dirleyla02
"Sir bukas na ho ng umaga ang susunod na biyahe ng barko, last trip na po 'yung kanina balik na lang ho kayo bukas o kaya naman ay diyan muna ho kayo sa waiting area"
Laglag ang balikat ko ng marinig ang sinabing iyon ng lalaki na naroon sa bilihan ng ticket. Ibig sabihin ba nun ay bukas pa ako makakuwi? Haysstttt.
"Salamat ho manong"pagkasabi niyon ay kaagad rin kaming umalis noong lalaki doon sa bilihan ng ticket at naglakad patungong waiting area. Kaunti lang ang tao roon na naghihintay , may ilan na nakatulog na.
"Okay na ako dito, pwede ka ng umuwi"sambit ko roon sa lalaki pag upo ko sa kulay asul na upuan na nakatalaga para sa waiting area. Hindi ko maimagine ang sarili ko na matulog ng naka upo roon tapos medyo malamok pa wala man lang aircon. "Oh bakit? wag mong sabihin na sasamahan mo pa rin ako dito"saad ko ng makitang nakatayo pa rin siya sa harapan ko at hindi pa umaalis. Nakita kong napabuntong hininga siya at saka bahagyang hinimas ang kanyang batok.
"Hindi ka man lang magtathank you?"hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Nailing pa siya maybe a sign that he's disappointed on me.
Dahil hindi lang ako nag thank you?
What the heck?
"Edi thank you"malamyang saad ko at saka humalukipkip sa inuupuan ko.
"Wow, wow, bakit 'di ko maramdaman 'yung sincerity?" sarkastikong aniya. Dahilan para mapairap ako at saka pilit ang ngiting tumingin sa kanya.
"O sige, thank you po ha utang na loob ko po ang buhay ko sa iyo sana pagpalain ka palagi at maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay para mas marami ka pang matulungan na ibang tao, maraming, maraming,maraming salamat po"sunod sunod kong sambit sa kanya. "Oh ano okay na?"sarkastikong dagdag ko pa.
"Walang anuman"sagot naman niya at saka umupo sa katabing upuan ko. Kaya salubong ang mga kilay kong tiningnan siya. "Oh ano na naman?"nagtatakang tanong niya sa akin ng makita ang ekspresyon ng mukha ko.
"Hindi ka pa uuwi?"tanong ko sa kanya.
"Hindi"sagot niya at mukhang wala nga siyang balak na iwan ako. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil sa oras na ito ay ayoko ring iwan niya ako mag isa, hindi ko kasi kilala ang mga taong kasama namin sa waiting area baka kung anong mangyari sa'kin mas mabuti ng may kasama ako.
"Pustahan tayo uulan bukas"kapagkuway sambit ko matapos kaming balutin ng mahabang katahimikan. Tanaw kasi mula sa kinauupuan namin ang langit at walang makikitang bituin doon ngayon.
"Bakit naman?"nagtatakang tanong niya at saka tumingin rin doon sa kalangitan, nagtataka.
"Walang bituin eh, I can still remember during our science class, 'yung mga tao before naniniwala na kapag walang bituin sa langit uulan kinabukasan"sunod sunod na sambit ko habang nasa itaas pa rin ang paningin. Sa dinami dami ng itinuro nung science teacher namin ay iyon lang yata ang natandaan ko.
"Ahhh sige, pustahan tayo malungkot ka 'no"siya naman ngayon ang nakikipag pustahan sa akin. And what the heck is the connection of our topic sa nararamdaman ko?
"Paano mo nalaman?"pero hindi ko na nagawang tumanggi pa sa nararamdaman ko dahil tama naman siya doon. Ang hindi ko lang alam ay kung paano niya nahulaan iyon.
"Wala kang nakikitang butin eh"sagot niya, dahilan para malipat sa kanya ang paningin ko at dahil magkatabi lang kami ng kinauupuan ay halos magdikit na ang aming mukha. Mabuti na lang at nasa taas pa rin ang paningin niya hanggang ngayon. "May nagsabi kasi sa'kin na kapag daw walang nakikitang bituin ang isang tao ibig sabihin nun malungkot siya" pagkasabi niyon ay tumingin siya sa akin, deresto sa aking mga mata na para bang mayroon siyang nakikita at nababasa roon dahilan para magka titigan kami. At bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.
"Parang wala namang sinabi yung science teacher namin tungkol diyan"hindi ko pag sang-ayon sa sinasabi niya at saka naiilang na ibinaling ang paningin sa paligid. Pakiramdam ko ay namumula na rin ang aking mukha dahil sa pagkakalapit ng mga mukha namin kanina.
Napansin ko rin na medyo nailang rin siya sa nangyari at katulad ko ay ginagawang busy ang sarili sa pagtingin tingin sa paligid. Tumagal kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa pareho kaming makaramdam ng gutom. Kaya naman nagtungo muna kami sa pinakamalapit na kainan sa port. Mabuti na lang at saulo niya ang pasikot sikot sa lugar kaya siguradong hindi kami maliligaw.
"Halika dito tayo"masayang aniya at saka ako akmang hihigitin papasok doon sa maliit na carinderia, pero napahinto siya sa paghigit sa akin ng mapansing hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "Ayaw mo ba dito?"tanong niya sa akin.
"Yes"deretsong sambit ko sa kanya. Hindi pa kasi ako nakakakain sa ganitong lugar, I mean what if hindi masarap 'yung food o kaya hindi malinis ang kitchen nila sa loob?
"Edi humanap ka ng ibang kakainan mo, basta ako dito ako kakain"
Napamaang na lang ako ng bitawan niya ako at saka sit tumuloy doon sa loob ng karinderya. Akala ko pa naman kaya niya ako tinatanong eh dahil may alam pa siyang iba naming pwedeng kainan tulad ng restaurant o kaya naman ay fast food chain. What the heck?
Wala akong choice kung hindi ang sumunod sa kanya sa loob obviously dahil hindi ako pamilyar sa lugar na iyon baka kung saan pa ako mapunta kung hindi ako susunod sa kanya.
Nagulat siya ng makita niya ako roon pero inirapan ko lang siya.
"Sa inyo po Ma'am?"tanong sa akin nung isang babaeng medyo may edad na kung pagbabasehan ang kanyang itsura. Siya siguro ang may-ari ng karinderya.
Hindi ako sumagot at bagkus ay tiningnan isa isa ang mga putaheng naroroon. At pagkatapos tingnan lahat ng putahe ay nagtungo ako sa lamesa kung saan nakapwesto 'yung lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Oh ano? Naka order ka na?"tanong nito sa akin pag upo ko sa upuan sa harapan niya.
"Hindi"malamyang sagot ko.
"Huh? Anong hindi? Andami daming pagpipilian doon ah, may pakbet"aniya.
"May alamang, allergy ako dun"pagtanggi ko.
"Tinola?"tanong niya.
"Kumakain lang ako ng manok kapag fried"
"Edi pritong isda?"
"Matinik at tsaka malansa 'yun diba?
"Adobo?"
"Pork or chicken?"tanong ko dahilan para medyo mabuhayan siya ng loob.
"Pork"sagot niya na ang boses ay tila ba nanalangin na sana magustuhan ko na iyon.
"Adobo lang ni Mommy ang kinakain ko"nakanguso kong sagot. At siya naman ay napasapo na lang ang dalawang palad sa kanyang noo tila 'di makapaniwala sa mga nangyayari.
"'Yung totoo gusto mo na bang mamatay?"sarkastikong tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kanya na parang bata at hindi na nawala ang pagkakanguso ko dahil wala talaga akong gustong kainin sa mga putaheng naroon. "Ayaw mo pala eh bakit 'di ka kumain?"
"Kasi I don't like the food here"naiiyak ng sambit ko, dahil hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko, nagugutom ako pero ayoko ng mga pagkain na naroon. Kung nasa bahay ako, siguradong ipagluluto ako ng mga katulong namin ng kahit na anong gusto kong pagkain kahit pa may nauna na silang naluto.
"Ano namang nakakaiyak 'dun?"nagtatakang tanong pa niya ng mapansing tumutulo na ang luha ko.
"Can you please stop asking me freaking questions, hindi mo naman kasi ako naiintindihan"naiiyak pa ring sambit ko sa kanya. "Dumagdag ka lang sa problema ko eh"pang aakusa ko pa sa kanya.
"Ako?"at mukhang hindi talaga siya titigil sa pagtatanong nakakainis na.
"Oo ikaw, I already told you earlier that I don't like to eat here and also the food, but you still insisted to convince me na kumain, eh ayoko nga"naiinis na singhal ko sa kanya. Pinipilit kong hinaan ang boses ko para hindi marinig ng ibang tao na naroroon.
"Hindi naman kita pinilit na kumain dito ah, ikaw 'tong sumunod sa akin"pagdepensa niya sa kanyang sarili. Dahilan para lalo lang akong mainis sa kanya.
"So ano hahayaan mo akong mag-isa? Dapat kasi sinamahan na lang ako kung saan ko gusto at 'di ka na tumuloy pa dito"asik ko sa kanya.
