CHAPTER 7

2154 Words
dirleyla07 "GOOD MORNING WORLD,GOOD MORNING UNIVERSE STARS AND MOON AND GOOD MORNING SUNSHINE!" Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng biglang may marinig na sumisigaw malapit sa akin. At ng tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang nakatalikod na si Lucas na nasa tapat ng bintana ng kwarto at parehong nakaangat ang dalawang bisig na animo ay ninanamnam ang sariwang hangin na pumapasok roon. "Aray!"daing nito ng tumama sa likod niya ang unan na ibinato ko. Bwiset kasi panira ng tulog. "Problema mo?"nakakunot ang mga noo niya akong binalingan ng tingin. "Panira ka kasi ng tulog!"asik ko sa kanya at saka siya inirapan. "Wow, wow ako pa 'tong panira ng tulog huh!"'di makapaniwalang aniya. "Kahit ako naman talaga ang 'di mo pinatulog kagabi"at sinisi pa nga ako. "Duh! Bakit nasa 'kin ba mata mo para 'di ka makatulog?"pamimilosopo ko at saka bumangon paalis doon sa higaan. Medyo napadaing pa ako dahil naramdaman ko ang pagsakit ng likod ko. Banig lang kasi ang hinigaan ko! "Masakit?"parang tangang tanong ni Lucas sa akin, malamang masakit iyon, dadaing ba ako kung hindi? Binato ko ulit siya ng unan dahil sa inis ng pagtawanan niya ako. Ang aga aga gusot na kaagad ang mukha ko dahil sa lalaking ito. "Mukha kang zombie, haha 'yung humihilik na zombie"pang aasar pa nito. "Excuse me 'di ako humihilik, like duh! Never akong humilik sa tanang buhay ko!"pagdepensa ko sa aking sarili though hindi ako talaga sure kung totoo ba 'yung sinabi ko. Malamang hindi ko naman malalaman kung humihilik ba ako o hindi dahil tulog ako. "Oyy 'di ka sure, akala ko nga may palanding na eroplano dito sa bahay nina Mang Mario eh hilik mo lang pala buwahahahhahaha" Hindi na ako nakapagpigil at dinalawang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa at saka pinulot iyong unan na nasa sahig at pinaghahampas siya nito habang siya naman ay patuloy lang sa pagsalag dito. "Hoy, Leila luh masakit kaya"angal niya ng hindi ako tumigil sa paghampas sa kanya. Umilag siya kaya nagkapalit kmai ng pwesto. Patuloy lang siya sa pag atras hanggang sa tumama ang likod ng tuhod niya roon sa higaan dahilan para mawalan siya ng balanse at mapahiga roon....ang tanga kumapit sa akin kaya pati ako ay nadala sa pagkahiga niya. And I just found myself on top of him, magdikit ang katawan naming pareho ganun din ang aming mga mukha. Ng bigla kong maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko ay napahigpit ang pagkakakapit ko doon sa unan na nasa gilid naming dalawa. Lalo pang bumilis iyon na parang naguunahan sa pagtibok ng tumitig siya sa akin habang ang mga mata ay punong puno ng emosyon at tila sinasaulo ang bawat parte ng aking mukha. Hanggang sa ang paningin niya ay unti unting nagbaba sa aking labi na tila naging magnet naman dahil kusa itong lumalapit sa kanya. "Kuya Lucas-- ay jusmiyo maawain!" pareho kaming nagulat ni Chollo ng biglang may humawi ng kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto at bumungad ang gulat na gulat na mukha ni Isay. Napako ang paningin niya sa posisyon namin ngayon ni Lucas kaya naman kaagad akong umalis mula sa pagkakapatong dito, at nahihiyang tumingin kay Isay na hanggang ngayon ay tulala pa rin. "Ano 'yun Isay?"si Lucas ang pumutol sa katahimikan na bumalot sa amin ng bumangon siya roon sa higaan at bahagyang inaayos pa ang suot na damit. "P-pinapasunod na lang tayo n-nina Lolo doon sa sakahan nauna na sila doon"ani Isay at mukhang hindi pa rin nakakabawi mula sa nakita niya kanina. Hbang ako naman ay parang gusto na lang magpalamon sa lupa. Lalo pa ng maglakad si Lucas palabas ng kwarto at tumigil sandali ng mapatapat siya kay Isay na tulala pa rin hanggang ngayon. "'Wag mo nang pakaisipin 'yun, nagbabahay bahayan lang kami"malokong anito at kinindatan pa ako bago tuluyang lumabas ng silid. Mabuti na lang at hindi na nagsalita pa si Isay at lumabas na rin ng kwarto kaya sumunod na ako sa kanila. Dumeretso ako sa kusina para mag agahan at naabutan ko roon iyong dalawa. Busy si Isay sa paghahanda ng pagkain habang si Lucas naman ay nakaupo na roon sa may lamesa at handa ng kumain. Kaya lumapit na rin ako sa lamesa at umupo sa tapat ni Lucas. Unang inihain ni Isay ang kanin at ulam, pagkatapos ay naglagay siya ng dalawang pinggan at kutsara at saka umupo sa tabi ni Lucas. Napatingin siya sa akin na parang ngayon niya lang nalaman na narito ako. "Makain ka rin?"tanong nito sa akin at napaawang na lang ang labi ko. E nag ano pa ako dito kung hindi ako kakain? Mabuti na lang at hindi ko iyon nasabi pa dahil ayokong makipag away ngayon, maaga pa. "Pang sa amin lang ni Lucas ang naluto ko"dagdag pa niya. "Ah hati na lang kami ni Leila--" "No, hindi na ………. hindi naman ako gutom"sambit ko at hindi na hinayaang patapusin si Lucas sa sinasabi nito. Mabilis akong umalis roon sa kusina at nagtungo sa kwarto para mag ayos na lang. Ayon kay Isay, pupunta raw kami sa bukid nina Mang Mario ngayon, naroon na daw ang mag-asawa at nauna na sa amin. Hindi pa ganoong kasikat ang araw pero pinagpapawisan na ako dahil sa suot ko. Kamiso di tsino na kulay dilaw ang pang itaas habang naka parang pajama na kulay brown naman ang pang ibaba. Makati daw kasi sa balat ang damo at medyo malamok rin sa pupuntahan namin kaya kailangan ay balot na balot ang aming katawan. Pagkatapos kumain nina Lucas ay naglakad na kami papunta sa bukid nina Mang Mario. Hindi naman malayo ang nilakad namin kaya lang medyo mahirap dahil sa mga damo at bato na nasa daanan. Nasa likod ako ni Lucas at nasa unahan naman nito si Isay dahil ito ang nakakaalam ng daan. "Ahh Lucas, ito ba ang unang beses na pupunta kayo ng bukid?"tanong ni Isay habang naglalakad kami. "Hindi naman, pero matagal na rin simula nung huli akong makapunta sa ganitong lugar"sagot ni Lucas dito. "Hindi na bago sakin ang ganito, haha alam mo 'yung paggagapas? Naranasan ko na 'yun"dagdag pa nito at kung ano ano pang tungkol sa pagsasaka ang pinagkwentuhan nila habang naglalakad kami. Nakakabugnot lang dahil parang naoOP ako sa kanilang dalawa. Parang gusto ko ng magtake ng Agriculture dahil ang dami dami nilang pinag uusapan na tungkol doon pero kahit isa man lang sa topic nila ay hindi ako makarelate. Para ngang hindi nila ako kasama eh. Nakakainis! Mabuti na lang at nakarating na kami, tumigil kami sa ilalim ng isang puno ng mangga kung saan may nakalatag na tela na may nakapatong na basket. Sa gilid naman nito ay si Lola Claret na nakaupo sa damuhan. Pagkarating namin roon ay kaagad akong tumabi sa kanya at doon humalukipkip. Napakaganda ng tanawin mula roon dahil puro kulay green ang nakikita ko at sabayan pa ng sariwang hangin pero hindi ko magawang mag enjoy dahil naiirita ako. Lalo na ng parehong lumapit si Lucas at Isay doon kay Mang Mario at tinulungan ito sa pagtatanim ng kamote. Required ba na magtawanan kapag nagtatanim? Hindi naman diba? Eh bakit sila nagtatawanan? Sobrang saya siguro nila sa isa't isa kaya ganun. Arghhh! Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Ang gulo! Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ba ako naiirita. Basta naiinis ako kapag nakikita ko sila na nagtatawanan o kahit nag-uusap lang. "Leila, O ineng uminom ka muna ng sabaw ng buko"napatingin ako kay Lola Claret ng magsalita ito at iniabot sa akin ang isang baso na may laman ng sabaw ng buko. Inabot ko naman iyon kaagad at saka ininom, baka nga iyon lang ang kailangan ko para maaalis ang pagkairita ko. "Mabuti iyan, lalo na sa pusong nagseselos" Halos maibuga ko ang sabaw ng buko na nasa bibig ko dahil sa sinabing iyon ni Lola Claret. What the heck?! Tiningnan ko ang matanda pero nasa harap lang ang paningin nito habang nangingiti. "A-anong s-sinabi niyo"naguguluhang tanong ko dito. Pinariringgan ba ako neto? "Hija, bulag lang ako pero mayroon akong pakiramdam, at nararamdaman kita" nakangiti nitong saad at kakaibang pakiramdam ang dulot sa akin ng hawakan nito ang aking kamay at bahagya iyong hinihimas. "Delikado kung hindi mo iyan ilalabas, kaya kung ako sa'yo huwag mo ng itago"saad ni Lola Claret. Hindi ko alam kung tama ba ang interpretasyon ko sa sinabi niya, dahil sa pagkakaintindi ko sinasabi niya na nagseselos ako at hindi ko dapat iyon itago. Teka nagseselos ba ako? Bakit? Lalo lang gumulo ang isip ko ng dahil sa sinabi ni Lola Claret kaya naman mas lalo akong naging tahimik ng kumain kami ng tanghalian. Doon kami kumain sa nakalatag na tela at ang laman pala ng basket na naroon ay ang kakainin namin ngayon. "Oh"napatingin ako kay Lucas ng iabot niya sa akin 'yung isang pinggan na mayroon ng kanin at ulam pero hindi ko iyon pinansin at kinuha sa kanya, sa halip ay pasiring kong inalis sa kanya ang paningin ko pagkatapos ay kumuha ako ng sariling pagkain. Kaunti lang ang kinuha kong kanin dahil gulay ang ulam, na buong akala ko ay masama ang lasa pero hindi naman pala. Pero kahit na masarap pa iyon ay wala pa rin akong gana lalo na at nasa harapan ko si Lucas at Isay na magkatabi at nagtatawanan pa rin. Napairap na lang ako sa kawalan. Masyado silang masaya. "Leila, parang gusto mo ulit ng sabaw ng buko"kapagkuway sambit ni Lola Claret, hindi ko alam kung nang aasar lang ba siya o ano. Pero kinuha ko parin ang baso at ininom hanggang sa maubos ko ang laman niyon. Habang masama pa rin ang pagkakatingin kay Lucas at Isay. Kung buhusan ko kaya sila ng sabaw ng buko? "Mang Mario!" Naagaaw ang atensyon ko ng may biglang sumigaw na lalaki sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tumatakbo siya papalapit sa pwesto namin at malayo pa man ay kitang kita na ang pagkakangisi niya. "Haha sabi ko na nga ba tama na dito ako pumunta dahil may pagkain" anito pagkalapit sa amin at saka walang paapaalam na umupo roon sa tabi ni Mang Mario at kumuha ng pagkain. "Ahhh,Lucas ,Leila , si Bino nga pala, pinsan ni Isay"pagpapakilala ni Mang Mario doon sa lalaki. Mukhang malapit sa kanila pareho si Isay at Bino at parang anak na ang turing nilang mag asaw sa dalawa. Kaya siguro walang hiya hiya na kumuha ng pagkain iyong si Bino. Matapos magpakilanlan ay nagpatuloy kami sa pagkain pero di tulad kanina ay naging maingay ngayon dahil kay Bino. Napakadladal pala ng lalaking ito! "Ako kasi naghihintay ako ng perfect timing, kaya kahit maraming nakapila na chix, dedma muna ako" pagkukwento nito sa amin ng mapag usapan ang tungkol sa pag-ibig. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung sinabi niya i nagyayabang lang siya. He has the looks tho! "Anong maraming chix? Kahit nga isa walang nakapila eh, anong tinutukoy mo multo?"pagsabat naman ni Isay sa usapan. "Hoy, multo mo mukha mo, palibahasa kasi sa'yo walang nagtatangka na manligaw, kaya hindi na ako magugulat kung tumanda kang dalaga"pang aasar naman ni Bino sa kanya dahilan para magbaba ito ng tingin at napasimangot na lamang, halatang tinamaan sa sinabi ng pinsan niya. "Ikaw talaga Bino,tigil tigilan mo ang pang aasar diyan sa pinsan mo at tsaka bata pa iyang si Isay"pagsuway ni Mang Mario doon kay Bino nakita ko pa kung paano ito sinabihan ni Isay ng 'buti nga'. "At tsaka siguradong maraming pipila diyan kay Isay na manliligaw kapag nagkataon"dagdag pa ni Lola Claret. Doon lang natahimik si Bino dahil mukhang pinagkakaisahan na siya. "Tama kayo diyan Lola Claret, ang ganda ganda kaya ni Isay, tapos masipag pa"ani Lucas dahilan para ako naman ang magusot ang pagmumukha at makaramdam ng kirot sa dibdib ko. So, nagagandahan pala siya kay Isay huh! At masisipag na babae pala ang mga type niya. Parang gusto ko na tuloy bunutin lahat ng kamote dito sa bukid tas itanim ulit! "Sus! Mas maniniwala pa ako kung si Leila!"sambit naman ni Bino dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Siguro maraming nanliligaw sa'yo 'no?"tanong niro sa akin, bahagya pa akong nakaramdam ng pagkailang ng magsitinginan silang lahat sa akin maliban kay Lola Claret, naghihintay ng isasagot ko. "Wala"pagsisinungaling ko. "But I have an ex"Of course marami akong manliligaw before at ewan ko ba kung bakit si Jaron na siraulo kong ex pa ang sinagot ko. Nakakairita! Kailan ba ako seswertehin sa lovelife?! "Naku! Ambobo naman nung ex mo, sino ba 'yun ha?"mayabang na saad ni Bino, medyo nawiwirduhan ako sa kanya dahil bukod sa sobrang daldal ng bibig niya may kasama pang aksiyon ng katawan kapag nagsasalita siya. "'Wag kang mag-alala andyan naman si Lucas eh"dagdag pa nito dahilan para muntik na akong mabulunan sa kinakain ko, napatingin tuloy ulit silang lahat sa akin at napunta lang iyon kay Lucas ng magsalita ito. "Sorry, ayoko sa bugnutin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD