dirleyla10
"O sige ganito na lang, isigaw mo muna yang takot mo bago tayo tumalon"sabi ni Lucas dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Pwede rin yung mga sama ng loob mo"dagdag pa niya, sa pagkakataong ito ay nag-iwas na ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sa kanya ng matagal dahil nakakalunod.
Napansin ko na lang ng tumalikod siya sa akin at naglakad. Teka tatalon na ba siya? Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa nakatalikod na si Lucas. Ano ang gagawin ng lalaking yun?
"BAKIT ANG HIRAP MAGING MASAYA?!"
Laking gulat ko ng biglang sumigaw ng malakas si Lucas. Sa sobrang lakas niyon ay pati ang isang grupo ng mga ibon ay nagulat at magkakasamang lumipad papalayo.
"BAKIT HINDI NA LANG AKO MAGING KATULAD NG IBA?!"sigaw ulit ni Lucas at ramdam na ramdam ko ang bawat mabibigat na emosyon na pinakawalan niya. At para bang umaasa at naghihintay siya na may sasagot sa mga tanong niya.
Kung kaya ko lang na ibigay sa kanya ang mga sagot sa kanyang mga tanong ay ginawa ko na. Because I don't want to see him in pain. Pero hindi ko kaya, ni hindi ko nga alam na may mabigat din pala siyang pinagdadaanan dahil parati siyang nakangiti.
That's when I realized na kahit pala mga masayahin at palangiti na tao ay mayroon ding pinagdadaanang sakit, hindi lang nila pinapahalata. Minsan nga magugulat ka na lang dahil mas mabigat pa pala yung pinagdadaanan nila.
Hindi lang pala ako 'yung nasasaktan at hindi lang pala ako 'yung nahihirapan.
And now that I found someone na alam kong makakaintindi sa'kin at sa nararamdaman ko, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na mailabas lahat ng bigat sa loob ko. Siguro tama nga si Lucas , kailangan kong ilabas lahat ng nagpapabigat puso ko para hindi ako matakot at para tuluyan akong makalaya mula sa sakit.
"BAKIT LAHAT SILA INIIWAN AKO?"pagsigaw ko dahilan para gulat na mapatingin sa akin si Lucas.
Nanatiling nakatitig lang siya sa akin habang naglalakad ako palapit sa tabi niya. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko ng makita ko kung gaano kataas ang talon. Pero kailangan kong gawin 'to. "MAHIRAP BA KONG MAHALIN?!"
"BAKIT BA HINDI PWEDE? BAKIT BA HINDI NA LANG HAYAAN AKONG MAGING MASAYA?!"sigaw muli ni Lucas. Ilang beses ko na ring naitanong yan sa sarili ko. Bakit nga ba paulit ulit yung sakit? Hindi pa ba sapat yung isa o dalawang beses akong masaktan? Bakit mas lamang ang sakit kaysa saya?
"BAKIT PATI SI MOMMY, KAILANGAN MAWALA? HINDI KO BA DESERVE NA MARAMDAMAN ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA?"pagkasigaw ko nito ay nagsimula ng pumatak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Walong taon na simula ng mawala si Mommy pero yung sakit ay para bang kahapon lang nangyari lahat.
Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung bakit ba sa'kin pa nangyari lahat ng 'to? Anak din naman ako ah, anak na kailangan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina pero bakit ipinagkait sa akin yun?
Kahit sa panaginip lang baka pwedeng maramdaman ko ulit kung paano magkaroon ng nanay.
"OO MATAPANG AKO! PERO NAKAKATAKOT! KASI ALAM KO NA BUKAS O BAKA SA SUSUNOD NA ARAW HINDI NA KAKAYANIN NUNG TAPANG KO NA HARAPIN ANG KATOTOHANAN"sigaw ulit ni Lucas. I looked at him straight to his eyes and there I saw his fear. Natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na bukas. Sa kung saan kami dadalhin ng sakit na nararamdaman namin.
Saan nga ba 'to patungo?
"DADDY HINDI PA BA AKO SAPAT? BAKIT KAILANGAN PANG MAGHANAP NG IBA?" I hope Daddy could hear it. He knows how much I love him and my Mom. At ayokong tuluyang masira ang pamilya namin. Siya na lang ang meron ako kaya natatakot ako na baka kunin pa siya sa'kin ng Maris na yun.
"TANGINA! AYOKO NG GANITO!"
"MARIS HINDI KITA GUSTO PARA KAY DADDY!"
"BAKIT BA PALAGI NA LANG HINDI PWEDE?!"
"PUTANGINA MO JARON BAKIT MO'KO GINAGO?!"
"Sino si Jaron?"halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan ng tanungin ako ni Lucas. He's now looking at me nakataas pa ang isang kilay niya. Tuloy ay parang biglang lumipat sakin yung takot niya kanina dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya ngayon.
Bakit ko pa ba kasi sinabi yun?
"Someone na sana hindi ko na lang nakilala"I answered dahilan para kumunot ang noo ni Lucas.
"Ha?"naguguluhang tanong niya sakin. Ang hina naman makagets ng lalaking 'to. Nakakainis!
"He's my ex"I made it clear and he just nodded while refusing to look at me.
Kaya ayokong sabihin sa kanya ang tungkol dun e. Kasi pakiramdam ko ang awkward at saka I assumed na baka maapektuhan siya. Katulad na lang ng nakikita kong expression niya ngayon. Parang gusto na niya akong itulak sa talon.
"Pero hindi ko na siya mahal as in kahit one percent wala na and wala akong balak na makipagbalikan sa kanya"I know I sounded so defensive on that pero feeling ko kailangan kong sabihin sa kanya iyon. Ayokong isipin niya na mahal ko pa rin yung ex ko kasi hindi na talaga. Hindi ko rin alam kung kelan nagsimula pero nakamove on na ako.
"Bakit?"Lucas asked before looking at me again.
"Kasi--"
"Kasi?"hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Kasi.....ikaw?"kinakabahang sambit ko sa kanya. Nasa ibaba lang ang paningin ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasalubungin ang nakakalunod niyang mga tingin "Gusto na yata kita Lucas" napapikit na lang ako sabay kagat pang ibaba kong labi matapos sabihin iyon.
Nakakahiya!
"Sorry kasi ......ako hindi"sagot ni Lucas dahilan para lalo akong mapahiya. Did he just? f**k! Bakit pakiramdam ko mas masakit pa ito kesa sa break up namin ni Jaron? "Hindi yata kasi sigurado ako Leila, sigurado akong gusto kita"
At bago pa man ako makapagreact sa sinabi niya ay hinawakan na ni Lucas ang kamay ko. At naramdaman ko na lang na para akong lumilipad.
I closed my eyes.
I felt free.
Sobrang gaan at saya ng pakiramdam ko. Parang naiwan na lahat ng sakit at mga tanong ko sa itaas. Now I only have myself and of course si Lucas na hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa akin. And now I can say that I'm happy, genuinely happy.
Hanggang sa tuluyan ko ng maramdaman ang paglubog namin sa tubig.
***
"Mang Mario si Lucas nasan?"kaagad na tanong ko kay Mang Mario paglabas ko ng bahay. Pagkauwi kasi namin ni Lucas ay umidlip muna ako sandali pero napatagal yata iyon dahil madilim na ng magising ako. Ewan ko ba pero inaantok talaga ako tuwing bagong ligo.
"Kasama ni Bino, apakilala daw roon sa mga kabarakada niya si Pogi, mabalik din kaagad ang mga iyon, wag kang mag-alala"mahabang sagot sa akin ni Mang Mario habang nagluluto ng pang hapunan namin.
"Hindi naman ako nag-aalala nagtatanong lang"paglilinaw ko dahil parang sa mga sinabi ni Mang Mario pinaparating niya na nag-aalala ako e nagtatanong lang naman ako kung nasaan sina Lucas dahil baka kung ano na ang nangyari dun.
"Pasensiya ka na Ineng, ay diga'y gay-on kapag magsyota, naga alala ang isa kapag hindi nakikita yung isa"paliwanag ni Mang Mario at nakangiti pa. Nang-aasar.
Napangiwi na lang ako dahil sa mga sinasabi ni Mang Mario. Paanong napunta sa pagiging magsyota ang usapan? Mag-asawa nga sila ni Lola Claret, mga malisyoso.
"He's not my boyfriend"paglilinaw ko.
"Ay gay-on na rin yun Ineng, pasasaan baga't doon din ang punta ninyo, lalo pa at pareho kayong may nararamdaman sa isa't isa"salaysay ni Mang Mario dahilan para tipid akong mapangiti. Habang tumatagal ako dito kina Mang Mario mas napapalapit ang loob ko sa kanila, para bang nakatagpo ako ng bagong mga magulang.
Minsan nagugulat na lang ako dahil parang alam nila kung anong nararamdaman ko kahit hindi ko sabihin, lalo na si Lola Claret. Si Mang Mario naman ay kahit nakakainis ang pagiging malisyoso niya ay nakakatuwa pa rin dahil parati niya akong kinakausap at kinukumusta kahit madalas ay sinunusungitan ko siya gaya ngayon.
"Well, wala pa sa isip ko yun"sagot ko kay Mang Mario, nagkibit balikat lang ito sa'kin at nagpatuloy sa kanyang niluluto.
After kong malaman na niloloko ako ni Jaron akala ko hanggang doon na lang. Akala ko hindi na ulit ako magkakagusto sa ibang lalaki. I can't actually see myself loving someone except from Jaron. But that was before. Nung wala pang Lucas na nangungulit at nang iinis.
Ilang sandali lang ang lumipas at kumain na rin kami ng hapunan. Pero natapos na kami't lahat ay hindi pa rin umuuwi sina Lucas . Sobrang dami ba ng barkada na ipapakilala ni Bino para matagalan sila? Baka kung ano nang nangyari sa mga yun.
Dahil sa pag-aalala ay hindi na rin ako kaagad nakatulog. Iyong mga mata ko ay kusang dumdilat sa tuwing pumipikit ako. Ang lala grabe.
Ilang minuto pa ang lumipas ng tuluyan na akong mapabangon ng marinig ang pagtunog ng gitara mula sa labas ng bahay at nasundan iyon ng pagkanta ng isang napakagandang boses.
"Sa aking pag-iisa, pangarap ka sa t'wina..... lagi kang nasa isip, sinta"
Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng t***k ng dibdib ko ng mapagtanto kung kaninong boses iyon.
"Maging sa pagtulog ko, ikaw ang nakikita..... Nais kong makapiling kita"
Namalayan ko na lamang na dinadala ako ng aking mga paa palapit sa bintana ng kwarto. Dahan dahan ko itong binuksan at halos mapatalon ang puso ko ng matanaw si Lucas, kasama niya si Bino at isa pang lalaki na tumutugtog ng gitara.
Ito na ba 'yung harana?
"Oh giliw ko miss na miss kita...... Sana'y lagi kitang kasama..... Oh giliw ko miss na miss kita..... Gusto ko sana'y maka yakap ka"
Ramdam na ramdam ko ang bawat emosyon ng kanta. I didn't know na magaling palang kumanta si Lucas. And I didn't expect na mararanasan ko na haranahin sa buong buhay ko. It's kinda old pero nakakakilig pa rin talaga.
"'Pag kita'y kapiling, nasa langit, sinta.... 'Di matapos yaring ligaya....... 'Pag hindi nakita ay nalulungkot na...... 'Di ko kaya ang nag-iisa"
Nakatingin lang kami ni Lucas sa mata ng isa't isa na animo'y sa pamamagitan niyon ay naiintindihan namin ang isa't isa. Hindi na kailangan pa ng salita o kung ano pa man, simula pa lang at konektado na kaming dalawa.
Siguro nakatadhana talaga kaming magtagpo.
At alam kong magiging selfish ako kung hihilingin kong dito na lang ako at hindi na babalik pa sa amin. Pero ewan ko ba , ito yung buhay na gusto ko, masaya ako dito, pakiramdam ko mahal nila akong lahat.
Pero paano ang naiwan kong buhay sa Manila?
Paano si Daddy?
"Oh giliw ko miss na miss kita...... Sana'y lagi kitang kasama..... Oh giliw ko miss na miss kita..... Gusto ko sana'y maka yakap ka"
***
"Ang daming bituin"mahinang sambit ko habang nakatingala kami ni Lucas sa kalangitan. Magkatabi kaming dalawa at hawak niya ang kamay ko habang pareho kaming nakatayo sa may bintana.
Pagkatapos ng panghaharana niya sakin ay pareho kaming hindi dinadalaw ng antok. Nakwento niya sakin na kaya raw sila natagalan ay nagpractice pa sila nung kanta ni kinanta niya kanina. Sinubukan niya rin daw matuto mag gitara pero kukulangin na sila sa oras at baka hindi na nila ako maabutang gising kaya nakiusap na lang siya roon sa isang kabarkada ni Bino para tumutugtog.
Lalo lang tuloy akong kinilig at nahulog ang loob sa kanya dahil doon. I mean maraming lalaki na pwedeng magsabi na gusto ka nila, pero yung mag-eefort para patunayan 'yun? I don't know.
Mabuti na lang nahanap ko na yung sa'kin.
And I am looking at him right now. Dahil gaano man kadami at kaganda ang mga bituin na nakikita ko sa langit walang makakapantay sa kanya.
"Lucas"I called his name. Nagbaba siya ng tingin sa akin at naghihintay sa sasabihin ko. "Thank you"sinserong sambit ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Alam ko na hindi ako ang pinakamabait na tao, marami akong nagawang maling desisyon sa buhay, may mga nasaktan akong tao at mahilig makipag away. At halos buong buhay kong iniisip na baka kaya ganito ako, baka ganito ganito 'yung buhay ko ay dahil doon.
Pero ngayon I'm staring at the best gift I could ever ask for.
Si Lucas.
"Para saan?"tanong nito sa'kin. Tumitig ako sa mga mata niya at dahan dahang hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang isang kamay ko. Habang ang isa ay mahigpit pa rin niyang hawak.
"Sa lahat simula nung nagkita tayo, except nung inagawan mo'ko ng gravy"I answered and then he laughed. At iyon ang pinaka paboritong tunog ng aking tenga. Dahil sa tuwing naririnig ko siyang tumatawa at nakikita kong masaya siya ay gumagaan ang pakiramdam ko. "Thank you kasi hindi mo ako sinukuan, I'm a brat when we first met--"
"Hanggang ngayon ganun ka pa din naman"pagputol niya sa sinasabi ko, nang aasar.
"Yeah I know, kaya nga thank you kasi kahit na ganun nandiyan ka pa rin para patawanin at pasayahin ako"
"At pagselosin"he added and winked at me. Kaya naman bahagya ko siyang hinampas sa kanyang dibdib but he didn't stop on laughing.
"Seryoso kasi, I'm making moments here so please cooperate"asik ko sa kanya dahil nagmomoment ako tas siya hindi naman nagseseryoso.
"Leila hindi naman sa ayaw ko na nagseseryoso ka o kung ano man yang moments na sinasabi mo. Ang sa'kin lang kasi ginawa ko lahat ng 'yun dahil gusto ko kaya hindi mo na kailangan pang mag thank you. Sapat na sa'kin yung makita kang masaya at tumatawa hindi katulad nung una kitang nakita na parang pasan mo lahat ng hinanakit ng mundo"
"At kung meron man akong hihilinging kapalit yun ay sana.................. sana mapagmasdan ko pa ng matagal yung mga ngiti mo. You deserve to have that genuine smile, Leila and I also want to be deserving to see that smile forever, I really wanted Leila"pagpapatuloy ni Lucas. Nararamdaman ko ang unti unting paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
"So please avoid making that moments for now, ienjoy na lang muna natin lahat ng 'to habang masaya pa. Sa ngayon kailangan na muna nating matulog dahil may bibisitahin tayo bukas"Luca said with a smile on his face.
"Sino?"I asked.
"Si mama"
Hinintay ko kung may sasabihin pa si Lucas pero hindi na ito nagsalita pa at naglakad na patungo sa higaan niya na nasa sahig habang ako naman ay naiwan roon sa may bintana.
"Kailangan kasama talaga ako?"
"Oo naman"sagot ni Lucas na ngayon ay nakahiga na. "Nagpromise kasi ako kay Mama na susunod na dadalawin ko siya, may kasama na akong girlfriend"
"So girlfriend mo na ako?"wala sa sariling tanong ko ulit.
"Kung gusto mo lang naman hindi kita pipilitin kung ayaw mo...... Gusto mo ba?"seryosong tanong niya sa'kin. Kaagad akong tumango sa kanya dahilan para mapangisi siya sa akin. Lintik na lalaking 'to pinagtitripan na naman ako.
Ako pa tuloy ang lumabas na atat na atat sa kanya.
Mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit pa tungkol doon dahil sobrang pagod na raw siya at gusto na niyang matulog. Sobrang dami rin kasing nangyari sa araw na ito. Hindi ko nga maisip kung paanong nagkasya iyon lahat sa iisang araw lang.
Ilang minuto ko pang pinanood si Lucas habang mahimbing ito sa pagkakatulog bago ako makaramdam ng antok at tuluyan na ring nakatulog.
"What happened doc? How is she? "
"Is there a possibility na makasurvive siya?"
"Yeah but the possibility I'm referring to is very low, based on the observation the patient haven't shown any signs of survival"