"Ahh so ako pa mag aadjust?" sarkastikong tanong niya.
"Alangan naman ako" nakangusong sambit ko dahilan para mapa buntong hininga siya at saka umayos ng upo at mariing tumitig sa akin.
"Hoy, ipapaalala ko lang sayo, hindi palaging ibang tao ang mag aadjust para sa'yo, matuto kang mag adjust para sa ibang tao. Hindi nila kailangan na ipagluto ka ng kung anong gusto mo para lang makakain ka lalo na't marami ka namang pwedeng pagpilian, magka iba tayo ng gustong kainan, ako kaya kong kumain ng mag isa at ikaw hindi, kaya hindi ako ang mag aadjust para sa'yo, kung ayaw mo mag isa matuto kang mag adjust gets mo?"pagpapangaral niya sa akin. Mabuti na lang at mahinahon parin ang boses niya at hindi pagalit dahil siguradong lalo akong maiiyak kapag pinagalitan niya pa ako.
Sa huli ay siya na ang nag order para sa akin. Isang cup ng rice iyon at tinola naman ang ulam na binili niya. Inilapag niya iyon sa harap ko at saka muling umupo sa harapan ko at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
"Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ang pagkain"pagpaparinig niya sa akin kaya naman kahit labag sa loob ko ay sinimulan ko na ring kumain. At hindi ko inaasahang ganoon pala kasarap ang lasa ng tinola. "Dahan dahan naman, baka pati ako ay madala sa paghigop mo"nagbibirong sambit niya ng mapalakas ang higop ko doon sa sabaw. Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Nauna siyang natapos kesa sakin kaya naman habang hinihintay akong matapos ay busy siya sa panonood sa maliit na tv na naroon sa harap ng karinderya.
[Samantala, ang kilalang abogado sa bansa na si Gregory Angeles ay inanunsiyo na ang nalalapit na kasal nila ng fiance na si Maris Dizon isang sikat na modelo, wala pang ibinibigay na detalye kung kailan ang kasal pero ayon kay Angeles ay ngayong taon ito mangyayari, Pina Marasigan, nagbabalita]
Napatigil ako sa pagkain at nabaling ang paningin ko doon sa telebisyon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng makita ang video ni Daddy at ni Maris habang iniinterview sila ng media. At talagang ipinakita pa ni Maris ang engagement ring na sigurado akong milyon ang halaga.
Ang saya saya ng mukha ni Daddy doon at parang hindi naman siya apektado sa paglalayas ko, mas gusto pa nga siguro niya na mawala ako sa buhay niya. Mukhang nakalimutan na niyang may anak pa siya.
"Oy, saan ka pupunta?"gulat na tanong nung lalaki sa akin ng makitang tumayo ako at lumabas na doon sa karinderya. "Oy! Hindi diyan ang daan pabalik sa port!"sigaw pa nito sa akin ng sa ibang direksyon ako nagtungo.
Sinadya ko talaga iyon dahil nagbago na ang isip ko, ayoko ng umuwi, tutal mukhang masaya naman na sila kahit wala ako.
"Hoy, ano ba kasi ang nangyayari sayo? Napapagod na 'ko ha sige kapag hindi ka tumigil hindi na kita susundan bahala ka na mag-isa"pagbabanta niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Dahil kilala ko ang sarili ko, hindi ko kayang mabuhay ng walang kasama, malas ko dahil itong lalaking 'to lang ang pwede kong makasama ngayon.
Hindi ko alam kung bakit pero pumatak na naman ang mga luha ko. Sobrang bigat sa dibdib na makitang hindi tumutugma sa mga gusto ko ang mga pangyayari sa buhay ko. Na lahat ng meron ako unti-unting nawawala.
Naabutan ako nung lalaki at nagpanic ito ng makitang umiiyak ako.
"Bakit umiiyak ka na naman? Masama ba lasa ng tinola? Sorry na gusto ko lang naman na kumain ka eh, hayaan mo sa susunod sasamahan na kita kung saan mo gustong kumain, hindi na rin kita pipilitin na kumain ng hindi mo gusto"
Halata sa boses niya ang pag aalala at wala siyang alam sa tunay na dahilan kung bakit ako umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya. Hindi ko tuloy alam kung maiiyak ba ako o matatawa dahil doon.
Pero kusa ng tumigil ang mga mata ko sa pag iyak ng lumapit siya sa akin para yakapin ako. Maluwag pa iyon noong una pero ng yakapin ko rin siya pabalik ay unti unti na iyong humigpit habang ako ay patuloy pa rin sa paghikbi. At dahil sa posisyon namin ay rinig na rinig ko ang pagbulong niya.
"Tahan na"