dirleyla03
"Sigurado ka bang 'di ka na uuwi?" tanong nung lalaki sa akin habang naglalakad kami sa tabing kalsada. Hindi ko alam kung saan niya kami balak pumunta dahil kanina pa kami naglalakad dito. Sa waiting area sa port kami natulog kagabi pero pagkagising ay sinabi ko sa kanya na hindi na muna ako uuwi.
"Yeah I'm sure"I said while looking around the place. Ang laki ng pagkakaiba ng lugar na ito sa kung saan ako nanggaling. Sobrang sariwa ng hangin kaya naman kahit medyo tumitingkad na ang sikat ng araw ay hindi gaanong masakit sa balat. Hindi rin ganoon karami ang mga sasakyan sakto lang para hindi magkaroon ng traffic. Maingay man ang paligid pero hindi iyon masakit sa tenga. Sobrang payapa lang talaga ng lugar na ito.
"Bakit? Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Mamaya mapagkamalan pa akong kidnapper dahil ako ang kasama mo"animo'y natatakot na sambit niya dahilan para tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" balik na tanong ko sa kanya pero umiling lang siya bilang sagot.
"Bakit?"nagtatakang tanong ko.
"Eh kasi nagpaalam naman ako, sabi ko sa kanila seven days akong mawawala kaya hindi na nila ako hahanapin"aniya at saka nakapamewang na humarap sa akin na para bang hindi big deal sa kanya na umalis siya sa kanila, samantalang ako ay heto at iniisip kung tama ba ang naging desisyon ko na hindi umuwi sa amin.
Bahala na. Feeling ko kailangan ko munang lumayo at pagpahingahin ang isip ko. Sobrang nakakapagod kasi ng buhay ko. I think I need a break.
"So saan ka dapat pupunta?"I ask out of curiosity. Syempre medyo nakonsensya din ako dahil baka importante 'yung gagawin niya dapat tapos hindi niya naituloy dahil lang sa akin.
"Pola"maikling sagot niya. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko nagets ang sinabi niya, kung lugar ba iyon o ano? "Isang bayan 'yun dito sa Mindoro"pagpapaliwanag niya ng mahalatang hindi ko maintindihan kung ano iyong Pola na sinasabi niya kanina.
"Then? Anong gagawin mo dun?"I asked again, naisip ko kasi na samahan na lang siya para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat ng nagawa niya para sa akin tutal wala rin naman akong gagawin dito sa lugar na'to.
"Gusto ko kasing bisitahin 'yung mama ko"nakangiting aniya pero kasalungat niyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Umiwas tuloy siya ng tingin sa akin para hindi ko iyon mahalata. Hindi ko na siya tinanong at kinulit pa bagkus ay nauna na akong maglakad ulit sa kanya. "Oy teka saan ka pupunta?"sigaw niya sa akin, dahilan para tumigil akong muli sa paglalakad at nilingon siya.
"Sa Pola, bibisitahin natin mama mo"sagot ko. At mula sa maikling pagitan naming dalawa ay nakita ko kung paano umawang ang bibig niya "Oh? ano pang tinatayo tayo mo diyan, tara na"pag aya ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis roon sa kinatatayuan niya.
"Eh kasi--"sinusubukan niya pang magpaliwanag pero pinutol ko ulit ang pagsasalita niya.
"Ang arte naman neto, ano ba? Tara na, sige ka kapag ako nagbago ng isip"pananakot ko pa para pilitin siyang maglakad na, gusto ko na rin kasing makarating doon sa sinasabi niyang lugar eh.
"Luh, nasabihan pa nga ng maarte"rinig kong ungot niya dahilan para mapairap ang mga mata ko.
"Totoo naman ah, tingnan mo hanggang ngayon 'di ka pa rin umaalis diyan"asik ko sa kanya. Parang pinapa init na naman ng lalaking ito ang ulo ko ang aga aga.
"Eh kasi po hindi naman po diyan ang daan papunta 'dun dito po o dito hindi po diyan"giit niya habang itinuturo iyong daan na kasalungat ng sa akin.
"Okay" iyon na lang ang nasabi ko at saka naglakad patungo sa direksiyon na itinuro niya, narinig ko pa ang pagtawa niya ng lagpasan ko siya.
Sumunod na rin siya sa akin, medyo binagalan ko na lang ang aking paghakbang para magkasabay kami o kaya naman ay mauna siya dahil hindi ko alam ang daan.
