CHAPTER 1

1422 Words
JILL'S P.O.V     “Here's your choco lattè miss.”     Bumalik ako sa counter pagkatapos kong magserve sa cutomer. Out ko na rin kasi at may naghihintay pa sa akin sa bahay.     “Alis na ako Mich. My son is waiting for me to come home at wala pa namang nagbabantay sa kanya,” paalam ko sa katrabaho ko na abala rin sa pagserve sa mga customer.     “Okay. Bye. Ingat,” sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.     Kapag ganitong mga oras ay dumadagsa na ang mga tao rito sa cafe upang magpahinga, particularly company workers. Pero sa ganitong oras din ay tapos na ang shift ko at umuuwi na ako sa bahay. Mabuti na lang at maintindihin ang amo namin.     Pagkatapos kong magbihis ay umalis na agad ako at nagpara ng jeep. Kailangan kong magmadali dahil nag-alala ako sa anak kong naiwan sa bahay.     I'm still a college student and I'm taking Business Ad. I have a son and he is my source of energy. After my parents died I almost wanted to end my life. What's the purpose of living if you're alone. But I decided to go on with my life because of my son. I work as a waitress in a small café for a living. Wala akong katulong sa pagpapalaki ng anak ko kaya kailangan kong kumayod para may makakain kami araw-araw. It's difficult but challenging.     Bumaba na ako sa sinasakyan kong jeep. Pumasok ako sa may eskinita na hindi naman masyadong madilim kasi may ilaw naman na nakasabit sa poste. Natanaw ko na ang maliit na bahay namin na nakabukas na rin ang ilaw. Pagpasok ko bumungad agad saakin si CJ.     “Mommy you're home!” Napangiti ako nung tumakbo siya papalapit sa akin at yumakap sa tuhod ko.     “Hi baby boy. How's your day?” Lumuhod ako para magkapantay kami and give him a peck on his cheek.     “It's fine mom at katulad po ng sabi mo nagbehave po 'ko sa school.”     Napangiti ako dahil sa sinabi niya at ginulo ang kanyang buhok. Tumayo ako at pinakita sa kanya ang supot na may tatak ng cafe na pinagtatrabahuan ko.     “Very good. Come on lets eat and I got a chocolate cake here, your favorite.”     “Ok po! I'll just wash my hands.” He ran towards the kitchen and almost stumbled.     “Be careful!” nag-aalalang sigaw ko pero tumawa lang siya at tuluyang pumasok sa maliit naming kusina.     CJ is a smart boy at maswerte ako sa kanya dahil naiintindihan niya kung bakit hindi ako palaging nasa tabi niya. Naiintindihan niya na kailangan kong maghanapbuhay para sa aming dalawa. Hindi siya naglelekramo kahit na may mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya. Nakakapagod ang maging isang ina tapos nag-aaral ka pa at nagtatrabaho. Kailangan ko pang alagaan ang anak ko at alalahanin ang pag-aaral ko. But everytime na uuwi ako, lahat ng pagod nawawala kapag makita ko lang siyang ngumingiti.     He's just five years old but he thinks mature than his age.     Maaga akong nabuntis at eighteen pa lang ako noon. I was still in college pero napahinto ako sa pag-aaral dahil dinadala ko siya. Isang one night stand ang nangyari. It's ridiculous because Im disgusted of premarital s*x and teenage pregnancy before. Pero simula noong pinagbuntis ko si CJ ay naranasan ko kung gaano kahirap maging isang ina sa batang edad. Well, partly I dont regret on having a one night stand with that man because I got a reason to live. Nagkaroon ako ng panibagong rason na mabuhay matapos mawala sa akin ang aking mga magulang. Dahil sa gabing iyon na nagbunga ay mas lalong humirap ang buhay ko pero kasabay noon ay ang aking pagpapasalamat dahil dumating si CJ sa buhay ko.     “Im hungry na mommy!” he said while clutching his stomach.     Dali-dali kong inihanda ang pagkain because the little dragon is hungry. I chuckled because of his cuteness.     “Okay, kaya pa bang makapag-antay ang little dragon ko?” I asked while placing the plates on the table.     “Hmm...Maybe... But make it faster mom.” I giggled when he put his index finger under his chin while he acts as if he was thinking an answer to a difficult question.     Pagkatapos naming kumain ng kanin at ulam ay ibinigay ko na sa kanya ang chocolate cake na kanyang paborito.     After he ate it, pinagsepilyo ko muna siya bago pinahiga sa maliit na kama para matulog. May pasok pa kasi sila bukas kaya kailangang maaga siyang matulog.     Tinabihan ko siya sa kama at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay. Hindi kasi siya makakatulog kapag hindi ko 'to ginagawa.     “Mom, when am I going to meet my dad?” Napatigil ako sa pagsuklay ng kanyang buhok.     “My classmates have both mom and dad. They always have a bonding with their dad and they say it was really fun. Mom, I want to experience those,” malungkot na usal niya niya.     I felt guilty. He did not experience a complete family because my parents died when i was fifteen. Kaya hindi rin niya naranasang magkaroon ng lola't lolo. I didn't know that he feel this way. Wala naman siyang angal sa buhay na mayroon kami ngayon. He did not complain when sometimes I can't give him the things he wants.     “Myco's dad is cool. He always bring Myco to the amusement park every weekend,” dagdag pa niya.     I sighed heavily. I don't know how to answer his question but I have to. Ayaw ko siyang malungkot dahil sa pag-iisip na wala siyang ama.     “Don't worry baby. You'll meet him very soon. Just wait,okay? Alam mo naman na nagwowork si Dad mo para sa future mo hindi ba?” I lied to him.     Lies! Lies! Isang kasinungalingan na masusundan naman ng isa pang kasinungalingan.     “Yes po,and I'll wait for him no matter what."     "Segi na baby, sleep ka na kasi may school ka pa bukas.”     “Okay po.” I hugged him tightly.     “Gusto mo kantahan kita?” He just nod at me. I smiled at him at started singing.     “Lavender's Blue     Dilly dilly     Lavenders green,     When I am king     dilly dilly     you shall be queen,     Who told you so?     dilly dilly     Who told you so,     T'was my own heart     dilly dilly     That told me so,     Call up your men     dilly dilly     Set them to work,     Some to the plough     Dilly dilly     Some to the fork,     While you and I,     dilly dilly-”     Napatigil ako sa pag kanta nung napansin kong nakatulog na pala ang anak ko. Tinitigan ko ang kanyang mukha at marahang hinaplos ito. Isa akong masamang ina dahil sa pagsisinungaling ko. Pero kung ang kasinungalingang iyon ay ang mag-iiwas sa kanya sa sakit ay gagawin at gagawin ko pa rin. Humugot ako ng malalim ng hininga pagkatapos ay inabot ang orasan at sinet ang alarm. Inayos ko ang kumot at tumabi sa kanya.     “CJ come here, kakain na tayo,” tawag ko kay CJ. Tumakbo siya patungo sa kusina pagkarinig sa boses ko at tumabi sa akin.     “Becareful and don't run like that. Kagabi muntik ka nang matumba dahil sa kakatakbo mo,” sermon ko sa kanya.     “Okay po.” I put some rice on his plate and start eating.     "Mommy, kailan po ulit tayo magp-practice ng taekwondo?"     "Later baby kapag nakauwi na ako."     I'm a taekwondo player when I was in higschool. Kaya ko siya tinuturuan, para narin may self defense. My father was once a secret agent kaya marami rin akong alam na panglaban like, using guns. Im a sharp shooter. Another reason kaya tinuturuan ko siya is he loves watching action movies at sabi niya ay gusto raw niyang matutong lumaban at protektahan ang kanyang sarili.     Nung una ayaw ko, but para sa kanya din naman to. Pero palagi ko siyang inaalalahanan na huwag gamitin sa masama ang kanyang mga natutunan. Na gamitin lang ang kanyang mga natutunan sa kabutihan.     “Basta, do your homework first and behave ka sa school, because I'm not there to watch over you.”     “Ma'am! Yes! Ma'am!” Nagsalute siya sa harapan ko.     “Ganyan dapat. Good boy! Cute mo 'nak.” Ginulo ko ang kanyang buhok.     “Mommy, Im not cute. Im handsome. Gwapo and not cute.” Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya bago pinagpatuloy ang pagkain.     “Bakit ang hangin? May bagyo ba? Wala namang ibinalita si kuya Kim ah. Sira na siguro ang mga technology nila.”     “Mommy naman eh.”     “Segi na ikaw na gwapo. Kumain ka na baka dadating na ang school bus.”     Hinintay lang namin ang school bus niya ng ilang minuto at umalis na rin ako pagkatapos. Nagjeep lang ako papunta sa university na pinapasukan ko. It's school for elites but I get in there because of scholarship.     “Jill! Come here!”     Tawag saakin ni Belle pagkababa ko sa jeep. Scholar din siya tulad ko at siya lang ang kaisa-isang kaibigan ko sa university na pinapasukan ko.      “Bakit ka sumisigaw?” Kunwari'y sumakit ang tenga ko kaya tinakpan ko ito.     Sumimangot siya at yinapos ang kanyang braso sa akin. “Sabay na tayong pumasok.”     “Natural. Alangan namang ignorahin kita,” komento ko at sabay kaming naglakad patungo sa school gate. ........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD