dirleyla06
"Leila gising na!"naalimpungatan ako sa pagtulog ng may biglang sumigaw sa loob ng kwarto. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Lucas.
Sa halip na bumangon ay nag saklob ulit ako ng kumot para ituloy ang naudlot kong pagtulog. Pero ilang segundo lang ang nakalipas ng pilit na alisin iyon ni Lucas.
"Inaantok pa ako!"ungot ko.
"Gising na! Alas diyes na! "ayaw paawat na sigaw ni Lucas. Hinawi niya naman ang kurtina sa mga bintana dahilan para pumasok ang nakakasilaw na sikat ng araw sa loob ng kwarto. Napilitan tiloy akong bumangon na pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto ay binato ko muna si lucas ng unan sa likod niya. Nakakainis kasi!
Nadatnan ko si Lola Claret doon sa sala na nakikinig sa radyo. Pero kahit na medyo maingay iyon ay nararamdaman pa rin yata niya ang presensya ko dahil binati niya ako.
"Magandang umaga hija!"nakangiti si Lola Claret ng sabihin niya iyon kahit na ang mga mata niya ay salungat sa direksyon ko.
"Good morning"bati ko rin sa kanya. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina para maghilamos. Pero pagdating ko roon ay walang tulo ang gripo at wala na ring stock na tubig.
"Tamang tama ang gising mo Ms. Excitement , may katulong na ako mag-igib"napalingon ako sa aking likod ng biglang magsalita roon si Lucas. Nakangisi niyang ipinakita sa akin ang dalawang timba.
"I washed the dishes last night–" pangangatwiran ko. Aba hindi naman ako katulong dito para utus utusan niya lang. "And besides may sugat ang kamay ko remember?"dagdag ko pa. Lumapit sa akin si Lucas kinuha niya ang kanang kamay ko at isinabit 'yung isang timba sa braso ko.
"'Yung kaliwa naman ang may sugat…… And besides malayo naman sa bituka yan…… wala pang lalabas na pari dyan"sambit niya at sinadya pang gayahin ang tono ng boses ko. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at naglakad na palabas ng bahay.
Tiningnan ko ang timba na nasa braso ko saka huminga ng malalim.
"Leila tara na!"rinig kong sigaw ni Lucas mula sa labas. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas habang bitbit iyong kulay asul na timba. Nadaanan ko ulit si Lola Claret na nagtatahi na ngayon.
Hindi pa man kami nagtatagal dito sa kanila pero sobrang napahanga na ako ni Lola Claret sa mga kaya niyang gawin. Imagine hindi siya nakakakita pero nagaggawa niya pa ring magtahi. She's a living proof na hindi talaga hadlang ang mga kapansanan sa mga bagay na gusto nating gawin.
Gusto ko pa sanang panoorin si Lola Claret sa ginagawa niya but Lucas kept on shouting my name outside. Para siyang nawawala.
"Bilis! Ang bagal naman!"puna sa akin ni Lucas ng naabutan ko siya sa may gate ng bahay nina Lola Claret. Nakasandal siya roon sa kahoy habang hinihintay ako. Ang sarap ibato sa kanya nung dala kong timba.
Sabay kaming dalawa na naglakad palabas. Ilang beses na akong muntik na madapa dahil medyo malaki ang suot kong tsinelas na pinahiram sa akin ni Lola Claret tapos hindi pa sementado ang daan. Kailangan pa naming iwasan iyong maputik at pusali. Para kaming kasali sa amazing race nito.
"Ano kaya pa?"nakangising tanong sa akin ni Lucas. Malayo na ang agwat naming dalawa dahil ang bilis niyang maglakad. Mukhang sanay na sanay na siyang dumaan sa ganito.
"Oh shocks–!"pagtili ko ng mapayapak ako sa madulas na parte ng daan. Akala ko ay tuluyan na akong babagsak sa lupa ng biglang may sumalo sa akin.
And suddenly my heart beats faster than usual.
It's cringey but hell yeah it feels like everything went in slow motion.
What's happening?
"Accident prone ka no?"bumalik lahat sa normal ng magsalita si Lucas. Inalalayan niya ako hanggang sa makaayos ako ng tayo. "Siguro pinaglihi ka sa aksidente– aray!"daing niya ng hampasin ko siya noong timba na dala ko. Kanina ko pa gustong gawin 'yun sa kanya.
"You're so annoying!"singhal ko kay Lucas pero nginisihan niya lang ako.
"Oh really?"sabi pa nito na ginagaya pa ang tono ng boses ko kaya inirapn ko siya.
Akala ko ay kukulitin niya pa ako pero tumigil na siya sa halip ay hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at inalalayan na ako sa paglalakad.
Kung kanina ay sobrang bilis niya maglakad ngayon naman ay binabagalan niya na para hindi niya ako maiwan. Hindi sobrang malayo ang nilakad namin dahil limang minuto lang ay nakarating na kami sa isang tangke ng tubig.
May limang tao na nakapila roon at katulad namin ay may dala rin silang mga timba at ang ilan naman ay bote ang bitbit. Sumunod kmai ni Lucas doon sa batang lalaki na nasa huli ng pila.
"Ikaw na mauna "sabi ni Lucas sa akin kaya ako ang pumwesto doon sa tabi ng bata. 'Yung bata na hindi ko alam kung bakit nakatingin sa akin ngayon.
Iyong mukha niya ay parang 'yung fan na for the first time ay nakita niya finally 'yung paborito niyang artista. Medyo na awkward tuloy ako.
"Parang nakikita ko 'yung childhood ko ah"rinig kong bulong ni Lucas sa tabi ko . I looked at him but he's now looking at the boy.
"Bakit sipunin ka rin ba dati?"tanong ko kay Lucas. Now he looks at me with annoyance in his face.
"Ha Ha Ha Ha"sarkstikong sambit niya. "Siguro dancer ka dati kaya ang galing mong magpatawa"
"Youre so annoying talaga!"singhal ko sa kanya. Mabilis na umusad ang pila. Hindi na rin tumitingin sa akin 'yung bata dahil turn na niyang umigib.
I have doubt kung kaya niyang buhatin iyon dahil dalawang timba ang dala niya. But people here in Pola always amaze me dahil parang bulak lang ang laman nung timba ng buhatin iyong nung bata. At nagagawa niya pang ngumiti at bumilis ng lakad.
Samantalang ako ay pinoproblema na ngayon kung kakayanin ko bang buhatin iyong iniigib ko. I had to wait for Lucas at ng mapuno na rin ang timba na dlaa niya ay sabay ulit kaming naglakad pauwi sa bahay nina Lola Claret. This time we walk slower and soemtimes napapatigil pa para ibaba iyong timba.
Marami rin kaming nakasalubong na mga tao na mag-iigib pa lang. Unlike sa amin ay mukhang hindi na mahirap sa kanila ang ganoong gawain.
Malapit na kami sa bahay nina Lola Claret ng pareho kaming mapahinto ni Lucas sa paglalakad dahil nakita namin 'yung batang lalaki kanina na pinpagalitan ng isang matandang lalaki.
"Nasaan ang tubig?!"sigaw nung matanda at nakita ko ang pagyuko nung batang lalaki. Bitbit pa rin niya 'yung dalawang timba pero wala na itong laman ngayon.
"Kawawa naman si Bilog inapagalitan na naman ni tsong Baldo…."bulong noong isang bata na malapit sa amin.
"Panoy tinulak ni Ugnoy kanina si Bilog kaya nadulas"sabi naman ng isa pa nitong kasama na bata.
Muli kong binalik ang aking paningin doon sa bata na Bilog pala ang pangalan. Hanggang ngayon ay pinapagalitan pa rin siya ng kanyang tatay. Nakita ko rin na maputik iyong likod ni Bilog siguro ay dahil sa pagkakadulas niya.
"Wala ka talagang kwenta! Putangina mo pag-iigib lamang ay hindi mo pa magawa ng tama!"sigaw nung lalaki kay Bilog. At kahit nakatalikod sa amin si Bilog ay alam kong umiiyak na siya dahil sa paggalaw ng balikat niya.
"'P-patawad p-po Itay"humhikbing saad ni Bilog pero hindi iyon tinanggap ng tatay niya bagkus ay binatukan pa siya nito. Uulitin pa sana nito ang pagbatok sa bata ng pumagitna na sa kanila si Lucas.
"Tama na ho nasasaktan na ho 'yung bata"sabi ni Lucas.
"Aba! Ako ang tatay nyan kaya gagawin ko kung anong gusto ko wala kang pakealam!"sigaw nung tatay ni Bilog kay Lucas. "Nasaan na ang tubig na inapa igib ko sa iyo!"baling ulit nito sa anak. Pero walang maibigay na tubig sa kanga si Bilog dahil nataktak lahat ng inigib niya kanina.
"Ahh heto ho….."nagulat ako ng iabot ni Lucas iyong dala niyang timba na may tubig doon sa tatay ni Bilog.
"Ako ga'y iyong inaloko? Dalawang timba ang inapa igib ko sa batang 'yan"sigaw ulit nung lalaki. Ang sarap niyang buhusan ng tubig.
Pero kabaligtaran ang nagawa ko dahil sa halip na bubisannsiya ng tubig dahil sa inis ay lumapit din ako sa kanila at inabot ang timba ng tubig na dala ko.
"Here"sabi ko sabay abot mung timba. At ganun na lang yata talaga kakapal ang mukha ng matandang iyon dahil pagkatapos kunin ang dalawang timba ng tubig sa amin ay tinalikuran na niya kami at nag-iwan pa ng utos kay Bilog.
"Maaga kang magluto ng hapunan dito makain sina Pareng Kanor mamaya!"utos nito sa anak niya.
"Itay w-wala na ho t-tayong b-bigas"sagot ni Bilog sa tatay niya.
"Aba ay problema ko pa baga iyon? Maghanap ka ng pang bili ng ikaw naman ay may pakinabang!"singhal sa kanya nito at pagkatapos ay iniwan na kami roon at pumasok na sa kanilang bahay.
"Ahhh p-pasensya na ho apalitan ko na lamang ho 'yung inyong tubig. Sandali lamang ho at ako'y ma-igib muna"sabi ni Bilog sa amin at akamnag tatakbo na siya pabalik doon sa tangke ng tubig para mag-ibig ng pigilan siya ni Lucas.
"Hindi na 'toy ayos lang, iigib na lang kami ulit"sabi ni Lucas. Gusto ko sanang sumalungat sa sinabi niya kaso bigla akong nakaramdam ng awa kay Bilog ng tingnan ko ito. Sobrang payat niya at siguradong mahihirapan siya kung mag-iigib ulit siya.
Kaya naman hiniram muna namin 'yung timba na gamit niya saka kami bumalik ni Lucas sa tangke ng tubig para umigib ulit. Ilang oras din ang itinagal namin doon bago kami matapos at makauwi sa bahay nina Lola Claret para maligo.
"Kamusta? Nagkasya baga sa iyo Ineng?"bungad na tanong sa akin ni Lola Claret ng naramdaman nito ang paglabas ko sa kwarto. Kakatapos ko lang maligo at suot ko ngayon ang damit na tinahi niya para sa akin.
"Yes po….. Saktong sakto po ang sukat"sagot ko kay Lola Clarer at muling tiningnan ang suot ko. It was a dress– but Lola Claret told me na daster daw ang tawag nila doon. Kulay pink siya at floral ang design. It was far from my usual fashion style that's why I somehow felt uncomfortable. Pero habang tumatagal na suot ko iyon ay nakasanayan ko na rin. "Si Lucas nga po pala asan?"tanong ko. At si Mang Mario na kakapasok lang ng bahay ang sumagot sa akin.
"Na kayna Baldo sinauli 'yung mga timba na hiniram ninyo"aniya.
"Dinalhan na rin ng bigas at ulam sina Bilog"dagdag pa nito.
"Nakakabilib naman ang batang iyon. Napakabait at matulungin pa" komento ni Lola Claret. Lumapit sa kanya sinMang Mario at tumabi sa kinauupuan niya. "Masarap mahalin ang mga ganong lalaki"dagdag pa ni Lola Claret na ang boses ay parang nagpaparinig.
"Ngani mahal kaya napakaswerte ng babaeng mapapangasawa ni Poge"pagsang ayon naman ni Mang Mario at ewan ko ba kung bakit biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko ng tumingin sa akin si Mang Mario ng sabihin niya iyon. "Ano nga Ineng?"
Hindi ko alam kung assuming lang ba talaga ako o hindi dahil parang pakiramdam ko ay ako ang pinaparinggan nina Mang Mario.
Hanggang gabi ay iyon ang tumatakbo sa isip ko–si Lucas.
Nakakainis siya…….. sobra! Pero mabait naman pala siya.
At bago pa man matapos ang gabi ay parang biglang bumaliktad ng 360 degrees ang nararamdaman ko kay Lucas. Mula sa inis dahil sa kakulitan niya ay naging paghanga iyon dahil sa kabutihan ng puso niya na nasaksihan ko mismo.
Shit crush ko na ba siya?