pa naming kasabay at ang ilan ay natatawa pa.
"Likat kang bata ka! Bakit pati asawa ko'y inadamay mo? Hayaan mo't matanda na iyon may sarili na iyong desisyon sa buhay"sagot ni Lola Rosa dito at rinig na rinig ang usapan nilang dalawa sa kalsada.
"Ako laang naman ho'y naga-alala sa inyo. Hindi ga ho kayo naiingit dini kayna Lola Claret at Lolo Mario? Tingni ho ninyo at anong sweet nilang dalawa. Ay diga'y kong inasama ninyo si Ka Narding ay 'di sanay ganyan din kayo magkahawak ang kamay"ani Bino at halatang inaasar lang si Lola Rosa. Pati matanda hindi pinapalagpas ng kakulitan niya.
"Ayy mas gusto pa niyon na kahawak ay alak kaysa sa akin. Alam mo g**g hindi ako inatabihan ng likat na iyon sa pagtulog. Paano'y doon na lagi sa labas nakakatulog sa sobrang kalasingan. Ako'y iyamot na iyamot na"reklamo ni Lola Rosa kay Bino.
"Pero mahal ninyo?"tanong ni Bino.
"Aba ay syempre, sino bagang hindi mapapa-ibig doon ay kagwapo naman nung asawa kong yuon" parang kinikilig na sagot ni Lola Rosa sa kanya. Kami naman at ang ilan naming kasama ay pinapanood lang sila habang naglalakad. "Aba ay kamukha mo nga iyon noong kabataan pa niya"
Nakita ko kung paano nalukot ang pagmumukha ni Bino dahil sa sinabi ni Lola Rosa. Parang hindi tinatanggap ng pagkatao niya iyong sinabi ng matanda. Natawa tuloy ang iba at pinangungunahan iyon ni Isay na ngayon ay pulang pula na ang mukha dahil sa kakatawa.
"Tawa ng tawa gustong ng mag-asawa"sabi ni Bino kay Isay dahilan para mapahinto ito sa pagtawa at mapasimangot na lang.
Halos kalahating oras ang tinagal namin sa paglalakad bago kami makarating sa simbahan. Marami na ang mga tao sa labas at loob niyon pagkarating namin. Pero hindi kami nahirapan na humanap ng mauupuan sa loob dahil matatanda iyong mga kasama namin. Priority daw kasi ang mga senior citizen na mabigyan ng mauupuan kaya pati kami ay napasama.
Magkakatabi kami sa upuan at si Bino lang ang napahiwalay dahil naroon na siya kasama ang ilang lalaki na nakasuot ng kulay puti.
Akalain mong altar boy pala si Bino!
Infairness bagay sa kanya iyong kulay puting suot niya. May mga kung anong inaayos sila doon sa altar at sinisindihan din nila 'yung ibang kandila.
Tumahimik na ang buong simbahan ng magsimula na ang misa. Mararamdaman mo talaga iyong pagiging sagrado noong apat na sulok ng simbahan. Tapos dagdagan pa nung magsimula ng kumanta iyong mga choir. Parang tagos sa puso lahat ng kanta.
Kakaibang pakiramdam ang ibinibigay sa akin nitong pagsisimba, nakakapanibago. Siguro ay dahil hindi ako sanay sa mga ganito. Hindi kasi ako palasimba na tao dahil napagod ako. Napagod na maniwala kasi sa daming tanong ko ni isa wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Sa sobrang dami ng pinagdaanan kong sakit, nanghina na ako dahil pakiramdam ko hinarap ko iyon lahat ng mag-isa.
"God is the way, the truth, and the life. Kapag naliligaw tayo ng landas, aakayin niya tayo sa tamang daan, ang daan patungo sa kanya. Kailangan lamang natin siyang papasukin sa ating mga puso. Dahil dala niya ang katotohanan, ang katotohanan na magpapalaya sa atin mula sa dilim. Kailangan lamang nating maniwala. At kapag naniwala tayo at nanampalataya sa kanya ipagkakaloob niya sa atin ang buhay na walang hanggan. Kailangan lang nating maniwala. Huwag mong hayaan na kainin ka ng galit, inggit at sakit na nararamdaman mo, dahl lahat ng iyan ay mapapalitan ng saya, ginhawa at liwanag. Kailangan mo lang maniwala at magtiwala"
Buong misa pakiramdam ko ay pinapatamaan ako noong pari sa homily niya. Alam mo 'yun parang lahat ng lumalabas sa bibig nito ay affected ako at parang nakakaguilty. Kaya naman tahimik lang ako buong misa at hanggang matapos iyon ay hindi pa rin nawawala iyong guilt sa puso ko.
"Kung meron ka daw hiling ibulong mo lang diyan tapos magkakatotoo daw"napatingin ako sa aking gilid ng marinig ang boses ni Lucas . Nasa katabi ko na ito at pareho kaming nasa harapan ng isang rebulto na kanina ko pang tinitingnan. "Si San Juan Bautista yan, siya ang patron dito sa Pola at sabi nung mga taga dito ay gumagawa daw ng himala 'yan"
"Naniniwala ka sa himala?"tanong ko kay Lucas habang hindi pa rin inaalis iyong paningin ko sa rebulto na nasa harapan namin.
"Hindi ko alam"sagot nito sa akin medyo natawa pa. "Pero wala namang mawawala kung maniniwala ako diba?"ani Lucas at binalot kaming dalawa ng sandaling katahimikan nanatili ang mga mata namin na nakatingin doon sa rebulto.
"Kung hihiling ako sa tingin mo masasagot niya?"curious na tanong ko kay Lucas. Bahagya pa kaming napatabi dahil may lumapit na isang pamilya doon sa rebulto at sabay sabay na nagdarasal doon. "Sobrang dami ng humihiling sa kanya, sa tingin mo mapapansin niya pa 'yung sakin?"tanong ko ulit ng may tatlong tao na namang magkakasunod na lumapit doon sa rebulto at saka bumulong doon.
"Oo naman, siguro kailangan mo lang maniwala at maghintay sa tamang oras kasi hindi naman agad agad ibibigay niya sayo ang hiling mo"sagot ni Lucas habang pinapanood namin iyong mga tao na lumalapit doon sa rebulto. "Gusto mong subukan?" tanong ni Lucas dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Hindi na "malamya kong sagot kay Lucas.
"Bakit naman? Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo di'ba?"
"Basta" iyon na lang ang tangi kong naisagot sa kanya. Muli kong ibinalik ang paningin ko doon sa rebulto at saka malalim na napabuntong hininga.
'Kailangan ko pa bang humiling ng himala para lang maging masaya ako?'
"Leila! Lucas!"
Sabay kaming napalingon ni Lucas sa pinanggalingan ng boses na iyon. At nakita namin si Isay na tumatakbo papalapit sa amin. Medyo pawis na siya at mukhang may hindi magandang nangyari.
"Si Bino nakita niyo?"tanong nito sa amin at pareho kaming umiling ni Lucas bilang sagot. "Nasaan na kaya iyon?" nag-aalalang tanong ni Isay pero hindi namin siya masagot dahil hindi rin namin alam kung nasaan si Bino.
"Bakit? Anong nangyari? May problema ba?" magkakasunod na tanong ni Lucas.
"Pano'y si Ica yuong kapatid ni Bino , dinala daw sa opistal ngayon" dumoble na ang pag-aalala ni Isay ngayon. Sinubukan kong tumingin sa paligid namin pero hindi ko nakikita si Bino. Hanggang sa lumapit sa amin iyong mga kasamahan nitong altar boys.
"Nandoon na si Bino sa ospital, nagmadali siyang pumunta nung malaman niya na sinugod si Ica doon"sabi noong isa sa mga altar boys. Lumapit na rin sa amin sina Mang Mario at Lola Claret na parehong nag-aalala na rin.
"Isay samahan niyo na muna ni Leila sina Mang Mario pauwi pupuntahan ko si Bino"sabi ni Lucas.
"Teka, sasama ako sa'yo"sambit ko at hindi na rin naman sila kumontra pa. Naunang umuwi sa bahay ang mag-asaws at kasama nila si Isay habang kaming dalawa naman ni Lucas ay sumakay ng tricycle papuntang ospital.
Pagkarating namin doon ay kaagad kaming pumasok pero pinigilan din kami dahil hindi namin alam kung anong buong pangalan noong kapatid ni Bino, ang alam lang namin ay Ica. Mabuti na lang at may pamilyar na mukha akong nakita. Nagulat din ito ng makita kami ni Lucas at kaagad itong lumapit sa amin.
"Kaibigan ka ni Isay hindi ba? Anong inagawa niyo dito?"tanong ng mama ni Isay sa akin.
"Pupuntahan sana namin si Bino kasi sinugod daw dito 'yung kapatid niya kaya lang hindi namin alam--"
"Hali kayo, asamahan ko kayo doon"hindi na ako pinatapos nito sa pagsasalita.
"Ha?"
"Ako ang nagdala dito sa kapatid ni Bino, tara at ihahatid ko muna kayo doon bago ako umuwi"yaya nito sa amin at wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Huminto kami sa tapat ng isang pintuan at pagkapasok doon ay sumalubong sa amin ang walong hospital bed, at apat lang doon ang may pasyente. Isa na roon ang kapatid ni Bino na nasa unahang bed nakahiga malapit sa pinto noong kwarto.
"Maiwan ko na muna kayo dito ha, ako'y mauwi muna. Mabalik na laang ako mamaya para magbantay kay Ica"paalam sa amin noong Mama ni Isay.
Naiwan kami ni Lucas na nakatayo sa gilid noong kama na hinihigaan ni Ica. Mahimbing itong tumutulog at ng pasadahan ko ng tingin ang katawan niya ay napansin ko na ang payat nito at medyo maputla din.
"May sakit siya sa puso"maya maya pa ay sambit ni Lucas sa akin, pareho lang kaming nakatingin doon sa bata. "Sabi ni Bino sa akin simula daw iyon nung ipinanganak si Ica. Kaya parating nasusugod sa ospital kapag inaatake ng sakit niya"pagkukwento ni Lucas . Ganun na lang siguro talaga sila kaclose ni Bino dahil pati ang tungkol sa kapatid nito ay alam niya.
Isang oras na ang lumipas at bumalik na ulit ang mama ni Isay. May dala na itong pagkain para sa amin. Pero hindi kami kaagad makakain dahil wala si Bino. Kaya noong dumating iyong doctor ni Ica ay ang mama ni Isay ang kinausap nito.
"Mas malala na ang sakit ng bata ngayon. Mas makakabuti kung dadalhin siya sa Maynila. Dahil hindi sapat ang mga kagamitan na mayroon kami dito para magamot siya, mas mabuti kung malilipat natin siya sa lalong mas madaling panahon, dahil hindi natin alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ng pasyente....."
Patuloy sa pagpapaliwanag iyong Doctor sa Mama ni Isay at kay Lucas . Pero hindi ko na nagawang unawain pa ang mga sunod niyang sinabi ng makita ko si Bino na papasok na sana ng pinto kaya lang ay natigilan ito ng marinig ang sinasabi noong Doctor tungkol sa kapatid niya. Kaya sa halip na pumasok ay tumalikod ulit si Bino at naglakad ito paalis.
Lumabas ako ng kwartong iyon para sundan siya habang sina Lucas ay abala pa rin sa pakikipag-usap doon sa doctor. Pagkalabas ko ay kaagad hinanap ng mga mata ko si Bino at nakita ko itong pumasok doon sa pinakadulong pinto.
Sinundan ko siya at natigilan ako ng makita kung anong klase ng silid iyong pinasukan niya.
Dasalan.
Nakaluhod si Bino habang nakapikit ang mga mata sa harapan ng isang lumang krus. Ilang minuto ko siyang pinpanood habang nagdadasal siya. At ng matapos siya ay tumayo na rin ito at akmang lalabas pero natugilan ng makita ako sa may pinto.
Sinubukan pa ni Bino na punasan ang mga luha niya pero halata panrin naman na umiyak siya.
"Nagdasal ka?"tanong ko kay Bino at tumango ito sa akin bilang sagot.
"Palagi"dagdag pa nito.
"Bakit?"
"Ha? Anong bakit?"
"Sigurado ako na ang ipinagdadasal mo ay ang kapatid mo, hindi ba? Pero hanggang ngayon hindi pa din siya gumagaling. Bakit nagdadasal ka pa din? I mean hindi ka ba napapagod?" tanong ko at ilang tahimik na segundo pa ang lumipas bago nagsalita si Bino.
"Kung napagod ako baka hindi ko na kasama ang kapatid ko ngayon"
Napatigil ako at napatingin kay Bino sandali at saka muling humarap doon sa altar.
"Siya na laang ang inakapitan ko ngayon, dahil alam kong hindi niya ako abitawan kaya hindi rin ako mabitaw sa kanya. Oo nakakapagod syempre , pero kahit na anong mangyari ay hindi ako matigil sa pagdadasal, dahil iyon na lang ang nagabigay ng pag-asa sa akin" sambit ni Bino habang nakatingin doon sa altar sa unahan namin.
"Sana naging kasing lakas mo ako" sambit ko.
"Bakit naman?"
"Nakakabilib lang. Ako kasi hindi ko kaya 'yung ginagawa mo. 'Yung kahit sobrang hirap na ng sitwasyon nakakayanan mo pa ring ngumiti at tumawa na para bang wala lang, pero 'yung totoo meron ka palang pinagdadaanan na mabigat. Sana kaya ko din 'yun no? Sana malakas din ako"
"Magkakaiba naman tayo ng paraan kung paano natin haharapin ang mga pagsubok. At dalawa lang naman ang apagpilian natin, una sumuko o lumaban. Pero alam mo mas maganda kung hindi tayo susuko"
"Kahit nakakapagod na?"
"Kahit sobrang nakakapagod na"
"Kahit sobrang sakit na?"
"Kahit sobrang sakit pa, hayaan mo lang yung sakit hanggang sa dumating ang panahon na magugulat ka na laang dahil hindi na masakit"
"Paano kung hindi?"
"Maniwala at magtiwala ka lang, 'yun yung sabi ni Father kanina hindi ba? At 'yun ang gusto niyang gawin mo"
Napatingin ako doon sa itinuro ni Bino. It is Jesus on the cross.
"Maniwala na matatapos din ang lahat ng sakit. At magtiwala na dadating din ang araw na magagawa na rin nating ngumiti, 'yung totoo"
Siguro nga tama si Bino , kailangan ko lang talaga na maniwala at magtiwala. Pero alam ko rin na hindi madaling gawin iyon pero susubukan ko. Susubukan kong maniwala ulit pero tatanggapin niya pa kaya ako ulit kung lalapit ako sa kanya.
"Hinihintay ka lang niya na kumapit ulit"
Makahulugang sambit ni Bino na para bang nababasa niya ang tanong sa isip ko. Ilang minuto ang lumipas ng pareho kaming mapatingin sa pintuan ng biglang dumating siLucas . Tumakbo siguro ito dahil hinihingal pa siya. A few second had passed bago siya nakapagsalita.
"Bino.... si Ica"