PROLOGUE

385 Words
 Naniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba na mayroong taong nakatadhana para sa bawat isa sa atin.  What if one day you’ll accidentally meet him?                   And something unexpected happened…     …   “Jill, inumin mo ‘to. Masarap ‘to promise!” pamimilit pa rin sa kanya ng kanyang kaklase na kanina pa niya tinatanggihan pero ayaw sumuko. Ito rin ang nagdala sa kanya sa bar kung nasaan sila ngayon.                   “A-ayoko,” pagtanggi niya at pilit na lumayo sa basong pilit nitong ibinibigay sa kanya.                   “Sige na! Masarap ‘to at hindi ka magsisisi kapag ininom mo ‘to.                   Napapikit siya ng mariin. Inabot na lang niya ang baso upang matigil na ito sa kapipilit sa kanya. She drank the alcohol in one gulp ignoring how badly it taste.                   “Yown oh! Hahaha,” naghiyawan ang iba pa niyang kaklase nang makitang naubos niya ang isahang lagok ang alak.                   Ilang sandal pa ay parang nakaramdam siya ng init kaya mabilis siyang tumayo at nagpaalam na magbabanyo muna. Alam niya na lasing na siya dahil mahina ang kanyang alcohol tolerance. Worst, mukhang mayroon din yatang hinalo ang mga kaklase niya sa basong ipinainom ng mga ito sa kanya.                   “Okay, but make sure na babalik ka pa rito ah! Baka takas an mo kami.”                   Wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito. Basta tango lang siya nang tango at naglakad patungo sa comfort room ng bar. Pasuray-suray siyang naglakad at dahil talagang umepekto na ang alak kaya hilong-hilo na siya, hindi niya napansin na mayroon pa lang tao sa kanyang daraanan at ito’y kanyang nabangga.                   “S-sorry.” Akmang maglakad na siya palayo nang higitin ng lalaki ang kanyang braso at siya’y sinunggaban ng halik.                   Lasang alak ang labi nito na parang mas nagpalasing pa sa kanya. Nung una ay gulat na gulat pa siya pero dahil sa spiritu ng alak na sumapi sa kanya ay hindi niya napansin na tinutugunan na pala niya ito. Tila ba’y naging isa siyang bulkan at ilang segundo na lang ay sasabog na siya. Naging mapusok at mas lumalim ang kanilang halikan. Habol niya ang kanyang hininga nang naghiwalay ang kanilang mga labi.                   Nag-angat siya ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata. Biglang bumilis ang takbo ng kanyang puso pagkakita sa mata ng lalaking kani-kanina lang ay kanyang naging kahalikan.                   “Let’s find a place.”     …   At your first meeting he already set your heart on fire.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD