dirleyla12
Sumakay ulit kami ng tricycle ni Lucas pauwi namin sa bahay. Kung kanina ay ako ang tulog sa biyahe ngayon ay siya naman. Nakahilig Ang ulo niya sa balikat ko habang dahan dahan kong sinusuklay ang buhok niya gamit ang aking mga daliri.
Pagkarating namin sa bahay ay dumeretso na si Lucas sa kwarto para matulog. Hinayaan ko na siya dahil mukhang pagod na pagod ito at mas makabubuti kung magpahinga na siya. Samantala, tinulungan ko muna si Lola Claret sa pagtitiklop ng mga damit nila ni Mang Mario nadatnan ko kasi itong nagtitiklop roon sa may sala.
"Mukhang malalim ang iniisip mo Ineng ah"maya maya pa ay sambit ni Lola Claret matapos kaming balutin ng katahimikan. Napatingin ako sa matanda at gusto kong humanga sa paraan niya ng pagtutupi ng damit. Napakaayos ng mga ito kahit na hindi siya nakakakita samantalang ako sobrang linaw na ng mata ay hindi pa magkaintindihan sa ginagawa ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot. "La, paano niyo po nalaman na si Mang Mario na talaga 'yung lalaki na para sa inyo?"tanong ko at napatigil si Lola Claret sa pagtutupi ng damit at saka umayos ng upo.
Kanina pa kasing gumugulo sa isip ko ang tanong na 'yun. Sigurado akong mahal ko si Lucas pero hindi ko mapigilang mapa isip kung siya na ba talaga? Paano kung hindi? Itutuloy ko pa ba? Dahil nakakatakot na baka maulit ulit yung nangyari samin ni Jaron. Buong akala ko ay kami na talaga ang para sa isa't isa kaya binigay ko sa kanya lahat pero sa huli nasayang lang lahat.
At ayoko na ulit masayang ang oras ko sa taong hindi naman talaga para sa akin.
"Sa totoo lang Ineng, hindi ko din alam....... ang sigurado laang ako ay mahal ko siya, hindi ko na inisip kung para baga talaga siya sa akin o hindi dahil ang mahalaga laang sa akin ay mahal ko siya. Buong buhay ko wala akong nakikita kundi puro dilim pero nung dumating si Mario parang biglang lumiwanag lahat. Hindi ako naniniwala noon na may pag-ibig na madating sa akin, pero dumating siya. Minsan kailangan laang talaga nating maniwala. Kung mahal mo maniwala kang para siya sa'yo" mahabang sambit ni Lola Claret.
"Pero paano po kung hindi siya para sa'yo? Hindi kayo para sa isa't isa?"tanong ko ulit. I love this conversation with Lola Claret. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nakaka usap ako tungkol sa mga bagay na yun. Litong lito na kasi ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Ineng ang pag-ibig hindi laang inabigay sa taong nakatadhana para sa iyo, inabigay ang pag-ibig sa lahat ng tao na makikilala mo, dahil doon mo malalaman kung sino talaga ang para sa iyo. Ngayon kung hindi talaga siya iyong para sa iyo, naniniwala akong mayroong dahilan kung bakit nagtagpo ang mga landas ninyo, kaya kayo man ang nakatadhana sa isa't isa o hindi........ mahalin mo pa rin kaysa dumating ang araw na magsisi ka dahil hindi mo kaagad ipinaramdam ang pag-ibig mo sa kanya. Lagi mong tatandaan na hindi natin hawak ang mundo, hindi natin kontrolado ang pag-ikot nito kaya habang may oras, magmahal ka…. piliin mo lagi ang magmahal"
Tanging pagngiti na lang ang naisagot ko kay Lola Claret. I know hindi niya iyon nakikita pero gaya nga ng sabi niya dati nararamdaman naman niya.
Nagpatuloy kami sa pagtutupi ng damit at ng eksaktong tapos namin ay lumabas mula sa kusina si Isay. Nandito pala siya.
"Ahh Lola mauwi na ho ako" pagpaalam nito kay Lola Claret at saka nagmano dito at saka ngumiti ng mapatapat siya sa gawi ko kaya ngumiti rin ako sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng bahay nina Lola Claret. Hindi pa rin maayos ang paglalakad niya at mayroon pa ring nakatali na puting tela sa paa niya na nabalian nung mahulog siya sa puno.
Wala pang limang minuto ang nakakalipas ng si Mang Mario naman ang lumabas at may dala dala itong isang bag at parang may hinahanap.
"Si Isay umuwi na?"tanong nito at pareho kaming tumango ni Lola Claret sa kanya. "Naku naiwan ng batang iyon ireng bag niya"sambit ni Mang Mario. Bag pala ni Isay iyong hawak niya. Hindi ko alam pero parang biglang may nagtulak sa akin magvolunteer na ihatid iyong bag kay Isay.
Mabuti na lang at hindi na umangal pa sina Mang Mario at pinayagan akong sundan si Isay. Sinunod ko lang iyong sinabing daan ni Mang Mario at wala pang sampung minuto ay natanaw ko na si Isay, nakatalikod ito sa akin at naglalakad. Mas binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya at nagulat pa si Isay na makita akong nasa tabi na niya.
"Leila"sambit nito na parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako.
"Hmm, naiwan mo sabi ni Mang Mario kaya hinatid ko na dito"sabi ko at saka inabot sa kanya iyong bag. Marami sigurong laman iyong bag niya dahil medyo mabigat, ano kayang laman niyon?
"Hoy Alodia ayos ah, ganda ng suot mong damit ngayon ah, iba talaga kapag may banker na kano"sigaw nung isang babae bago pa man tuluyang makuha ni Isay iyong bag sa akin. Sabay kaming napatingin doon sa babae na sumigaw at doon sa isang babae na naka suot ng pulang dress, na siya yatang sinisigawan. "Aba tingnan mo nga naman hindi na namamansin porke mayaman na, pekpek lang naman ang puhunan--"
Pare pareho kaming nagulat ng biglang hablutin nung babaeng nakadress iyong buhok nung babaeng kanina pang sumisigaw. At bigla na lang ay parang nagkaroon ng rambulan sa harapan namin.
"Malandi ka Alodia, hindi na kami magataka kung ganyang ugali ang apamana mo sa iyong mga anak!"sigaw naman nung isang babae na nanonood sa sabunutang nangyayari.
"Ma!"malakas na sigaw ni Isay ng akmang pupukpukin ng bato nung nakapulang babae ang ulo nung isa. Napatingin ito sa gawi namin at saka lang binitawan ang hawak niyang bato.
Lumapit si Isay roon kaya sumunod din ako. Nakaupo pa rin sa lupa iyong isang babae na sobrang gulo na ng buhok at may kalmot sa kaliwang pisngi.
"Uwi na tayo Ma"ani Isay at saka hinawakan ang braso nung babaeng nakapula, na mama niya pala.
Tumingin muna ito ng masama doon sa babae bago tuluyang sumama kay Isay pauwi. Sumunod lang ako sa kanila at kahit na madilim na ang paligid ay kita ko pa rin na nasa amin ang paningin ng lahat ng taong nadadaanan namin.
Nakakadismaya lang dahil sa dami nila roon ni isa ay walang umawat kanina.
Ilang minuto lang ang tinagal ng paglalakad namin at huminto na sina Isay sa tapat ng isang gate na gawa sa kawayan. Mula roon ay matatanaw ang bahay nila. Tulad ng bahay nina Mang Mario ay hindi rin ito sementado. Yari ito sa kahoy at pawid, pero mas malaki ng kaunti.
"Pasok ka Leila "anyaya sakin ni Isay kaya sumunod ako sa kanila ng mama niya. Naupo ako sa may sala nila habang sila naman ay dumeretso sa kusina.
"Ma, dapat hindi mo na pinatulan si Aling Rosa"rinig ko ang boses ni Isay.
"Anong gusto mong gawin ko Isay? Hayaan siya na apak apakan ang pagkatao ko? Tapos madadamay kayo ng mga kapatid mo?"sagot ng mama niya. Napaisip tuloy ako kung tama ba na manatili ako roon dahil tungkol sa pamilya nila ang pinag-uusapan nila at hindi ko dapat pinapakinggan iyon. Pero parang ang sama rin naman kung aalis na lang ako ng walang paalam at saka nasa akin pa rin iyong bag ni Isay.
"Ma, ayaw ko laang naman ng gulo--"
"Walang magiging gulo kung hindi nila papake alamanan ang buhay natin Isay, sila iyong nauna, hindi naman ako papayag na ganun ganunin na lang nila tayo. Kasi hindi naman talaga tayo tulad ng sinasabi nila sa atin. Hindi ko kayo katulad ng mga kapatid mo at kahit kailan hindi kayo tutulad sa'kin, naiintindihan mo ba ha Isay?"mahabang litanya ng nanay ni Isay bago ito tuluyang pumasok sa isa sa mga kwarto sa bahay nila.
