CHAPTER 1

2051 Words
dirleyla01 "Miss, Miss" Naalimpungatan ako ng may marinig na boses mula sa labas ng sasakyan ko. Pagkamulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng isang lalaki na nakasuot ng guard uniform na kumakatok sa bintana ng kotse ko. Teka nasaan ba ako? Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Siguro sobrang layo na ng narating ko. "Yes?"salubong ang kilay kong tanong doon sa guard pagkabukas ko ng bintana ng aking kotse. Masama ang gising ko dahil ayoko sa lahat ay 'yung inaabala ako sa pagtulog, ewan ko ba pero naiinis ako kapag ganun. "Eh Ma'am nakaka abala ho kasi kayo sa pila ng mga pasahero kaya kung pwede po sana ay alisin nyo muna itong sasakyan niyo"malumanay na sagot sa akin ni Manong guard. And when I looked outside nakita ko ang napakahabang pila ng mga tao na may kanya kanyang mga bagaheng dala dala. Noon ko lang na realize na nasa seaport pala ako. "Uhhmm, Manong anong lugar ito?"naguguluhan na tanong ko doon sa guard. Hindi ko na kasi naalala kung saan ako dinala ng aking sasakyan kagabi, basta nag drive nalang ako ng nag drive. "Nasa Mindoro po kayo Ma'am"nakangiting sagot sa akin ni Manong at bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar na sinabi niya. "Hindi niyo ho alam?" dagdag na tanong sa akin ni Manong guard. "Hindi ba obvious Manong? Tatanungin ba kita kung alam ko na kung nasaan ako?"inis na singhal ko sa kanya dahilan para mapakamot na lang siya sa kanyang batok. I don't want to be mean pero sinira niya iyong tulog ko kaya magdusa siya sa kasungitan ko. "Pasensya na ho Ma'am"paghingi niya ng paumanhin. Matapos noon ay nagdrive na rin ako papalabas ng port pero ganun na lang ang paglaglag ng balikat ko ng marealize na hindi ako pamilyar sa lugar na tinatahak ko. Ngayon lang kasi ako nakarating sa lugar na'to. Kulang na lang ay batukan ko ang aking sarili ng makitang wala akong dala kahit isang gamit maliban sa wallet ko, I even forgot to bring my phone. Nanatili ako sa loob ng aking sasakyan para mag-isip kung paano ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam ang lugar na ito kaya siguradong mahihirapan akong kumilos. But first thing first! Nagugutom na ako! Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain. That's why I decided to park my car somewhere, at saka naghanap ng atm machine na malapit sa kinaroroonan ko. I have my card with me sana lang hindi pa iyon naclosed ni Daddy, dahil kung hindi, ewan ko na lang kung saan ako pupulutin nito. Good thing I found one, and luckily my card wasn't closed, kaya nakakuha ako ng pera. Pagkatapos sa atm machine ay ang sunod ko namang hinanap ay restaurant kung saan ako pwedeng kumain. Naglakad lang ako ng naglakad and I ended up ordering on a fastfood restaurant. Marami akong inorder na pagkain because I was too hungry. It was a late lunch, dahil mag aalas dos na ng hapon. Kaunti lang ang tao na kumakain sa loob kaya hindi gaanong maingay at magulo. I was enjoying my food when a guy suddenly appeared in front of me, handling the food he ordered. My brows immediately raised when he placed his food on my table and he even pulled the chair in front of me and he sat there without asking for my permission. "Bakit?"nagtataka niyang tanong ng napansin niya na nakatingin ako sa kanya. He even looked at the glass wall to check if he has some dirt on his face before turning his gaze on me again. "Did I gave you a permission to sit there?"I asked while still raising my brows to him. I thought matatakot siya sa ginawa ko but he smiled at me instead. "What's funny?"naiinis ng tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba lagi na lang akong naiinis ngayong araw. Siguro kasi puro nakakainis na tao ang kinakausap ko. "Wala naman, di kasi ako nainform na kailangan pa pala ng permission bago umupo"natatawang aniya. Nakakainis lang dahil wala namang nakakatawa pero mukhang tuwang tuwa siya. Masyadong masaya siguro buhay netong lalaking 'to kaya ganun. "Of course, because I'm the first one here and duh! I don't even know you, what if you're a bad person pala"maarte kong sambit sa kanya. Akala ko iyong guard na kanina ang pinaka nakakainis na tao pero mukhang may humahabol pa para sa title na iyon. And I am looking at him right now. "Sus, ikaw naman dinadaan mo pa ako sa pa ganyan ganyan mo, wais ito oy"mayabang na sambit ng lalaki sa harap ko. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya at hindi ko rin alam kung bakit ko sinasayang ang oras ko para kausapin siya. He's not worth of my time. Sinasayang niya lang ang oras ko. "Sinasabi mo?"asik ko sa kanya. Mukhang hindi ako ang nalipasan ng gutom sa aming dalawa kung di siya. "Ikaw kasi may pa I don't even know, I don't even know you ka pa eh pwede mo naman akong deretsuhin"pagpapaliwanag niya pero di ko pa rin magets what he's trying to say. "Pwede mo namang sabihin na alam mo parang nagkita na tayo, ano nga ulit pangalan mo?" he exaggerated. "At bakit ko naman gagawin 'yun? Sino ka ba huh?"asik ko sa kanya, I don't know why but he has that vibe that annoys me so much. "Eh bakit ko din sasabihin sayo kung sino ako? What if you're a bad person pala"he fired back using my words earlier at talagang ginaya niya pa ang boses ko. Nakakairita! Sa halip na patulan pa iyong lalaki ay mas pinili ko na lang na pagtuunan ng pansin ang aking pagkain mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa at nagsimula na ring kumain. Hinayaan ko na lang siya na maupo roon para naman hindi ako magmukhang loner. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. At ayos na sana ang lahat dahil hindi na siya nangungulit at nagsasalita kaso ganun na lang yata kakapal ang mukha ng lalaking ito ng walang sabi sabing kinuha niya iyong gravy ko. I stared at him in disbelief. "What do you think you're doing?"singhal ko sa kanya, dahil ni hindi man lang siya nagsabi sa akin o nagpaalam na kukunin niya iyong gravy ko. "Wala kasing gravy 'tong sakin eh"pagpapaliwanag niya at nakita ko na wala ngang gravy iyong sa kanya. "Then why don't you get for yourself ? Sana man lang humingi ka muna ng permission hindi 'yung nang aagaw ka na lang ng hindi sa'yo"naiinis ng sambit ko sa kanya. Gusto ko lang naman kumain pero bakit kailangang may asungot pang dumating? "Ansakit naman nung sinabi mo, alam mo gravy ka"at nakuha niya pang magjoke. Like what the- why the hell I am smiling? Gosh I shouldn't be. Dahil sa inis ay binilisan ko na ang pagkain ko at ng matapos ay kaagad na ring tumayo at naglakad papalabas. Pero kaagad din akong napahinto pagkalabas ko dahil nga hindi ako pamilyar sa lugar na iyon ay hindi ko alam ang daan pabalik kung saan ako nag park ng sasakyan. Gosh Leila napakatanga! Saan na ako pupunta ngayon? Ngayon ko lang narealize na ang hirap palang maglayas kapag mahina ka sa directions. Saan na lang ako pupulutin nito? Wala pa man din akong kilala na pwedeng pag tanungan. So I look around to find someone na pwede kong pag tanungan but my eyes rolled when I saw the guy again, nakatingin ito sa akin at nakangiti na naman. I'm not sure if palangiti ba talaga itong tao na ito o nang aasar lang? Nakalabas na rin siya sa fast-food restaurant at ilang dipa lang ang distansya sa akin. "Saan na'to patungo 'di ko na kasi alam"rinig ko ang pagkanta nito mula sa likuran ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong ako ang pinariringgan niya, akala mo naman talaga ang ganda ganda ng boses niya para kumanta siya ng ganun. Eh medyo lang naman. "Alam mo nakita kita kanina sa seaport"kapagkuwan ay sambit nito kaya nilingon ko siya. "Eh? So what?"maarte kong sagot. "So what panti mong burat"pabulong namang aniya. "What did you say?"naiinis na tanong ko ng hindi ko maintindihan kung ano iyon. Pero umiling lang siya sa akin para itanggi na wala siyang sinabi. Kaya hindi ko na lang din siya pinansin at saka naglakad paalis doon para hanapin kung saan ako nagpark kanina. Hindi ko inaasahang susunod siya sa akin kaya naman napatigil ako sa paglalakad para humarap ulit sa kanya. "Bakit mo ako sinusundan?"tanong ko na mukhang ikinagulat naman niya. "Wow, wow, excuse me ha di po kita sinusundan"pagtanggi niya kaagad habang natatawa pa. Napairap na lang ako sa kanya. "Hindi sinusundan pero kanina ka pang nariyan sa likod ko"pang aakusa ko sa kanya, hindi ko alam kung anong patutunguhan ng pag uusap namin na ito. "Aba malamang, sa'n mo'ko gustong padaanin diyan sa gitna ng highway?"sarkastiko niyang saad, itinuro pa talaga niya iyong kalsada na maraming dumadaan na sasakyan. Noon ko lang rin narealize na 'yung dinadaanan ko lang pala ang pwedeng daanan sa lugar na 'yun wala ng iba pa. "Okay fine"sambit ko at saka siya muling tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni anino ng kotse ko ay di ko makita, paano ko naman kaya iyon mahahanap kung nasaan? Pero hindi pa rin ako huminto at nagpatuloy lang sa paghahanap. "Ikot ikot lang, ikot ikot"muli akong napatigil ng marinig ang pagkanta nung lalaki dahil para bang pinariringgan niya talaga ako. Kanina pa kasi ako paikot ikot sa lugar na ito sa kakahanap ng sasakyan ko at kanina pa rin siyang nakasunod sa akin. "So nakita mo ako kanina right?"I ask him at tumango lang siya bilang sagot. "So nakita mo rin where I parked my car?"umaasang tanong ko sa kanya. "Hindi, ano ako stalker mo?"sarkastiko ang sagot niya. Napapikit na lang ako sa sobrang pagka inis habang ang isang palad ay nasa aking noo. Ano ang gagawin ko ngayon? "Can you do me a favor? Promise babayaran kita how much ba gusto mo, ten thousand, twenty--" Napatigil ako sa pagsasalita ng maglakad siya at nilagpasan ako, so I followed him from behind. "Hey, I'm still talking to you"sigaw ko habang naglalakad sa likuran niya, medyo malayo na ang agwat namin sa isa't isa dahil napakalaki niya humakbang ang haba kasi ng mga legs niya compare sa akin. "Ano bang problema mo? How much do you want ba?"tanong ko ulit habang sinusubukan na maabutan siya. "Hindi ko kailangan ng pera mo"asik niya sa akin at nilingon niya lang ako saglit para lang sabihin iyon. Bipolar siguro ang lalaking 'to kanina kasi parang ang saya saya niya tapos ngayon biglang naging seryoso na. "So what do you need?"I asked him again dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at tuluyan na akong tiningnan. "Ikaw 'yung may kailangan diba?"he sarcastically said, he even raised his brows on me looking so annoyed, I don't know why. Maybe because of me? I don't care mas okay nga yun dahil ako rin naman eh naiinis sa kanya kaya patas lang kami. Pero bago pa man siya tuluyang mainis sa akin ay kailangan ko muna ang tulong niya. "Yeah, oo ako nga"iyon na lang ang nasabi ko dahil nakakatakot ang pagkaseryoso ng mukha niya. Akala mo naman eh ninakawan ko siya kung makatingin siya ng ganun sakin. "But I think it will be fair if babayaran kita right?"sambit ko para naman medyo gumaan ang pakiramdam niya. 'Yun lang ang alam kong bagay na hindi tinatanggihan ng mga tao. Pera. "Hindi"mas lalong seryosong sagot nung lalaki dahilan para matigilan ako. "Hindi ko kailangan ng pera mo, tutulungan kita dahil gusto ko at hindi dahil gusto kong magpabayad naiintindihan mo" I just nodded on him as a response. I just can't say a word after hearing his words. Akala ko gutom lang ako kanina akya kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking ito pero ilang minuto na ang lumipas pero parang nadadagdagan pa lalo ang kkaibang pakiramdam ko sa kanya. Dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa lalaki kung saan man niya plano ng pumunta. Bahala na kung saan man niya ako dalhin. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD