CHAPTER 5

2235 Words
dirleyla05 "Kung gayon ay wala kayong matutuluyan dito?" tanong sa amin nung matandang lalaki na nag totour sa amin sa loob ng bahay kanina. Naabutan niya kasi kami ni Lucas na nagbabangayan kung saan kami magpapalipas ng gabi. Pambihira naman kasi akala ko may kakilala siya dito na pwede naming matuluyan tapos wala pala. "Ahhh opo manong eh, wala ho kasi kaming kakilala"nahihiyang sagot ni Lucas doon sa matanda. "Aba ay kung ganon ay pwede naman kayong sumama sa akin, kaya lang maliit ang bahay namin--" "Okay lang ho manong ang mahalaga po mayroon kaming matuluyan" pagputol ni Lucas sa dapat ay sasabihin ng matanda, na nagbaling naman sa akin ng tingin. "Eh ikaw ba hija, ayos laang baga sa iyo kahit maliit ang aming bahay?"nahihiyang tanong nito sa akin. Dahilan para lumipat rin ang tingin ni Lucas sa akin, parehas na silang naghihintay ng isasagot ko. Malamang hindi. "Okay lang" pagsisinungaling ko, pero mas mabuti na rin siguro na iyon ang sinagot ko dahil kung hindi baka sa kalsada kami matulog nito, ayoko namang pagkatapos naming matulog sa waiting area sa port kagabi eh sunod naman ay sa kalye. Dahil doon ay sumunod kami kay Manong sa paglalakad dahil ayon sa kanya ay kailangan daw naming magtricycle patungo sa kanilang bahay. Magkatabi ulit kami ni Lucas sa loob ng tricycle habang si Manong naman ay naroon sa likod ng driver. Mas tahimik ang tunog ng sinakyan namin ngayon kumpara doon sa kanina. Dahil doon ay akala ko ay magiging payapa ang biyahe namin hanggang sa maging lubak lubak na ang daan. Bigla tuloy ay para kaming nakasakay sa roller coaster. Ilang kanto pa ang nilukuan namin bago ko naramdaman ang pagbagal ng takbo ng tricycle hanggang sa tuluyan na itong huminto. Unang bumaba si Lucas at sumunod naman ako sa kanya. Muntikan pa akong matumba ng may bata na tumakbo sa harapan ko at bumangga sa akin. I was about to shout but the kid didn't bother to stop, and just continue to run. Kaya wala akong magawa kundi ang samaan na lang siya ng tingin though hindi naman na niya iyon nakikita. Nalipat lang ang tingin ko kay Lucas ng marinig ko ang bahagyang pagtawa nito. "What's funny?"I asked, getting irritated now. "Attitude ka na naman ah"reklamo nito sa akin dahilan para irapan ko siya. Pero hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nilagpasan ako at lumapit doon kay Manong. Sumunod na rin ako roon ng makaalis na iyong tricycle na sinakyan namin. "Isay!!"kapagkuwan ay sigaw ni Manong pagpasok namin sa isang gate na gawa sa mga kawayan. Bumungad sa amin ang isang maliit na bahay na may maliit na hardin sa harapan nito. "Lo...mano po"maya maya pa ay may lumabas na isang dalagang babae na siya yatang tinawag ni Manong. Matapos niyang magmano sa matanda ay kami naman ang binalingan niya ng tingin. Nakangiti niya akong tiningnan pero mas lalong tumamis at lumawak ang pagkakangiti niya ng tumingin siya kay Lucas. "Maghanda ka ng makakain may mga bisita tayo"utos ni Manong kay Isay na kaagad naman nitong sinunod at nagtungo na sa loob ng bahay. "Hali kayo pasok"aya sa amin ni Manong kaya sumunod kami sa kanya papasok ng bahay. Pagkapasok namin ay hindi ko inaasahan ang itsura ng loob ng bahay nila. Napakalinis kasi nito at lahat ng gamit ay nakaayos. Kahit maliit itong tingnan kanina sa labas ay hindi masikip ang loob nito bagkus ay napaka aliwalas pa nga doon. May sala set pero lahat ng iyon ay gawa sa kahoy at mayroon ding maliit na tv na nakapatong sa divider. "Mario, meron ka yatang mga bisita?"kapagkuwan ay rinig ko mula sa isang boses ng babae. At tama nga ako ng makita ko ito, nakaupo siya sa isang upuan na umuuga uga, nakangiti siya pero wala sa amin ang kanyang paningin. "Oo mahal sina--"napatigil si Manong Mario ng mapagtanto niyang hindi niya pa alam ang aming pangalan. "Lucas po"pagpapakilala ni Lucas. "Pero pwede niyo ho akong tawaging Pogi, wala naman pong problema roon"pagyayabang pa nito dahilan para matawa sa kanya ang dalawang matanda at pagkatapos ay ako naman ang hinintay nilang magpakilala. "I'm Leila"pagpapakilala ko. "Aka Ms. Excitement , palagi po kasi siyang excited"pagsabat ni Lucas sa usapan nakakahanga lang dahil kahit parang barkada niya lang na kinakausap ang dalawang matanda ay hindi pa rin nawawala ang paggamit niya ng po at opo. "Lucas ....... Leila, napakagaganda ng inyong pangalan, ako naman si Claret"pagpapakilala noong matandang babae inilahad niya ang kanyang palad para makipag kamay pero nasa kasalungat ng direksiyon namin iyon. "Ang ganda rin po ng pangalan ninyo, kasing ganda niyo ho"sambit ni Lucas ng abutin niya ang kamay ni Lola Claret , napangiti lang ito ng magkamay sila. . "Bulag na siya simula ng ipanganak"mahinang sabi ni Mang Mario sa akin habang pinapanood namin si Lucas at ang kanyang asawa na masayang nag uusap na animo ay matagal ng magkakilala. "Isn't it hard?"tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin at saka muling tumingin sa asawa. "I mean......she's blind and hindi niyo ba naisip na baka hindi maging normal ang relasyon--" "Hindi mo na maiisip iyon kapag nagmahal ka" nakangiting sagot sa akin Mang Mario at muli niyang tiningnan ang asawa. Natahimik na lang ako roon sa tabi niya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. I mean.. paanong hindi niya iyon naiisip? Imposible naman yata iyon. "Ahh Lolo nakahanda na ho ang pagkain, aalis na po ako at baka hinahanap na ako ni Nanay"sambit ni Isay pagkalabas niya galing roon sa kusina. Tumango lang sa kanya si Mang Mario at sinamahan siya nito palabas ng bahay. Maya maya ay bumalik na rin ito sa loob. "Si Isay, anak siya ng kapitbahay namin, siya ang nagbabantay sa aking asawa kapag nasa trabaho ako" pagkukwento ni Mang Mario habang patungo kami sa kusina para kumain. Nakaalalay siya sa asawa at maingat itong inalalayan hanggang sa pag upo. "Wala ho ba kayong anak?"tanong ng chismosong si Lucas. "Mayroon hijo"si Lola Claret ang sumagot sa kanya. "Kaya lang lahat sila ay nasa ibang bansa na at may kanya kanya ng pamilya, minsanan lang sila kung umuwi dito sa Pilipinas"dagdag pa nito. Kahit nakangiti siya habang nagkukwento ay mahahalata sa boses niya ang lungkot. "Pinapagbakasyon nila kami roon pero pareho naming ayaw, masaya na kami rito sa probinsya, at kung talagang gusto nila kaming makasama hindi ba't dapat eh sila ang umuwi rito?"sambit naman ni Mang Mario. May point naman siya doon but... "What if they have some important stuff to do there? I mean they have work there obviously and they can't just go back here easily na parang nasa kabilang kanto lang sila "pagsabat ko sa usapan dahilan para mapatingin sila sa akin maliban kay Lola Claret na nasa ibang direksyon ang paningin. 