"O sandali masyado kang excited eh"singhal niya sa akin ng akma akong lalapit sa van na tumigil sa aming harapan, dahilan para muntik na akong mabangga ng isa pang van na kasunod nito. "O ayan okay na, pumasok ka na"aniya matapos kausapin iyong driver ng van na sasakyan namin. Narinig kong sinabi niya rito kung saan kami bababa, hinayaan ko na lang siya doon dahil mas alam naman niya ang tungkol sa bagay na 'yun.
Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan at tumabi sa akin habang ako ay nakapatong ang isang braso doon sa may bintana at mula roon ay minamasdan ko ang tanawin sa labas.
"Lalim ng iniisip natin ah"maya maya pa ay sambit noong lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam ang pangalan. Ako ba dapat ang unang magtanong?
Hindi na lang ako umimik hanggang sa umandar na ang van. Akala ko ay magiging boring ang biyaheng iyon para sa akin pero hindi ganoon ang nangyari dahil sa katabi ko.
"What the heck?"mahinang asik ko ng biglang mapasandal ang ulo niya sa balikat ko dahil nakatulog na pala siya. Susubukan ko sanang alisin iyon pero natigilan ako ng makita ng malapaitan ang kanyang mukha na mahimbing sa pagkakatulog. Para siyang anghel dahil sa sobrang amo ng mukha niya, sana lang kahit pag gising siya ganun pa rin.
Hinayaan ko na lang siya sa ganoong posisyon sa buong biyahe namin. Tiniis ko na lang kahit medyo nginangalay na ang balikat ko.
Masyado ng pa espesyal ang lalaking 'to ah.
"Hey wake up"panggigising ko sa kanya ng huminto na ang van isa-isa na ding nagsibabaan ang ibang mga pasahero at kami na lang dalawa ang natira sa loob.
"Huh?"nagtatakang sambit niya ng magmulat siya ng mga mata , kinusot kusot pa niya iyon at saka lang yata natauhan ng mapagtantong kami na lang ang naiwan sa loob. Dahil doon ay itinulak ko na siya palabas dahil baka kung ano pang isipin noong driver tungkol sa aming dalawa.
"So, this is Pola"usal ko pagkababa naming dalawa, kung ikukumpara ang lugar na ito kung saan kami nagmula kanina ay wala naman gaanong pinagkaiba, mas kakaunti lang ang sasakyan na dumadaan at mas marami ang mga naglalakad na tao dito.
"Hindi"sagot niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Nakikita mo 'yun?"sabay turo niya doon sa isang mini garden sa gitna ng kalsada na hugis triangle at may nakasulat.
"So-co-rro, Socorro"pagbabasa ko doon sa nakasulat na parang bata
"Tama nasa Socorro pa lang tayo"sambit niya.
"Eh akala ko ba sa Pola tayo pupunta?"nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakakatakot naman kasi dahil baka kung saan saan niya ako dalhin. Palayo na ng palayo ang nararating ko.
"Excited ka na naman eh, doon nga po tayo pupunta eh kaso po hindi po papunta doon 'yung van na sinakyan natin kaya kailangan po nating magtricycle" pagpapaliwanag niya.
At dahil doon ay kinailangan nga naming sumakay ng tricycle. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o matatakot dahil first time kong sumakay sa ganun. Pero nawala lahat ng iniisip ko ng hawakan niya ang kamay ko at saka niya ako inalalayan na pumasok sa loob noong tricycle at doon rin siya naupo sa tabi ko. Medyo nakayuko pa siya dahil matangkad siya.
Medyo masakit sa tenga ang tunog ng tricycle, pakiramdam ko ay mabibingi ako lalo na kapag bubusina iyong driver, talagang mababasag ang eardrums ko. Habang ang katabi ko naman ay mukhang sanay na sanay na sa ganoong ingay wala man lang kaekspre expression ang mukha niya.
"Dito na 'ho manong"aniya dahilan para tumigil ang sinasakyan namin. Nauna siyang bumaba at ng ako na ang bababa ay ipinatong niya ang isang kamay sa ulo ko, hindi ko alam kung para saan iyon kaya nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Baka mauntog ka"aniya at saka lang inalis ang kanyang kamay ng tuluyan na akong makababa ng tricycle.
Hindi naman ganoon kalayo ang biniyahe namin pero nakakapagod iyon dahil pazigzag at matarik ang kalsadang dinaanan namin.
Nakakakaba din dahil bangin ang nasa gilid noon habang ang nasa kabilang gilid naman ay mataas na bundok na halos hindi na matanaw ang tutok dahil sa sobrang taas nito. Pero sobrang gandang tingnan ng mga iyon. Ramdam na ramdam ko na nasa probinsiya ako.
