dirleyla13
"Leila!"
Napatakbo ako sa may pintuan ng bahay nina Lola Claret ng marinig ko ang pagsigaw ni Isay sa pangalan ko. Ng nasa pinatuan na ako ay nakita ko si Isay na kakapasok lang ng bakuran nina Lola Claret at may dala dala siyang isang plastic na kulay pula.
"Oh Isay bakit?"tanong ko sa sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Hindi kaagad nakasagot si Isay sa tanong ko dahil sobrang hingal niya. Ng maging nirmal na ang kanyang oaghinga ay saka lamang niya ako sinagot.
"Heto, bistida binili ng Mama kanina sa bayan"sabi niya sabay abot sa akin noong kukay pulang plastic. Bago buksan iyon ay pinapasok ko muna siya sa loob bahay. Kami lang ang tao ni Lola Claret sa bahay dahil may pinuntahan sina Lucas at Mang Mario.
"Bakit ako binilhan ng Mama mo?"nagtatakang tanong ko kay Isay habang nilalabas iyong bistida sa plastic. Kulay pula iyon at bulaklakin ang disenyo. I never wear this kind of dress pero dahil binili iyon ng mama ni Isay para sa akin ay susuotin ko iyon.
"Awan ko kay Mama basta ang sabi ay ibigay ko daw sa iyo yaan. Meron nga din ako e"sagot sa akin ni Isay. Parang may kumiliti sa dibdib ko. Masarap pala sa pakiramdam na may taong nakaka alala sayo 'yung kahit hindi mo pinipilit. "Sakto may asuotin na tayo mamaya!"excited n sabi ni Isay kaya naoatingin ako sa kanya.
"Bakit? Anong meron mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Kasalan doon kayna Tiyo Odeng tapos mamaya ang pahapunan. Inimbitahan tayo sa sayawan"sagot ni Isay.
"Ay nakalimutan ko palang sabihin sa iyo Ineng, ikaw nga pala ay pinagpaalam sa akin ni Pareng Odeng para sa sayawan mamaya"pagsali ni Lola Claret sa usapan namin.
"Mamaya na? Eh anong sasayawin natin? Kailangan magpractice na tayo"sabi ko at hindi ko alam kung bakit napakunot ang noo ni Isay.
"Ala naman. Hindi naman gay-on Leila hindi na natin kailangan magpractice. Mamaya maupo lamang tayo doon tapos magahintay lamang tayo ng lalaki na malapit sa atin para isayaw tayo"paliwanag sa akin ni Isay at unti unti ko ng naiintindihan ang gusto niyang sabihin.
"Eh pano kung walang lumapit sa atin?"tanong ko ulit. Parang nakakahiya kasi kung magdamag na akong nakaupo doon tapos walang lumalapit na lalaki.
"Naku Leila baka kamo pumila pa sa iyo ang mga lalaki pag ika'y nandoon"sagot ni Isay.
"Basta kayo'y maga ingat doon at siguradong may mga naka inom na doon"bilin sa amin ni Lola Claret. Pagaktapos ng usapan namin ay nag-ayos na kami ni Isay ng aming sarili. Pinuyuran ko siya habang ang aking buhok naman ay hinayaan ko na nakalugay.
Suot naming pareho ang bestida na binili ng mama niya para sa amin. Kulay pula ang sa akin at kulay dilaw naman ang sa kanya. Pagdating ng hapon ay dumating ang mama ni Isay para siyang makasama ni Lola Claret habang wala kami. Siya na rin ang kumuha ng tricycle na sasakyan namin ni Isay papunta sa sayawan.
"Isay nakakakahiya ang daming tao"bulong ko kay Isay pagakbaba namin ng tricycle. Nasa labas pa alang kami pero tanaw ko na ang maraming tao. Dumagdag pa sa kaba ko ang malakas na dagundong ng tugtugin.
"Ayos laang yan. Tayo na doon sa bulwagan"sabi sa akin ni Isya saka niya ako hinawakan sa aking braso at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng tinatawag niyang bulwagan.
Ang bulwagan na sinasabi ni Isay ay gawa sa manta ang bubong, may mga kawayan at dahon ng niyog sa palibot niyon. Umupo kami sa bakanteng mga upuan na nakahanda sa bulawagan dahil may ilang mga babae na rin na naka upo doon.
Tipid lang ang mga kilos ko dahil maraming mga matang nakatingin sa akin. Halos lahat ng mapadaan sa harapan nmain ni Isay ay napapatingin sa amin.
"Ganyan talaga dito kpaag may taga Maynila"sabi sa akin ni Isay. Halos hindi ko marinig ang boses niya dahil sa lakas ng tugtog.
Ilang sandali lamang ay pinakain muna kami ng hapunan bago magsimula. Isa na namnag pagsubok para sa akin dahil kailangan ko pangakipagsiksikan sa mga tao para makakuha ng pagkain ko. Mabuti na lang at kasama ko si Isay, magaling siyang sumiksik kaya nakakuha rin kami kaagad ng pagkain namin. Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa aming upuan.
Kumain kami kasabay ng mga tao at hindi ko inaasahan na ganun pala ito kasaya. 'Yung mga pagkain hindi naman mamahalin….. simpleng mga putahi lamang pero dahil marami kaming nagsalo salo at sama samang kumain hindi na naging big deal iyon.
Kapag marami kayong kasabay kumain at masaya hindi mo na mapapansin kung anong uri o lasa ng pagkain.
Pagkatapos ng kainan ay sinimulan na ang pag tawag doon sa ikakasal. Sila ang unang sumayaw sa gitna. At habang sumasayaw ang dalawa ay may mga lumalapit sa kanila para magsabit ng pera. Namangha ako doon lalo na ng unti unting humaba ang mga perang nakasabit sa likod ng ikakasal habang sumasayaw sila.
"Alam mo baga 'yung mga nagasabit sa babae mga kamag-anak 'yun nung lalaki. Tapos 'yung mga nagasabit sa lalaki kamag anak naman ng babae" pagkukwento sa akin ni Isay habang pinapanood namin ang nangyayaring sabitan ng pera.
"Bakit baligtad?"tanong ko kay Isay.
"'Yun ang hindi ko alam. Napansin ko lang din kasi 'yun"sagot niya sa akin. Akala ko pa naman my explanation siya. "Basta pagkatapos niyan abilangin nila 'yung pera tapos parang aalay nung lalaki lahat ng perang naipon nila doon sa babae"
Katulad ng mga sinabi sa akin ni Isay ay ganoon nga ang mga sumunod na nangyari. Pagakatapos ng sabitan ng pera ay binilang iyon at naka ipon sila ng thirty one thousand five hundred fifty pesos. Nagpalakpakan sila ng sabihin iyon ng emcee habang ako ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
That amount is just half of my monthly allowance in school. Pero sa reaksyon ng mga tao ngayon ay parang milyon na ang halaga ng perang iyon para sa kanila. At habang ibinibigay iyon ng lalaki sa kanyang mapapangasawa ay kitang kita sa mukha nilang pareho na sobrang saya nila.
And that scene mede me realize how fortunate I am. 'Yung maliit para sa akin ay malaking halaga na sa ibang tao at nagagawa ko pang magreklamo imbes na magpasalamat. Narealize ko na marami naman pala akong blessings sa buhay , hindi lang ako marunong maka appreciate.
"Okay ka lang?"tanong sa akin ni Isay kaya napatingin ako sa kanya.
"Kanina ka pang nakatulala diyan. Gusto mo na ring mag asawa ano?"
"Ha? Hindi no? May naisip lang ako"sagot ko sa kanya.
"Ahh baga akala ko ay gusto mo na ring mag asawa e"nang aasar ang boses ni Isay.
"Paano mag-aasawa e manliligaw nga wala ako"sagot ko sa kanya at inismiran niya lang ako.
"Si Lucas mandin?"aniya.
"Anong si Lucas?"
"Naku Leila 'wag ako! Kunwari ka pa dyan. Bagay kaya kayo ni Lucas" pangungulit sa akin ni Isay may kasama pang pagkurot sa aking tagiliran.
"E diba ikaw may crush don?"tanong ko kay Isay, pinagseselosan ko pa nga siya e.
"Oo crush ko ….. nung isang araw" sagot sa akin nito.
"Eh ngayon?"
"Hindi na iba na ang crush ko ngayon" sagot sa akin ni Isay at siya naman ang kinurot ko sa tagiliran.
"Ang landi!"sabi ko at pareho kaming natawa.
"Crush laang naman 'di pa asawa"pangangatwiran ni Isay. Patuloy kami sa pakikipagkwentuhan hanggang sa nagsimula na ang sayawan.
"Atin pong inaanyayahan ang lahat ng kalalakihan dito sa loob ng ating bulwagan dahil ang atin pong mga dalaga ay naghihintat ng inyong maisayaw" anunsyo nung emcee. Nakita ko ang paglapit ng mga tao sa bulwagan para manood. Hanggang doon lang sila gilid dahil ang mga sasayaw lang ang pwede sa loob ng bulwagan. "At para sa ating unang sayaw….. maestro pahiling ng isang awitin diyan"
Pagakatapos sabihin iyon ay biglang bumukas lahat ng ilaw sa bulwagan kasabay ng pagtugtog ng isang kanta. Sa una ay parang nagakaka hiyaan pa ang mga lalaki na pumasok at pumili ng isasayaw nila. Nasa kalagitnaan na ang kanta ng may manguna sa pagsayaw sa gitna.
"Leila sina Lucas 'yun ah!"sabi sa akin ni Isay. Hundi ko siya masyadong narinig kaya tiningnan ko na lang 'yung tinuturo niya. At umawang ang bibig ko ng makita si Lucas na nakatayo roon sa may entrance, kasama niya si Bino.
Katulad ng ibang binata na naroon ay nakasuot din sila ng polo at pantalon ang kaibahan lang mas bagay kay Lucas ang ganung porma kaysa sa iba. Siguro kasi maganda ag katawan ni Lucas, tapos matangkad pa siya, 'yung kulay ng balat niya hindi sobrang puti at hindi rin sobrang itim . Tapos 'yung mukha niya…. parang pulidong ginawa ng Diyos. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga babaeng kanina pang tingin ng tingin sa kanya. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin ng biglang tumingi sa gawi ko si Lucas.
Pagkabalik ko ng tingin sa bulawagan ay eksaktaong natapos na ang tutog kaya umupo na ulit ang kaninang mga sumasayaw na pares. Kaya muling nagsalita ang emcee.
"Salamat ho sa mga sumayaw. Ngayon para ho sa ating ikalawang tugtog, inaanyayahan ko po lahat ng mga binata diyan sa tabi tabi…. ire na ang inyong pagakakataon para maisayaw ang natitipuhan ninyong babae. Maestro pahungi ulit ng isang kanta diyan"
Hindi katulad kanina ay marami na ngayon ang mga lalaking pumasok sa loob ng bulwagan at nilapaitan ang mga babaeng gusto nilang isayaw. Maya maya pa ay nakita na sin naman ang bruskong katawan ni Bino sa aming harapan. And as usual nakangisi na naman siya.
"Nakakaiyamot ka mandin Bino! Iba na laang baya ang isayaw mo 'wag ako!"singhal sa kanya ni Isay dahil ito ang inaya niyang sumayaw.
"Aba ay ang bilin ng Tiya bago ako umalis ay bantayan daw kayo. Kaya asayaw kita at baka lasing pa ang magyaya sa iyo… siguradong pihado ka pag nagkataon"paliwanang ni Bino sa pinsan niya kaya napanguso na lang ito.
"Eh pano si Leila? Aiwan natin dito? Ay baka yaan naman ang maisayaw ng lasing–"
"May masayaw din diyan. Tayo'y pumar-on na"aya sa kanya ni Bino. Ayaw ko pa sana silang umlis dahil maiiwan ako doon mag-isa kaya lang ay hinila na ni Bino si Isay doon sa dancefloor.
I was left there – only for a second. Dahil biglang sumulpot sa harap ko ang bruskong katawan ni Lucas. s**t and sexy niya talaga sa suot niya ngayon.
"Ah L-Leile pwede ba kitang isayaw?"tanong sa akin ni Lucas at parang nanuyo ang lalamunan ko sa paraan niya ng pagkakasabi noon. And the only thing I did was to hold his hand and go with him to the dance floor.
At last, my love has come along
My lonely days are over
And life is like a song
Pagkarating sa gitna, humarap sa akin si Lucas at dahan dahan kong naramdaman ang paglapat ng dalawa niyang kamay sa aking beywang. Pinapanood ko lang siya at ng mapansin niyang hindi ako gumagalaw ay hinawakan niya ang aking dalawang kamay at inilagay ang mga iyon sa kanyang balikat saka muling ibinalik ang kanyang mga kamay sa aking bewang. And our eyes never leave each other.
Ooh yeah, yeah
At last, the skies above are blue
My heart was wrapped up in clover
The night I looked at you
I have never danced like this before. Maybe because I was not a fan of prom or ball-it always feels cringey for me. Slow music…… slow dance… everything that needs patience which I am lacking. But now, with Lucas I want everything slow and enjoy every moment of a second. With him, I don't want to see the ending. With him I have all the patience in the world. Because with him everything just synchronizes on its own, melody, movement and feelings that I never knew could make my dream come true, love.
I found a dream, that I could speak to
A dream that I can call my own
I found a thrill to rest my cheek to
A thrill that I have never known
"Nahihiya ako"nawala ang atensyon ko sa pagsayaw namin ng biglang magsalita si Lucas.
"B-bakit?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sobrang ganda kasi ng kasayaw ko" nakangiting sagot sa akin Lucas and all I did is smile and blush.
"Sige kunwari naniniwala ako kahit nakita ko na tinitingnan mo kanina 'yung nakablue na babae" sambit ko dahilan para mapakunot ang noo ni Lucas. "Akala ko mo 'di ko nakita ha"
"Napatingin lang naman 'di ko naman sadya. Hinahanap kasi kita.." pangangatwiran niya.
"At bakit mo naman ako hinahanap?"
"Nasanay na kasi 'yung mga mata ko na lagi kang tinitingnan"
Ohh yeah yeah
You smile
You smile
Oh and then the spell was cast
And here we are in heaven
For you are mine
At last