Napaayos ako ng upo ng makita kung lumabas rin si Isay at umupo sa katapat ng inuupuan ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nasa baba lang ang tingin ni Isay habang ako naman ay naghihintay lang na magsalita siya.
"Sorry, 'dun sa nangyari kanina " mahinang sambit ni Isay at hindi ko alam kung bakit niya sinasabi iyon. I mean kung ako rin naman ang nasa sitwasyon nung mama niya kanina ay ganun din ang gagawin ko.
"Hmm okay lang naiintindihan ko"sambit ko at saka ngumiti kay Isay at ewan ko ba pero biglang gumaan 'yung pakiramdam ko sa kanya nung ngumiti rin siya sa'kin.
"Dating GRO si Mama, maaga siyang naulila sa magulang at 'yun yung nakita niyang paraan para mabuhay, kaya lang habang buhay din siyang binabato ng pangungutya dahil doon"
I didn't expect that Isay would open this to me. We're not even close but the fact that she told me this maybe I should listen to her just like what a true friend does.
Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa pagkekwento ni Isay.
"Palagi kong sinasabi kay mama na 'wag na laang niyang pansinin, pero kapag nadadamay na kaming mga anak niya hindi na niya mapigilan ang sarili niya. Sabi niya sa akin ayos lang daw sa kanya na sabihan siya ng kung ano-ano, pero hindi niya daw hahayaan na pati kaming mga anak niya ay maapektuhan rin ng kung ano mang nangyari sa nakaraan niya. Kasi nanay siya e"
"At anak ako, kaya kung nasasaktan siya ganun din ako. Sa tuwing sasabihan siya ng pokpok, bayaran, kabit at kung ano anong masasakit na salita nasasaktan din ako kasi kilala ko si mama, hindi siya basta ganun lang. Kaya naisip ko na baka kapag hindi namin sila pinansin, baka mapagod din sila sa pangungutya sa amin. Kaya nga gusto ko na ring makapagtapos ng pag-aaral para mapatunayan sa kanila na hindi kami katulad ng sinasabi nila"
Kita ko sa mga mata ni Isay ang determinasyon niya na magawa lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam na ganito pala ang istorya ng buhay niya. Akala ko isa lang siyang simpleng babae noong una kong siyang nakita. Pinagselosan ko pa nga.
"Wala ka naman dapat patunayan sa kanila Isay"sambit ko. Hindi ko alam kung may sense ba 'yung sinasabi ko, pero may kaniya kaniya naman tayong pananaw sa buhay at ito 'yung sa'kin . "Dapat magtapos ka ng pag-aaral para sa pamilya mo at sa iyong sarili hindi para may mapatunayan ka lang sa ibang tao kasi hindi mo naman obligasyon iyon sa kanila"mahinahon kong sambit.
"Salamat Leila, alam ko naman iyon kaya lang minsan hindi talaga maalis sa isip ko na gusto kong may mapatunayan sa kanila kasi alam mo 'yun sobrang sakit ng mga naririnig ko na salita mula pa pagkabata. Kaya gusto ko na magbago na iyon" nakangiting sambit ni Isay. Mukhang determinado talaga siya roon sa sinasabi niya.
"Ano bang gusto mong maging?" tanong ko.
"Guro, iyon ang pangarap ko at kapag nangyari iyon dito ako magaturo sa Pola, kasi alam ko na kailangan ng mga kabataan dito ang isang tulad ko na handang magbahagi ng kaalaman" kaagad na sagot sa akin ni Isay na para bang siguradong sigurado na siya roon sa pangarap niya.
Nakangiti akong tumango sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Sigurado akong magagawa at matutupad niya ang pangarap niyang iyon. At kung sakali man ako ang unang magiging proud kapag naging isang guro na siya.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Mang Mario para sunduin ako, nag-alala na daw sila ni Lola Claret dahil hindi pa ako umuuwi. Kaya para na namang mayroong humaplos sa puso ko. Sobrang naaappreciate ko lahat ng ginagawa nilang mag-asawa sa akin dahil kung ituring nila ako ay parang tunay na nilang anak.
Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong naglinis ng katawan at humiga. Sobrang daming nangyari sa araw na ito. Sobrang daming realizations. Ang sarap itulog.....
"Do you think she will survive?"
"I'm not sure but let's just pray for the best"
"What if she won't?"
"We have to accept it, then"