dirleyla04
"Wow!" namamanghang saad ko ng mapatapat kami sa isang malaking bahay. Napagkasunduan kasi naming dalawa na magliwaliw muna bago namin bisitahin ang mama niya.
Sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng ganitong disenyo ng bahay sa personal. Kadalasan ay sa mga larawan sa internet o libro sa history subject namin ko lang iyon nakikita eh.
Tradisyunal na disenyo ang unang mapapansin sa bahay na ito, ang kalahati ay gawa sa semento habang ang itaas naman ay gawa sa kahoy at kakaibang klase ng kagamitan na makaluma. Habang ang bubong naman nito ay gawa sa pawid at sawali, maliit iyon kung ikukumpara sa bahay namin pero iyon na ang pinakamalaking bahay na nakikita ko mula sa kinaroroonan namin.
Kapansin pansin din ang pagkaka ukit sa mga kahoy nito, hindi ko iyon maintindihan sa umpisa pero kung titingnan ng mabuti ay doon lang makikita na may kwento ang bawat nakaukit roon. Katulad na lamang ng pangunahing pinto kung saan sa malayo ay mukhang magulo at basta basta lamang ang pagkaka ukit ngunit ng lumapit kami ay saka ko lamang nakita ang tunay nitong diseniyo, larawan ng isang pamilyang masayang nagkakantahan sa gitna ng isang malawak na lupain.
"Ang ganda 'no?"bumalik ako sa reyalidad ng biglang sumulpot sa tabi ko si Lucas, minsan nawiwirduhan ako kapag binabanggit ko ang pangalan niya dahil kusang napapangiti ang mga labi ko. What the heck?
"Feeling ko bumalik ako sa nakaraan"nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at muling ibinalik ang paningin doon sa bahay. Mas buo siguro ang experience na ito kung makakapasok kami sa loob niyon.
"Mamaya pa tayo makakapasok sa loob, may limit kasi ang bilang ng tao na pinapapasok nila dahil baka hindi kayanin ng bahay kapag sobrang dami"maya maya pa ay sambit ni Lucas dahilan para magtaas ako ng tingin sa kanya. Para kasing napapakinggan niya ang iniisip ko o baka naman parehas lang ang tumatakbo sa isip naming dalawa.
Sino ba naman kasing hindi magugustuhan ang makapasok sa ganitong kagandang bahay? Kahit yata buong buhay akong patirahin doon ay papayag ako. Sana lang malakas internet connection.
Bahagya kaming napatabi ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang bilang ng mga tao, pinangungunahan sila ng isang matandang lalaki na nakakulay pula na uniform, siya siguro ang nagsisilbing tour guide, dahil iyon ang salitang nababasa ko sa suot niyang damit.
"Oh 'yung mga susunod pwede na kayong pumasok kapag nakalabas na lahat ng mga nasa loob"anunsyo noong matandang lalaki, bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement dahil hindi na ako makapaghintay na makapasok sa loob. Curious kasi ako kung anong meron doon.
Ng maubos na ang mga taong lumalabas ay isa isa na kaming pumasok sa loob. Inaasahan ko na mainit sa loob noon pero pagakapasok namin ay malamig na simoy ang sumalubong sa amin kahit wala namang aircon.
"Oyy saan ka?"nagtatakang tanong ni Lucas sa akin ng akma akong susunod sa kanya papasok sa isang silid na malapit sa may pintuan.
"Huh?"naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Doon ang mga babae, for boys only 'to"singhal niya sa akin at saka ako bahagyang itinulak patungo sa kung saan dapat ang mga babae. Hindi naman kasi ako nainform na may paganun pa pala.
Ako ang huling pumasok doon sa kwarto para sa mga babae. At nadatnan ko na nagbibihis na sila roon. Halos mapatalon ako sa gulat ng lumapit sa akin ang isang babae at saka inabot sa akin ang ilang piraso ng tela. Sinabi niya lang na iyon daw ang susuotin ko. Hindi na ako umangal pa at sinuot na ang mga damit na iyon dahil halos lahat ng babaeng kasama ko ay nakabihis na.
"Wow hija bagay na bagay sa'yo ang suot mo"papuri sa akin ng isa sa mga babae roon pagkalabas ko suot suot na ang damit.
Kulay puting kimona ang pang itaas at bulaklaking saya naman na kulay rosas ang pang ibaba. Habang bakya naman ang sapin ko sa paa.
Nakakabilib dahil sakto ang sukat ng mga iyon sa akin na para bang ginawa talaga ang mga iyon para lang sa'kin. Hindi tulad ng sa iba kong kasama na may sikip ang kimona habang ang iba naman ay maikli o di kaya naman ay mahaba ang saya.
Medyo nakakailang na magsuot ng ganun para sa akin dahil hindi ako sanay sa ganoong kasuotan tuwing August lang kasi ako nagsusuot ng ganoon kapag nagcecelebrate sa school ng Buwan ng Wika.
Ng lumabas kami ng kwartong iyon ay naabutan namin ang grupo ng mga lalaki na naghihintay na sa amin. Suot naman nila ay barong at itim na pantalon. Dahil sa mga kasuotan namin ay mas lalong nadagdagan ang pakiramdam na para kaming nasa sinaunang panahon.
"O naririto na pala ang mga magagandang binibini maaari na tayong magsimula"nakangiting sambit noong matandang lalaki ng makita kaming paparating. Lalo akong nakaramdam ng pagka ilang ng lahat ng mga mata nila ay nakapanood sa aming paglalakad hanggang sa huminto kami.
Nakahiwalay ang mga babae sa mga lalaki, at ang dahilan ay hindi ko alam, hindi ko nga rin ineexpect na kailangan pa palang magsuot ng kimona at saya.
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit nakahiwalay ang mga kababaihan sa kalalakihan, simple lang ang dahilan at iyon ay dahil alam naman natin na noong unang panahon ay hindi maaring maglapit ang babae at lalaki maliban na lamang kung sila ay mag asawa......"napapahikab na ako dahil sa malumanay na pagpapaliwanag noong matandang lalaki na nasa harapan namin. Kung ano ano pa ang kanyang sinabi bago kami maglakad papasok sa kusina noong bahay.
Kapansin pansin ang mga kagamitang nakadisplay doon, kung hindi gawa sa kahoy ay sa bato gawa ang mga iyon. Katulad ng mga pinggan, kutsara at kung ano ano pang bagay na hindi ako pamilyar.
Kasunod na pinuntahan namin ay ang sala kung saan nakadisplay ang naglalakihang painting at sculpture. Nakakahanga ang mga iyon dahil kitang kita ang napakadetalyadong pagkakagawa ng disenyo noon, kaya lang hindi kami pinapayagan na hawakan ang mga iyon.
Pagkatapos doon ay umakyat kami sa mahabang hagdanan patungo sa mga kwarto. Apat na pinto ang bumungad sa amin at ayon doon sa matandang lalaki ay iyong dalawang pintuan lang sa kaliwa ang maari naming pasukan.
At dahil hindi pwedeng magsama ang babae at lalaki ay nagtig isa na lang kami ng pinasukang pintuan, doon kami sa b****a habang ang mga lalaki naman ay sa katabing pinto noon.
Napakaganda ng kwartong pinasukan namin, at marami ring nakadisplay na makalumang kagamitan. Mula sa kama hanggang sa maliliit na display ay kitang kita ang tradisyunal na mga disenyo.
Nagkukwentuhan ang mga kasama kong babae at ang iba naman ay kumukuha ng picture nila. At dahil wala naman akong kakilala sa mga kasama ko ay napagdesiyunan kong lumabas na lang muna roon sa isang pintuan patungo sa balcony. At pagkalabas ko ay kaagad na samalubong sa akin ang napakasariwang hangin, mula roon ay tanaw rin ang isang mataas na bundok.
Puro green ang nakikita kong kulay.
Kakaibang pakiramdam ang ibinigay ng tanawing iyon sa akin. It's my first time to feel this way, very peaceful and quiet. Gosh! Bakit ngayon ko lang nalaman na may mga ganitong lugar pa pala sa Pilipinas.
I was enjoying the view and the fresh air when someone has to interrupt.
"Pwede ka ng endorser ng judge"rinig ko sa isang pamilyar na tinig, sa bahagya palang niyang pagtawa ay alam ko na kung sino siya kahit hindi ko siya tingnan. "Chillax magjudge ka muna"pagkanta pa niya, nang aasar. Dahilan para lingunin ko siya pero bigla akong natigilan ng makita ang ang buong itsura niya.
Lumabas rin siya mula roon sa isang pintuan at dahil isang diretso ang balkonaheng iyon at walang harang ay nakalapit siya sa akin. Katulad ng ibang lalaki ay nakasuot din siya ng barong at itim na pantalon at tsinelas.
Pero mukhang unfair ata sa iba dahil bagay na bagay sa kanya ang ganoong kasuotan. Lalo pang nadagdagan ang paghanga ko ng mapunta ang aking paningin sa buhok niya na nililipad ng hangin, sa mga mapupungay niyang mga mata, sa perpekto niyang ilong at ang mga labi na matamis ang pagkakangiti.
"Oyy okay lang?"natauhan ako ng igalaw niya ang isang palad sa harap ng mukha ko. Hindi ko namalayan na matagal ko na siyang tinititigan.
Tumalikod na lang ako sa kanya at muling humarap doon sa magandang tanawin para itago ang pagkapahiya.
Naramdaman ko na ganoon din ang ginawa niya. May isang dipa ang layo namin sa isa't isa habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin na nasa aming harapan.
"Ang ganda"maya maya pa ay sambit niya matapos ang maikling katahimikan. Napatango na lang ako bilang pag- sang ayon sa sinabi niya dahil totoo naman iyon. At ang tanawing nasa harapan namin ang ebidensya lalo pa at palubog na ang araw at nagkukulay kahel na ang kalangitan. "Parang ikaw, napakagandang binibini" sabi ni Lucas na siyang nakapagpa bilis ng t***k ng aking puso, parang daig ko pa ang hinabol ng aso sa sobrang bilis ng t***k nito.
Iba na ito!
Dahan dahan akong tumingin sa kanya pero ang paningin niya ay naroon pa rin sa harapan. Kaya laking gulat ko ng magbaba rin siya ng tingin sa akin at pigil ko ang aking ngiti........ ang aking kilig ng magtama ang aming paningin. What the heck?
Anong mayroon sa lalaking ito at ganun na lang ang epekto niya sa akin?
Pareho kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa na animo'y nag-uusap at nagkakaintindihan ang mga iyon kahit hindi kami nagsasalita. We stayed on that position hanggang sa may tumawag sa akin.
"Hija, pina pabalik na tayo sa ibaba--"natigilan pa iyong babae ng makita kaming pareho ni Lucas kaya sumenyas na lang siya na kailangan na naming bumaba habang weird ang pagkakangiti.
"Sige alis na ako"sabay naming sambit ni Lucas. Dahilan para lalong maging awkward ang paligid. Wala kaming choice kung hindi ang tumalikod sa isa't isa at maglakad papalapit sa pintuan na pinanggalingan namin kanina pero bago pa man kami tuluyang makapasok ay sabay namin muling natawag ang pangalan ng isa't isa
"Leila"
"Lucas"
At dahil doon ay sumenyas ako sa kanya na siya ang maunang magsalita sa aming dalawa dahil baka magkasabay na naman kami.
"Ahhh, 'yung sinabi ko kanina, totoo 'yun hindi ako nagbibiro napakaganda mong binibini--"
"Ikaw din........ gwapo ka ginoo"pagputol ko sa sinasabi niya na halatang ikinagulat niya halata iyon sa kanyang mga mata, mukhang hindi pa siya makapaniwala sa kanyang narinig."Hindi rin ako nagbibiro" pagtatapos ko. I just smiled on him bago tuluyang pumasok doon sa pintuan habang may malaking ngiti sa aking mga labi.
Kaming mga babae ang naunang bumaba at dahil iyon na ang huli ay hinayaan na kami na gawin ang nais namin katulad ng pagkuha ng picture, sayang dahil wala akong dalang camera. Medyo nagkagulo na ng magsimulang bumaba ang mga kalalakihan, kahit iilang oras pa lang silang magkakasama ay mukhang magkakasundo na silang lahat hindi tulad sa aming mga babae na halata namang nagpaplastikan lang kanina. Hindi naman na bago iyon.
Matapos naming magpalit ng damit ay lumabas na rin kami kaagad dahil isasara na raw iyong bahay. Bukas na kasi ang susunod na schedule doon. Nauna akong lumabas kesa kay Lucas dahil busy pa siya sa pakikipag-usap sa mga kasama niyang lalaki kaya hinintay ko na lang siya doon sa tapat ng bahay. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin siya kasama ang ilang kalalakihan, nagtatawanan pa sila. Nagpaalam rin siya kaagad sa mga ito ng makita akong naghihintay sa kanya roon, nakataas na ang kilay sa sobrang inip.
"Sorry, kanina ka pa naghihintay?" tanong ni Lucas pagkalapit niya sa akin pero hindi ko na iyon sinagot pa dahil may mahalaga rin akong itatanong sa kanya.
"Saan tayo matutulog?"tanong ko sa kanta. Nakita ko na napaawang ang bibig niya saka bahagyang napakapit sa kanyang batok.
"Patay! Saan nga?"tanong niya rin sa akin.
"What the heck?! Bakit ako tinatanong mo?"asik ko sa kanya. Akala ko ba taga rito ang mama niya?
"Hindi ko rin alam eh, wala kasi akong kakilala dito"aniya dahilan para mapasapo ako sa aking noo habang laglag ang mga balikat.
Mukhang sa tabing kalsada pa yata kami matutulog neto.