'Yung mga tingin ni Lucas sa akin ay parang may nagawa akong krimen. "Ahhh ehhh ang ibig ho niyang sabihin eh ahhh busy ho yung mga anak niyo pero kapag hindi na ho sila busy siguradong bibisitahin kayo ng mga yun dito"kapagkuwan ay sambit ni Lucas . Napakunot na lang ang noo ko dahil malayo naman ang paliwanag niya sa totoong sinabi ko. "Sana nga ay ganun. Naiintindihan naman namin na marami silang inagawa at may sarili na silang pamilya……... ako'y nalulungkot laang at parang hindi na kami kasama doon"sagot sa kanya ni Mang Mario. "Matanda na kami at anumang oras ay pwede na kaming mawala. Ang gusto ko sana ay kasama namin sila bago kami bawian ng buhay" "Wag po kayong mag alala sigurado kapag nakahanap sila ng oras ay bibistahin nila kayo dito"nakangiting sabi ni Lucas. "Hindi po kayo matitiis ng mga 'yun" "Sana nga"natatawang ani Mang Mario pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya, lungkot. "O Leila bakit hindi ka kumakain?"nagtatakang tanong pa sa akin nito ng mapansin na walang laman na pagkain ang pinggan ko. "Uhmm, I just don't--"napatigil ako sa pagsasalita ng samaan na naman ako ng tingin ni Lucas, nagbababala ang mga mata niya at parang sinasabing huwag ko ng ituloy ang sasabihin ko. "I don't eat less, hehe"pagbawi ko. Nagsimula na kaming kumain pero wala roon ang paningin ko kundi sa dalawang mag asawa na nasa harapan namin. Sinusubuan kasi ni Mang Mario si Lola Claret at kapag hindi nito nauubos ang nasa kutsara ay si Mang Mario ang umuubos nito. That's sweet. "Oyy inggit ka 'no?"nang aasar na bulong ni Lucas sa akin. "Gusto mo subuan din kita?"napalingon na ako ng tuluyan sa kanya dahil sa sinabi niya. Kumuha siya ng pagkain sa plato niya gamit ang kutsara at nakapanood lang ako habang ginagawa niya iyon. At ng akma na niyang isusubo sa akin iyon ay ibinuka ko na ang aking bibig at handa na ng bigla niyang iliko ang kutsara at isubo iyon sa kanyang bibig. What the heck?! "Paasa ka!"singhal ko sa kaniya dahilan para matawa siya sana lang natuluyan na rin siyang mabulunan bwisit siya. Binalik ko na lang muli ang aking atensyon sa aking plato at nagsimula ng ubusin ang pagkain roon. Naging tahimik kami habang nasa hapag kainan hanggang sa matapos kami. "Ahh kami na pong bahala dito pwede na po kayong magpahinga"sambit ni Lucas hindi na umangal pa ang mag asawa siguro ay dahil pareho silang pagod at gusto na ring magpahinga. "O sige, aayusin ko muna ang tutulugan ninyo, dadalawa laang ang kwarto namin dito, ayos laang baga na magkasama kayo sa iisang kwarto?"tanong ni Mang Mario na siyang nakapagpatigil sa akin sa ginagawa ko muntik pang mahulog ang pinggan na hawak ko. "No" "Oo naman po" Magkasabay naming sagot ni Lucas, nanlilisik ang mga mata kong binalingan siya ng tingin. At siya naman ay naghahamon ang tingin. "Ano baga talaga?"natatawa habang naguguluhang tanong ni Mang Mario sa aming dalawa. "Ayy bakit pa nga baga ako nagatanong ay dadalawa laang naman ang kwarto dito wala rin kayo kayong pamimilian kundi ang matulog ng magkasama"pagkatapos sabihin niyon ay inalalayan na ni Mang Mario ang kanyang asawa paakyat sa kanilang kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Lucas doon. "Oh tinitingin tingin mo dyan?"kaagad na tanong ni Lucas sa akin ng balingan ko siya ng masamang tingin. "Hindi ako papayag na magkatabi tayong matulog mamaya"maarteng sabi ko sa kanya. "Edi diyan ka sa labas matulog, madali naman akong kausap eh haha"pamimilosopo niya. "Duh! Bakit ako? E ba't hindi ikaw ang matulog diyan sa labas?"pakikipag away ko. "Hoy! Sinusumpong ka na naman niyang sakit mo ha, tsk tsk"singhal niya sa akin at talagang pinitik pa niya ako sa noo. Nakakainis! "Huh? Sakit? Anong sakit? Baka ikaw ang may sakit sa'ting dalawa, kaya ayaw kitang makatabi matulog" pakikipag away ko sa kanya kung pwede ko lang sana ibato sa kanya 'yung mga pinggan sa gilid ko nagawa ko na kaso baka palayasin kami dito. "O bakit hindi mo maibato yang pinggan sa akin? Sige ibato mo na nahiya ka pa eh"sarkastikong aniya, mukhang nababasa niya talaga ang naiisip ko. Mind reader ba siya? Sa halip na patulan pa si Lucas ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit sa pinagkainan namin at dahil hindi naman ako sanay sa ganoong gawain ay sobrang tagal kong matapos. Ilang beses pang muntikang malaglag ang mga pinggan. Nakahinga ako ng maluwag ng mailipat ko lahat ng pinggan at baso sa lababo ng walang nababasag. "Sige na nga, hindi ako tatabi sayo pagtulog"bigla ay sambit ni Lucas dahilan para magliwanag ang mukha ko at tumingin sa kanya. Maayos naman pala siyang kausap kapag minsan eh. "Sa isang kondisyon" dagdag na aniya na parang may tumatakbong kalokohan sa kanyang isip. "Anong kondisyon?"tanong ko, I'll do everything para lang hindi kami magkatabi matulog mamaya. "Ikaw ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan natin"he negotiated. Laglag ang balikat ko ng dahil doon, hindi kasi ako marunong maghugas ng pinggan at tsaka baka mabasag ko lang ang mga iyon pero ayoko talaga siyang makatabi matulog. Arghh! "Fine, I'll wash the dishes"mayabang na sambit ko at saka siya tinalikuran para humarap sa lababo at mag umpisa ng maghugas. Si Lucas ay nagtungo na doon sa sala. "Oh my gosh"bigla ay sambit ko ng muntik ko ng mabitawan ang pinggan habang sinasabunan ito. Abot abot ang aking kaba habang naghuhugas dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay siguradong pati mga kapitbahay ay maririnig ang ingay kung sakaling makabasag ako ng pinggan. Kaya ganun na lang ang pagluwag ng aking paghinga ng malapit na akong makatapos. Isang pinggan na lang ang hinuhugasan ko at ng akma ko itong ilalagay doon sa lagayan ay dumulas ito sa aking kamay. PLAK!! Kaagad akong napaatras at napatakip ang kamay sa aking bibig habang nakatingin doon sa basag basag na pinggan sa sahig. Napapikit na lang ako sa sobrang kaba at dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko. "Jusmiyo maawain!"napamulat ako ng marinig ang boses ni Mang Mario, naroon na silang dalawa ni Lucas sa harapan ko ngayon at parehong naroon ang paningin nila sa basag na pinggan sa sahig. Kaya naman kaagad akong lumuhod para damputin ang mga iyon. "Ouch!"daing ko ng maramdaman ang paghapdi ng isa kong daliri at ganun na lang ang takot ko ng may lumabas dito na dugo. "Hayysst, sinabi ng 'wag padalos dalos eh"rinig kong sambit ni Lucas at naramdaman ko na lang na nakalapit na siya sa akin at hawak na ang daliri ko at matiim na tinitingnan ang sugat roon. "Pwede ba sa susunod mag-ingat ka..... pinapakaba mo 'ko eh"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD