CHAPTER 11

2474 Words
dirleyla11 "Good morning!"masayang bati ko kay Lucas pagpasok niya ng kusina at nagulat siya ng makita ako roon. Nauna kasi akong nagising sa kanya and nag volunteer na rin para magluto ng breakfast namin. "Hoy ano tatayo ka na lang ba diyan?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin umaalis si Lucas doon sa kinatatayuan niya, tapos yung mukha niya parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nananaginip pa yata siya. "May sakit ka ba?"maya maya pa ay tanong ni Lucas. Lumapit pa siya sa akin at marahang ipinatong ang likod ng kanyang palad sa aking noo tapos sa leeg ko. "Hindi ka naman nilalagnat" sabi niya pagkaalis niya ng kamay at nakakunot ang noo. "E sino ba may sabing nilalagnat ako?"tanong ko sa kanya. "Ngayon ka lang kasi maagang nagising tas nagluto ka pa, kaya naisip ko baka may sakit ka"paliwanag niya na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay ko sa gitna. Ngayon na nga lang ako mag eeffort tapos napagkamalan pang may sakit ako. Nakakainis. "Whatever bahala ka sa buhay mo"galit na sambit ko at akmang aalis na ng kusina pero napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko ng mapatapat ako sa kanya. "Galit ka?"tanong niya sa akin at nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Kaya hinawakan niya iyong mukha ko para iharap sa kanya. Lalo lang akong nainis ng makita kong nagpipigil siya sa pagtawa. Bwiset na lalaki 'to nagagawa pang tumawa. "Sorry na. Hindi lang kasi ako makapaniwala" "Na ano? Na kaya kong gumising ng maaga at magluto?"sigaw ko sa kanya. "Alam mo nakakinis ka! Nag effort pa ako tapos yan lang sasabihin mo--" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong yakapin ni Lucas. Maluwag pa iyon noong una pero habang tumatagal ay pahigpit iyon ng pahigpit. "Mahal kita Leila, 'wag ka ng magalit please, nagulat lang talaga ako" mahinahon niyang paliwanag habang hinahagod ng isa niyang kamay iyong likod ko. At sapat na iyon para mawala lahat ng inis ko sa kanya. Sabay kaming kumain ng umagahan. Sina Mang Mario at Lola Claret ay nasa bukid na dahil kailangan daw sila roon para tingnan ang paggawa ng mga nagtatrabaho sa lupa nila. Ngayon ko rin nalaman na isang beses sa isang linggo lang pala ang duty ni Mang Mario sa pagtotour sa mga tao sa lumang bahay kung saan namin siya nakilala. Naisip ko tuloy siguro nakaplano na talagang mangyari lahat ng 'to. Iyong magkita kami ni Lucas at pagkupkop samin nina Mang Mario at Lola Claret. Pakiramdam ko dininig ng langit ang hiling ko nung gabing umalis ako sa bahay. Ito yung gusto kong buhay! 'Yung masaya! "Tulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag nandun na tayo" malambing na sabi sa akin ni Lucas, iniakbay niya sa akin ang isa niyang braso at dahan dahang inihilig ang ulo sa balikat niya. Nakasakay kami ngayon sa tricycle para puntahan ang mama niya. Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin dahil tulog all habang biyahe. At tulad ng sinabi ni Lucas ginising niya ako pagkarating namin. Nakahinto na ang tricycle ng magmulat ako ng mata. Inalalayan naman ako ni Lucas sa pagbaba at siya ang nagbayad ng pamasahe naming dalawa. Pagkatapos ay lumapit si Lucas sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara"nakangiting aya niya sa akin at tumango ako sa kanya bilang sagot. Pataas iyong kalsadang dinaanan namin kaya medyo nakakapagod. Makitid rin lang ito at hindi kasya ang mga sasakyan. Kaya siguro ibinababa na kami nung tricycle driver kanina dahil hindi talaga kakayanin ng sasakyan. Kakaunti lang ang nakakasalubong namin na mga tao ganun din ang mga bahay. Halos malalaking puno ng mangga lang ang nakikita ko sa tabi ng kalsada. Patuloy lang kami sa paglalakad ni Lucas hanggang sa maging patag na ang dinadaanan namin. Lumiko kami sa kaliwang bahagi kung saan hindi na sementado ang daan. Lumagpas kami sa isang puno ng mangga at saka lang kami huminto. "Nandito na tayo"sambit ni Lucas sa akin habang nasa ibaba ang paningin niya. Ang inaasahan ko ay sa tapat ng isang bahay kami pupunta kung saan nakatira ang mama niya. Pero laking gulat ko ng sa halip na ganun ang makita ay isang puntod ang nasa tapat namin ngayon. Sinubukan kong tumingin doon pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong magtanong kay Lucas. "P-patay na siya?"tanong ko. Tumango si Lucas sa akin. "8 years ago" "S-sorry"sambit ko kahit alam ko na hindi naman na niyon maibabalik pa kung ano man ang nawala na. Kaagad akong nakaramdam ng awa kay Lucas dahil alam ko kung gaano kahirap ang mawalan ng isang ina, kasi danas ko din iyon. Ngumiti sa akin si Lucas para sabihing okay lang siya, pero kabaligtaran niyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Binitawan niya ang hawak sa aking kamay at saka umupo sa harap ng puntod ng mama niya. Umupo rin ako at tumabi sa kanya at saka tumingin sa puntod ng mama niya. Loren Gloria Gonzales Birth: July 3, 1981 Died: July 30, 2012 "Grade five ako ng nagkasakit siya ng leukemia, si Papa naman nasa barko noong mga oras na 'yun hindi namin macontact, hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahon na 'yun, ang alam ko lang kailangan ako ng pamilya namin… kailangan ako ni Mama at ng mga kapatid ko." nagsimulang magkwento si Lucas habang inaalis niya ang dumi sa puntod ng mama niya. "Pagkatapos ng klase namin noon nakikita ko yung mga kaklase ko na naglalaro habang ako nagmamadali na umuwi kasi may Nanay at mga kapatid akong kailangan alagaan. Kailangan kong magluto ng kakainin namin, turuan ang mga kapatid ko sa assignments nila at painumin si Mama ng gamot….. Nakakapagod…….. pero wala naman akong choice" huminto si Lucas sa pagsasalita at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Alam mo 'yun, matutulog na lang ako pero hindi ko pa magawa kasi iniisip ko kung papaano kami bukas? Ano na ang mangyayari sa amin? Saan ako kukuha ng baon ko at ng mga kapatid ko? Anong kakainin namin? Wala ng gamot si mama, pambayad sa tubig ………….sa kuryente. At 'yung pinakamalala sa lahat natutulog ako ng may takot sa dibdib kasi iniisip ko kung gigising ba kami na may Nanay pa?"pagpapatuloy ni Lucas habang may nagbabadyang luha sa mga mata niya. Samantalang ako ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak. Bahagya kong hinagod ang likod ni Lucas gamit ang kamay ko, umaasang sa pamamagitan niyon ay mabawasan kahit kaunti lang ang bigat na dinadala niya. Gusto kong malaman niya na hindi siya nag-iisa kasi nandito ako na handang maging sandalan niya. "'Yung Papa mo? Nakausap mo na ba siya?"tanong ko kay Lucas at marahan lang siyang umiling sa akin. "Hindi na ako nabigyan ng chance na makausap siya" Dahil sa sagot niyang iyon ay lalo kong naramdaman iyong lungkot niya. Hindi lang pala nanay ang nawala sa kanya kundi pati tatay na rin. And a realization hit me. Maswerte pa rin ako dahil hindi ganun kahirap sa pinagdaanan niya ang pinagdaanan ko. And I still have my Dad, siya meron nga pero hindi niya alam kung nasaan, kung buhay pa ba o kung ano ng nangyari. Kaya naman yinakap ko si Lucas . Naramdaman ko ang pagkagulat niya but I didn't move. Pakiramdam ko kasi kailangan niya ng yakap. Kasi minsan mas nakakatanggal iyon ng pagod at lungkot kasi alam mong may taong nandiyan para sa iyo. At gusto kong maging ganun sa kanya. "Nandito lang ako"mahinang sambit ko pero sapat na para mapakinggan niya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sakin pabalik. Mas mahigpit iyon na para bang ayaw niya akong makawala. "Can you promise to me that you'll always be there forever?"Lucas asked and I can see hope through his eyes. Sasagot pa sana ako pero natigilan ako ng biglang bumuhos ang malakas na lang. Mababasa kami pareho kung hindi kami aalis sa kinauupuan namin. Kaya naman hinila ko si Lucas patayo at saka kami naghanap ng masisilungan. Medyo madilim na ng huminto ang ulan kaya hindi kaagad kami nakauwi ni Lucas. Kasalukuyan kami ngayon na nasa palengke ng Pola para bumili ng makakain namin. Napatingin ako sa aking kamay ng hawakan ito ni Lucas habang naglalakad kami sa gitna ng mga tindahan. Napapangiti naman ako sa tuwing babatiin kami ng mga tindera doon at tatanungin kung anong sa amin. Hindi na binitawan ni Lucas ang kamay ko hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang tindahan ng mga pagkain. I was expecting a burger, sandwich, fries or ice tea pero mga hindi pamilyar na pagkain ang nakita ng mga mata ko. Napansin yata ni Lucas ang pagkadismaya sa mukha kaya sinubukan naming maghanap ng iba pang tindahan na pwede naming mabilhan. Pero pare pareho lang ang tinda sa bawat tindahan. Mga kakanin daw ang tawag doon ayon kay Lucas . Hindi na ako nagreklamo pa nung bumili na siya kesa naman magutom kaming dalawa. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay naghanap naman kami ng pwede naming pwestuhan. Lumabas kami sa palengke at dinala kami ng aming mga paa sa isang tulay. May kahabaan ito dahil ang ilalim nito ay dagat. Ngunit hindi naman ito nakakatakot daanan dahil mataas ang harang nito sa gilid at isa pa napakagandang tingnan ng tulay dahil sa makulay ito. May ilang tao na dumadaan rito at may iba naman ay nakaupo sa gilid ng tulay at ganoon ang ginawa namin ni Lucas. Inalalayan niya akong maupo sa tulay at inilapag namin ang binili naming pagkain sa pagitan naming dalawa. Mula roon ay tanaw namin ang napakalawak at kulay asul na karagatan. Sa kaliwa nito ay may mga nakatayong bahay samantala sa kanan naman ay makikita ang mga bangka. Kasabay ng paghampas ng mga alon ay ang pag simoy ng malamig na hangin sa aming mga balat. Habang pinagmamasdan ang pagaagaw ng liwanag at dilim ay tahimik kaming kumain ni Lucas. Dalawang klase ng kakanin ang binili niya para sa aming dalawa. Isa roon ay suman na nakabalot sa dahon ng saging tapos yung isa naman ay parang pizza pero mas maliit at walang toppings. "Bibingka ang tawag diyan"sambit ni Lucas ng mapansin niyang nakatingin ako doon sa parang pizza. Tumango lang ako sa kanya at saka tinikman 'yung bibingka. Kalahati lang niyon ang kinain ko at itinira ang kalahati para kay Lucas. Mayroon din kaming binili na tig-isang buko juice. I sipped on my buko juice and I suddenly felt awkward ng maalala ko ang sinabi ni Lola Claret tungkol sa pag-inom ng sabaw ng buko. Muntikan ko pang maibuga iyong nasa bibig ko. Dahil doon ay nagtatakang tumingin sa gawi ko si Lucas and I just smiled on him awkwardly. Nagpatuloy kami sa pagkain at ng matapos ay pareho kaming natahimik. Dalawa lang ang kinain namin pero busog na busog ako at in fairness masarap lahat. Hindi kami lugi sa pagbili. Pagkatapos naming kumain ay pinapanood lang namin ang mga alon sa malawak na karagatan. Matagal kaming binalot ng katahimikan at hanggang ngayon ay dala dala pa rin namin ang bigat sa dibdib simula ng dalawin namin ang mama ni Lucas. Mula sa karagatan ay tumingala ako sa kalangitan. "Natanong mo na rin ba kung bakit ikaw?"tanong ko at naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Lucas kaya nilingon ko siya. "Kung bakit ikaw 'yung nawalan ng Nanay? Bakit sa dinami dami ng anak sa mundo ikaw pa?"dagdag ko saka muling tumingala sa langit. "Oo dati…. Pakiramdam ko sobrang daya ng mundo. Iniisip ko nga sana all kasama ang nanay. Sana lahat may nanay na dadatnan kapag uuwi sa bahay. Sana ako din may nanay na magluluto ng paborito kong pagkain……. may nanay na mag aalaga kapag maysakit ako. Sana kasama pa rin namin si mama para may tao na alam kung kailan ko kailangan ng tulong, kung kailan ako nasasaktan at kung kailan ako nahihirapan kahit hindi ko sabihin. Pero ganun yata talaga……. may mga bagay na hindi kayang ibigay sa atin ng mundo. Malas ko lang kasi 'yung nanay ko pa ang sa'kin" "Ramdam kita"sabi ko saka muling tumingin kay Lucas. But it seems like I am still looking at the sky dahil nakikita ko ang pagkidlap ng nga mata niya tulad ng mga biyuin sa langit. "Bakit sa iba pwede? Bakit sa akin hindi? Ang daya …." "Lahat ng nangyayari may dahilan. Siguro kaya tayo 'yung nawalan…….. kaya tayo 'yung sinusubok kasi alam ni Lord na kakayanin natin "sagot sa akin ni Lucas. "'Yun lang ang parati kong inisip kasi tingnan mo hanggang ngayon nandito pa rin tayo kinakaya lahat ng sakit. At ang pinaka importante sa lahat marami tayong natutunan. Kaya kahit anong problema pa ang dumating kakayanin natin kasi alam na natin 'yung pakiramdam ng sobrang sakit……. 'yun nga lang nakalimutan naman natin 'yung pakiramdam ng sobrang saya…" "Kasi merong kulang" "Kasi palagi nating hahanap hanapin 'yung kulang" Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. 'Yung mga luha na matagal kong pinigil kasi walang gustong makinig sa akin. 'Yung mga luha na dati ay sa dilim lang ng aking kwarto ko nailalabas sa tuwing nararamdaman ko na mag-isa na lang ako. Pero ngayon nandyan na si Lucas. May tao nang handang makinig sa akin. At nakakaya ko ng maging mahina kahit sa liwanag. Napahinga ako ng malalim at pagktapos ay naramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa aking kamay at ang bahagya niyang pagpisil doon. "Lucas naniniwala ka ba na kapag namatay ang isang tao nagiging bituin siya?"tanong ko sa kanya. Nabasa ko kasi iyon sa isang libro kaya simula noon parati na akong tumitingin sa langit kapag namimiss ko si Mommy. I imagined her as one of the stars on the sky. "Hindi ako naniniwala roon. Pero naniniwala ako sa reincarnation" sagot sa akin ni Lucas. "'Yung kapag namatay ka mabubuhay ka ulit" "So bakit pa kailangang mamatay?" tanong ko sa kanya. Akala yata ni Lucas ay nagbibiro ako dahil hindi siya kaagad nakasagot. "'Di ba sabi nila namamatay ang isang tao kasi nagawa na niya 'yung purpose niya" sagot sa akin ni Lucas. Mukhang hindi siya sigurado sa sagot niya kasi napahinto siya pagsasalita at napaisip. "Sandali nga bakit ba napunta dito ang usapan natin? Ang hirap mag explain!" "Ikaw kasi ang dami mong alam!"singhal ko sa kanya. "Pero kung totoo man yang reincarnation na sinasabi mo pwede ba kapag nareincarnate tayo hanapin mo ako kaagad?"saad ko at pagkatapos ay tumingin kay Lucas. Nakatingin din siya sa akin na parang naguguluhan sa sinabi ko. "Para kung sakaling masakit pa din 'yung mararanasan ko nandyan ka na…….. may kasama na ako……. " "Hindi mo kailangang makiusap Leila….. kasi simula noong makita kita isa lang ang parati kong hinihiling kay Lord. Na ……. sana…… kung totoo man…… sana hanggang sa susunod na buhay magkatagpo pa rin tayo. At tayo paring dalawa ang nakatadhana sa isa't isa"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD