dirleyla09
"Pogi, hanguin mo na iyan at baka masunog"narinig ko ang boses ni Mang Mario paglabas ko ng kwarto. As usual ako na naman ang huling nagising sa amin. Sobrang tagal ko kasi bago nakatulog kagabi dahil sa kaiiisip.
Kung maaalis na ba itong hapdi at pantal sa braso ko? At tsaka yung sinabi ni Lucas kagabi bago niya ako iwan doon sa kubo.
"Eto Manong, okay na po ba ito?"napabalik ang isip ko ng marinig ko naman ang boses ni Lucas. Ano bang ginagawa nila?
Dumeretso ako sa kusina dahil doon ko naririnig ang mga boses nila. At tama nga ako dahil nadatnan ko sila roon. Si Lola Claret ay nakaupo lang habang sina Lucas at Mang Mario ay busy sa pagluluto. Hindi sila magkaintindihan sa ginagawa nila dahil para silang may hinahabol na deadline.
"Leila!"
Pare pereho kaming nagulat ng isigaw ni Lucas ang pangalan ko ng makita niya ako. 'Yung mukha niya ay para siyang nakakita ng multo, pati si Mang Mario.
"Bakit nagising ka pa?"gulat na tanong ni Lucas sakin. Kaagad nag-init ang ulo ko dahil sa tanong niya. Bakit ayaw niya ba akong magising? "Ah hindi pala, ah bakit nagising ka na? 'Yun! 'Yun 'yung dapat na tanong ko"kaagad na bawi nito pero hindi na naalis ang inis ko sa kanya. Ang aga aga!
"Paki mo!"singhal ko sa kanya at saka ako umupo sa tabi ni Lola Claret.
"Magkape ka muna hija, maaga pa para uminom ng sabaw ng buko"sabi ni Lola Claret pagka upo ko sa tabi niya. Kailan ba ako nito titigilan sa kabubuko niya?
Hindi na lang ako nagsalita at humalukipkip na lang roon sa inuupuan ko habang pinapanood sina Lucas at Mang Mario na nagluluto.
Teka bakit nga pala sila ang nagluluto? Nasaan si Isay?
Ilang minuto pa ang lumipas bago matapos sina Mang Mario at Lucas sa ginagawa nila. Sabay sabay kaming kumain ng agahan pero hindi ako makapag pokus sa aking pagkain dahil kanina pa pasulyap sulyap sakin si Lucas. Parang binibilang niya kung naka ilang subo na ako.
Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta si Lucas para maghugas ng pinagkainan. Yung mag-asawa naman ay nasa labas ng bahay at nakikipag kwentuhan sa mga kapitbahay nila. Habang ako ay heto hangang hanga na pinapanood si Lucas sa ginagawa nito. Bakit parang ang dali lang sa kanya na maghugas ng pinggan? Bakit kapag ako ang gagawa parang mababasag lahat?
"Kumusta yung braso mo? Mahapdi pa?"napaiwas ako kaagad ng tingin ng biglang humarap si Lucas. Tapos na siyang maghugas at pinupunasan na lang ng towel ang kamay niya, pero pakiramdam ko ay nasa akin ang paningin niya.
"O-okay na"sagot ko. Pagkatapos ay muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Ewan ko ba pero parang mas nakakailang sa tuwing walang nagsasalita sa aming dalawa.
Umalis si Lucas sa kusina pero maya maya pa ay bumalik ulit ito at nakatitig sa akin. Tapos naglakad ulit paalis at wala pang isang minuto ay bumalik ulit at nakatitig na naman sa akin. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi bumubukas ang bibig niya. Kaya naman ng akmang aalis ulit siya ay nagsalita na ako.
"Alam mo ako ang nahihilo sa ginagawa mo"sambit ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at saka tumitig na naman sa akin na pilit ko namang nilalabanan dahil kanina pang kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa tuwing tatama ang mga mata niya sa akin.
"S-sorry"sabi ni Lucas.
"Bakit ba kasi hindi ka mapakali ha?"mataray kong tanong sa kanya.
"Kaw kasi bakit kanina pang nakataas yang kilay mo? Natatakot tuloy ako"nakangusong sagot ni Lucas sakin. At ang kilay ko pa pala ang may kasalanan nakakahiya naman sa lalaking 'to. "At tsaka meron akong sasabihin sayo kaso galit ka yata kaya 'wag na lang"nangongonsensya pang sambit nito.
"Anong sasabihin mo?"curious na tanong ko sa kanya. Ewan ko ba pero nitong mga nakalipas na araw hindi ko mapigilang maging curious sa lahat ng bagay tungkol sa lalaking 'to.
"Wala, hindi ko sasabihin hanggat nakataas 'yang kilay mo"anito at talagang itinuro pa ang mga kilay ko. Sinubukan ko tuloy na pagpantayin ang mga ito kaya lang pinagtatawanan ako ni Lucas habang ginagawa iyon. Kaya sa halip na magpantay ay lalo pa yatang tumataas ang kilay ko dahil sa inis ko sa kanya.
"Ano na kasi?"singhal ko kay Lucas dahil patuloy pa rin ito sa pagtawa.
"Pano ko sasabihin e nakataas pa yang kilay mo?"nang aasar na tanong nito sa akin. Pero anong gagawin ko e hindi ko talaga kayang pagpantayin ang mga iyon. Nakakainis! "O sige na nga ganito na lang kapag nagawa mo 'to sasabihin ko na sa'yo"sambit ni Lucas at saka pinagalaw ang kanang kilay niya. Paano niya nagawa iyon?
At dahil sa kagustuhan kong malaman kung anong sasabihin niya ay sinubukan ko ring gawin iyon. Pinipilit kong pagalawin ang kilay ko pero para lang akong tanga dahil kumukunot lang yata ang noo ko at napapapikit lang ang mata ko.
Mamamatay na tuloy si Lucas sa kakatawa sakin!
"Hindi kasi ganyan, ganito o" turo sakin ni Lucas pero hindi ko talaga mapagalaw yung kilay ko tulad sa kanya. Bakit ang unfair ng mundo?
Tumagal yata kami ng kalahating oras sa ganung sitwasyon. Ako, sinusubukan na pagalawin ang kilay ko habang si Lucas naman ay tuwang tuwa sa panonood niya sakin.
Hanggang sa nawala na sa isip ko ang tungkol sa itatanong niya. Dahil kahit hindi ko magawa yung pinapagawa niya sakin ay nag eenjoy pa rin ako.
Nakakahawa kasi yung tawa niya!
"Okay na yan, Tara na!"kapagkuwan ay sambit ni Lucas dahilan para matigil ako sa ginagawa ko. Nainip na yata siya kakahintay sakin. Kinapitan niya ako sa braso at saka hinila palabas ng bahay.
Nadaanan namin yung mag-asawa at kumaway lang si Lucas sa mga ito at saka nagpatuloy sa paglalakad at sa paghila sa akin.
"Maga ingat kayo!"rinig kong sigaw ni Mang Mario bago pa man kami tuluyang makalabas ng bakuran nila.
"San mo ba ako dadalhin?"tanong ko kay Lucas habang naglalakad kami. Paunti na kasi ng paunti ang bahay sa nilalakaran namin tapos pataas pa. Hindi naman sa nakakatakot dahil kasama ko naman siya. At tsaka pakiramdam parati akong safe kapag siya yung kasama ko.
Gusto ko lang talaga mag inarte ngayon.
"Basta!"anito dahilan para mapatigil ako sa paglalakad pati siya.
"Anong basta? Hoy Lucas attorney ang Daddy ko kaya wag kang magkakamali na gawan ako ng masama"pananakot ko sa kanya at saka bumitaw sa kapit niya sakin. Pero hindi yata marunong matakot ang lalaking ito dahil nginisihan lang niya ako at saka pumameywang saking harapan.
"Bakit anong gagawin ng Daddy mo na attorney sakin?"aniya at talagang diniinan pa ang pagkakasabi doon sa salitang Daddy at attorney.
"Pwede ka niyang ipakulong"sambit ko.
Umakto siya na parang nag-iisip at saka nagsalita. "Okay"
"Huh? Anong okay? Papayag kang makulong? hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"If that's the consequence of being with you then I'm willing to be inprison"sabi niya sabay kindat sakin. Hindi ko naman maiwasang mapalunok dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin, ang lagkit!
Sumabay pa ang pagbilis ng t***k ng dibdib ko ng unti-unti niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Habang ang mga mata niya ay hindi humihiwalay ng tinginsa akin. I can't speak. I can't think properly. Dahil ang nasa isip ko lang sa mga oras na ito ay ang mga labi niya na kakaunting espasyo na lang ang layo mula sa akin.
Pakiramdam ko ay pulang pula na ang buong mukha ko dahil sa ginagawa niya. Nakakahiya! Bakit kasi bigla bigla ay ganito 'tong si Lucas? Parehas lang naman kami ng kinain kanina ah pero bakit parang iba ang epekto sa kanya?
At ng igalaw niya muli ang kanyang mukha papalapit sa akin ay naipikit ko na lamang ang aking mga mata. It's not my first time to kiss someone kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang kabilis ang pagtibok ng dibdib ko? Parang kinakabahan na naeexcite!
"Bakit ka nakapikit anak ni attorney.?
Napamulat ako bigla ng magsalita si Lucas na ngayon ay dalawang hakbang na ang layo sa akin. Nakataas ang isang kilay niya at naghihintay ng sagot ko. Bakit nga ba ako pumikit?- E kasi akala ko hahalikan niya ako!
"Wala inaappreciate ko lang yung hangin ang fresh kasi"pagpapalusot ko pero hindi ko sigurado kung gumana ba dahil nakangisi lang siyang umiling iling sakin. Habang ako naman ay pinipilit ayusin ang sarili ko dahil meron sa loob ko na nanghihinayang dahil hindi nangyari kung ano man yung iniisip ko kanina na mangyari.
Nakakapanghinayang. 'Yan ang nararamdaman ng puso ko pero syempre kumukontra ang isip ko dahil sa tuwing nakakaramdam ako ng kilig, sa tuwing napapangiti ako ni Lucas at saka tuwing bumibilis ang pagtibok ng dibdib ko, pinapaalala sa akin ng utak ko na huwag.
Huwag kong hahayaang lumalim pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil baka tulad ni Mommy iwan niya rin ako. Baka tulad ni Daddy mabaling rin ang atensiyon niya sa ibang babae. Baka tulad ni Jaron saktan niya rin ako at ipagpalit sa iba. Nakakatakot.
Nakakatakot pala kapag alam mo na kung gaano ka kayang saktan ng pagmamahal. Gustuhin ko man na sumubok ulit at sumugal pero parang mayroong humahatak sa akin pabalik at nagsasabing huwag akong tumuloy. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog dahil baka hindi na ako makaahon.
At ang tanging pag-asa na meron ako ay sana...... sana iba si Lucas.
"Wow!"namamanghang sambit ko ng tumigil kami ni Lucas sa paglalakad. Kung kanina ay puro bangin, puno at damo lang ang nakikita ko, ngayon naman ay hindi ako makapaniwalang narito kami sa ibabaw ng napakataas na talon.
Mula sa aming kinatatayuan ay kitang kita at dinig ko ang tunog ng malakas na pagbasak ng tubig pababa sa malinis na sapa. Habang ang paligid naman ay binabalot ng malamig at sariwang hangin kasabay ng mga huni ng mga ibon.
"Ang ganda!"naiusal ko habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa harapan namin. Hindi ko mapigilang mapanganga dahil kahit saan ako tumingin ay sobrang ganda ng nakikita ko.
Ngayon mas naappreciate ko na ang kulay berde!
"Nagustuhan mo ba?"kapagkuwan ay tanong sa akin ni Lucas.
Tumango ako sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang aking paningin sa nasa harapan namin. "Sobra"
"Ako din nagustuhan ko"
"'Yung tanawin?"
"Ikaw"
Pigil ko ang aking hininga at parang nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Tama naman yung narinig ko diba? Sabi niya Ikaw, ibigsabihin ako, ako yung tinutukoy niya!
"Uy okay ka lang?"napabalik ang isip ko ng biglang nagtanong si Lucas, tinapik pa niya ako sa balikat at bahagyang galaw galaw iyon.
"Ha?"wala sa sarili sagot ko sa kanya. Bakit ba kasi ang hilig niyang sirain yung mga moments.
"Wala, ang cute mo talaga," nakangiting aniya at saka bahagyang pinisil ang kaliwang pisngi ko na sigurado akong pulang pula na ngayon. "Tara na nga"dagdag na sabi pa nito Lucas at saka hinawakan ang kamay ko.
"Wait anong gagawin--"hindi ko maproseso ang sasabihin ko dahil bigla akong kinabahan. Parang alam ko na kasi kung anong gusto niyang gawin.
"Tatalon"sagot sa akin ni Lucas.
Sabi na nga ba tama ang iniisip ko! Kaagad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at saka humakbang paatras. "No way! Hindi ako tatalon diyan"sambit ko.
"Luh kaya nga talon diba? Kasi dapat talunan"pagpupumilit ni Lucas pero patuloy lang ako sa pag-iling sa kanya.
Siguro naman sapat na na appreciate ko na lang 'yung maganadang view ng lugar, hindi na kailangan na tumalon pa dahil sobrang nanginginig na talaga ang mga tuhod ko.
"Sige na tatalon lang e"pangungulit pa nito na para bang isang dipa lang ang tatalunan namin. Sobrang taas kaya!
Pakiramdam ko kapag tumalon ako maiiwan ang kaluluwa ko dito sa taas tapos mababali lahat ng buto ko kapagka tumalon ako.
"Ayoko natatakot ako"sambit ko dahilan para lumapit si Lucas sa akin at muling hinawakan ang dalawang kamay ko.
"'Wag kang matakot, nandito naman ako, promise hindi kita bibitawan"