"Welcome to Pola!"bigla ay nakangiting sambit noong lalaki sa akin sinabayan niya pa iyon ng pagtaas ng dalawa niyang braso para magmukhang nagwewelcome nga siya, pagkarating namin.
"Oh eh nasan na mama mo?"tanong ko sa kanya at umastang naghahanap sa paligid namin na kung hindi puno ay mga bahay ang makikita. Medyo maliit din ang kalsada doon sakto lang para daanan ng dalawang sasakyan. Kaya naman nasa tabing tabi na kami ng kalsada nakatayo dahil baka masagasaan kami.
"Alam mo masyado kang excited eh no, alam ko na itatawag ko sa'yo"nakangising aniya at saka pumorma na parang nag-iisip, akala mo naman talaga eh may utak siya. "Ikaw na si Ms. Excitement"at iyon na ang pinakawalang kwentang idea na narinig ko sa tanang buhay ko.
"Hey, excuse me ang ganda ganda kaya ng pangalan ko"maarteng asik ko sa kanya.
"O sige nga, parinig naman ako niyang 'magandang' pangalan na 'yan"panghahamon niya sa akin.
Kaya naman ibinigay ko sa kanya ang gusto niya, inespell ko pa sa harap niya ang pangalan ko. "L-E-I-L-A , Leila that's my name"
"'Yun na ba 'yun? Alam mo hulaan ko ha, siguro bored yung mga magulang mo nung nag-iisip sila ng ipapangalan sa'yo"nang-aasar na sambit niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay, siya pa lang kasi ang nanglait sa pangalan ko, nakakinis. "Gusto mo bang makarinig ng magandang pangalan?"naghahamong sambit niya pero hindi ako sumagot at hinayaan na lang siya. "Eto makinig ka ha! L-U-C-A-S ……. Lucas, 'di lang maganda gwapo pa"mayabang na saad niya.
"Anong maganda 'dun? Eh parang pangalan ng matandang kalbo"pang aasar ko dahilan para magusot ang pagmumukha niya. Ang kyut.
"Hoy, hindi totoo 'yan nakakapogi kaya 'yung pangalan ko, palibhasa 'yung sa'yo parang.."
"Parang ano?"tanong ko sa kanya.
"Parang.......pangalan ng babaeng naglayas tapos mahina pala sa directions"nang aasar na sagot niya at saka naglakad papalayo ng akmang hahampasin ko siya ng kamay ko. Naririnig ko pa ang pagtawa niya, marahil iyon ay dahil sa nagawa na naman niya akong inisin.
Pero sorry siya dahil hindi naman ako naiinis sa kanya, bagkus ay namalayan ko na lamang ang sarili ko na ngumingiti. Pinipilit ko iyong itago habang nakasunod sa kanya pero ang hirap palang pigilan noon, nagmumukha lang akong tanga. Kaya hinayaan ko na lang ang sarili na ngumiti tutal minsan ko lang naman iyon magawa, tapos fake pa. Atleast ngayon masasabi kong tunay iyon. At sobrang sarap pala sa pakiramdam kapag napapangiti ka. Mukhang tama nga ang desisyon ko na huwag munang umuwi.
"Oy laway mo tumutulo" kapagkuway ani niya sa akin ng maabutan ko siya.
Umakto pa siya na kunwaring sasaluhin niya ang laway ko dahilan para magulat ako at kaagad na pinunasan ang gilid ng labi gamit ang aking kamay, doon ko lang rin napagtanto na hindi naman tumutulo ang laway ko. What the heck?
Naisahan ako 'dun ah!
Hinampas ko tuloy siya sa kanyang braso ng pagtawanan niya ako, pero mukhang hindi naman siya nasaktan dahil nakangisi pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Nang-aasar talaga.
"Ano ba kasing iniisip mo at bakit napapangiti ka?"tanong niya at talagang humarap pa siya sa akin, at inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha ko. "Iniisip mo 'yung pangalan ko 'no? Sabi ko naman kasi sa'yo nakakagwapo 'yun, kitang kita naman sa mukha ko diba"at nagyabang pa nga.
Naiinis kong inalis ang pagmumukha niya sa harapan ko dahilan para matawa na naman siya. At iyon ang mas nakakainis dahil nadadala ako sa pagtawa niya, nakakahawa pala ang pagiging masayahin niya. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang mapangiti.
At tama naman kasi siya, maganda 'yung pangalan niya at saka........well, gwapo siya......