CHAPTER 2

2007 Words
 JILL'S P.O.V     Pagka-uwian ay dumiretso na agad ako sa café. Nagmamadali akong sumakay dahil ilang minuto na lang malelate na ako. Iyong prof ko kasi sa last subject hindi kaagad kami pinakawalan. Pagkababa sa sinasakyang jeep ay tinakbo ko na patungo sa cafe. Pagpasok ko bumati agad sa akin ang mga katrabaho ko na busy sa kani-kanilang mga gawain. Tiningnan ko ang orasan ko at two minutes na lang ay late na nga ako. Nag-attendance muna ako bago nagpalit ng damit.     "Jill andyan ka na pala. Tulungan mo kami dito kasi napakarami nating costumer." tinanguan ko lang siya at dali-dali kong nilagay ang mga gamit ko sa locker at nagbihis.     "How's school?" Mich asked while placing the tray on the counter.     "Ayos lang naman. Maliban na lang do'n sa prof na hindi agad kami pinauwi. Sarap niya murahin." naiinis na ani ko.     "Ganyan talaga ang mga 'yan minsan," I grab the tray with the orders on it. "Come on. Marami pang costumer ang naghihintay." I followed her outside.     Tiningnan ko kung anong table ko iseserve ang order. Hinanap ko ito at nilapitan. "Sir, here's your order." nag-angat siya ng tingin.          Kumalabog ng malakas ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. Ang kanyang magagandang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang labi niyang kay pula. Napalunok ako dahil sa pamilyar niyang mukha na nakakahatak ng maraming kababaihan. I would never forget his face even if tried to. I've had many sleepless nights because that face would always hunt me in my dreams. Nanginginig ang mga kamay na ibinaba ko sa mesa ang kanyang order. "Thanks miss." Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. I mustered all my strength kahit na nangangatog ang mga tuhod ko.     "Teka! You look familiar." hindi ako huminto at nagpatuloy sa paglakad. "Saan ko ba siya nakita?" tanong nito sa sarili na narinig ko.      Pumasok ako sa kitchen at nakita ko doon si Chef Jhon na napatingin sa akin dahil sa bigla kong pagpasok. "Ba't ka nandito? Diba dapat andun ka sa labas at tumutulong?"     "Ah, nagkamali lang po ako ng kwarto na napasukan. Segi po, labas na po ako."     Pumasok na lang ako sa comfort room. Kinalma ko ang aking sarili dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog nito. Bakit siya nandito? Sa pagkakaalam ko na sa US siya. O baka guni-guni ko lang iyong nakita ko. Baka rin kamukha lang niya iyong lalaking nandoon.     Siguro guni-guni ko lang iyon dahil sa biglaang pagtanong ni CJ kagabi tungkol sa ama niya. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis. Napalingon ako sa may pinto nung may pumasok na dalawang babae.     "Girl ang gwapo nung fafabels! Ihhh!" tili nung isang babae na sa sobrang kapal ng make up na nagmukha nang clown.     "Oo nga girl. Dapat siguro magpunta tayo dito palagi." napailing na lang ako sa inasal nila.     Pagkatapos kong mapakalma ang aking sarili ay lumabas na ako sa cr. Kung siya man iyon at hindi ko lang imahinasyon, sana... sana hindi niya ako namukhaan. Kung sakali man- hindi pa ako handa sa maaaring mangyari.     Ipinagpatuloy ko ang trabaho habang iniiwasan siya at mabuti nalang hindi na rin niya ako pinansin. Tinatanaw ko siya ngayon na may kausap na lalaki. Namukhaan ko ang kausap niya. 'Yung amo namin. Mukhang ang seryoso ng pinag-usapan nila.     "Sino ba yang tinitingnan mo?" iniwas ko ang tingin sa kanila.          "Wala." sagot ko at tinalikuran siya.     "Wala raw." inirapan niya ako.     Minsan napakachismosa niya talaga. Kadalasan na nagiging biktima ng pangchichismis niya ay iyong mga costumer namin. Iyong mga sawi sa pag-ibig at kung ano-ano pang isyu sa buhay. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumulong na lang ulit ako sa kanila. Napaparanoid lang siguro ako. Hindi naman siguro siya iyon.     Nang out ko na ay naghintay ako ng sasakyan at medyo nasa madilim na parte ako. Nasira kasi ang street light nung nakaraang buwan. I don't know kung bakit hindi nila to pinapaayos. But I'm not scared, I'm already used to it. Dalawang bagay lang naman ang kinakatakotan ko. Una, ay ang mawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Pangalawa... ay kulog at kidlat.     May black Mustang na biglang huminto sa harapan ko. Napatingin ako sa aking tabi dahil baka mayroon akong ibang kasama na naghihintay. Nang makitang wala naman ay binalik ko ang aking tingin sa sasakyan. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nagtama ang mga mata naming dalawa. Tinakasan ako ng dugo sa akin katawan at bigla na namang nangatog ang aking mga tuhod. Isang tao lang naman ang nakakapagbigay sa akin ng ganitong reaksyon.     "You're the waitress back there, right?" napatulala lang ako sa kanya. "Naghihintay ka ng sasakyan? Mabuti pa sumabay ka na lang sa akin dahil baka mapahamak ka pa dito."     Hindi ako sumagot at patuloy lang na tinitigan ang kanyang mukha. Maybe I'm just imagining things at hindi naman talaga siya ang lalaking iyon.     "Hey! Are you listening?" natauhan ako at umiling.     "Huwag na po. I can handle myself." sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.     "Kung iniisip mong masama akong tao, nagkakamali ka. Wala akong gagawing masama sa'yo. Kaibigan ako nung may-ari ng cafe na pinagtatrabahoan mo. Halika na pumasok ka na sa kotse." pagpupumilit niya sa akin.     "Thank you na lang sir sa kabaitan mo, pero kaya ko na talaga ang sarili ko at araw-araw naman po akong naghihintay ng masasakyan dito kaya sanay na ako. Hindi niyo rin po ako responsibilidad kaya huwag niyo na akong alalahanin."     I can't believe nasagot ko pa siya ng ganoon ka haba gayong palakas nang palakas ang pagtibok ng aking puso.     "Nag-aalala lang ako dahil empleyado ka ng kaibigan ko miss. Baka may mangyari sayo sa daan at kailangan ka pa niyang problemahin." napasuklay siya sa kanyang buhok. Maybe dahil naiinis na siya sa akin. "Ang haba na ng pag-uusap natin kaya pumasok ka na."     Nakagat ko ang aking labi dahil mukhang nagalit ko pa siya. Baka sabihin niya sa amo ko na ipatanggal ako. Wala naman sigurong masama dahil nagmamabuting loob lang iyong tao. Umikot ako at umibis sa sasakyan.     "Good. Akala ko kailangan pa kitang buhatin papasok dito. Okay.... Buckle up." aniya. Pinaandar niya ang kotse samantalang kinabit ko naman ang seatbelt.     I scrutinise him secretly while he's driving. Mas halata ang pagkamatangos ng kanyang ilong sa malapitan. Makapal rin ang kanyang mga pilik mata. Huminto ang sasakyan dahil nagred ang traffic light, tumingin siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.     "I'm Tyrone Frost. I forgot to introduce myself to you awhile ago. Sorry about that," pinaandar niya ang sasakyan nang nag-green na ang traffic light. "Ikaw, ano ang pangalan mo?"     "Jill Villareal po ang pangalan ko." sagot ko na hindi siya tinataponan ng pansin.     Naninigas ang buo kong katawan dahil sa pangalan niya. Parang aatakihin na yata ako sa puso dahil sa sobrang pagkabog ng aking dibdib.     "You look really familiar to me. Nagkita na ba tayo noon?" Mabilis akong umiling. "Wala po akong maalala."     "Hmm... Baka imahinasyon ko lang 'yon."     Para akong sinisilihan sa puwet sa buong byahe. Gustong-gusto ko nang makababa para makalayo na sa kanya. Kaya laking papasalamat ko nang natanaw ko na ang lugar namin. Nagpababa lang ako sa may kanto. Mabilis akong lumabas sa kanyang sasakyan.     "Are you sure? Hindi ka na magpapahatid sa inyo?" tanging tango lang ang naging sagot ko sa kanya.      "Malapit lang ba ang lalakarin mo?"     "Ayos na po 'ko dito. Thank you nga pala sa paghatid."     Pabalik-balik siyang tumingin sa akin at sa medyo madilim na daanan. Napansin niya yatang determinado akong hindi na magpahatid kaya hinayaan na lang niya ako. Nang hindi ko na tanaw ang sasakyan ay nagsimula na akong maglakad papasok sa eskinita. Almost seven na kaya medyo wala nang tao sa labas. Pero mapapansin na mayroon pa ring mga tambay. Harmless naman sila kaya hindi ako natatakot. And I can perfectly protect myself.     Naisip ko na napakatagal na pala ng panahon noong huling may nagparamdam sa akin na safe ako dahil poprotektahan niya ako laban sa ano mang masama. And the last person who made me feel protected was my father. Minsan naiinggit ako sa mga masasaya at buo ang pamilya pero tuwing naiisip ko na may anak ako ay bigla nalang akong nakukuntento sa pamilya at taong mayroon ako.     CJ is my only family left. Nagsusumikap akong mag-aral para sa kanya. Gusto ko siya bigyan ng magandang kinabukasan. Sana nga lang na kung sakaling magkakilala sila nung taong iyon ay hindi siya ilalayo sa akin. Pero kung sakali mang gusto siyang kunin nito ay hinding-hindi ko iyon hahayaan. Tanaw ko na ang maliit na bahay na tinitirhan namin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.     "'Nak nandito na 'ko!"I flenched nang naramdaman kong may maliit na kamay ang pumulupot sa beywang ko.     "Hi mommy." napangiti ako at humarap sa kanya.     "Ang sweet naman ng baby ko. Pwede penge ng kiss?" tumango siya kaya lumuhod ako para magkapantay kami.     Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. Hinawakan ko ang magkabila niya pisngi at tinitigan ang kanyang mukha. Siya ang natitirang kayamanan ko at hindi ko hahayaan na malayo siya sa akin. Tinawag niya ako at tinanong kung ayos lang ba ako. Umiling ako. "Pagod lang si mommy. Tara na? Let's go inside. Im sure nagwawala na ang mga dragons sa tummy mo." ngumuso siya kaya binuhat ko na lang siya. Ang cute talaga ng anak ko. Sayang, kasi wala man lang siyang namana sa akin except for his eyes. We have the same Hazel eyes pero the rest sa ama na niya namana. Ang matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, his eyebrow, his face at ang makinis na kutis na aakalain mong nakakababad sa bath tub na puno ng gatas araw-araw.     Kilala ko ang ama niya dahil maraming nakakilala sa kanya. Sinong ba'ng hindi nakakilala kay Tyrone Frost gayong ang pamilya niya ay isa lang naman sa pinakamayamang pamilya rito sa pilipinas. Hindi ko nakalimutan ang mukha nung lalaking nakatalik ko noong gabing iyon. Kaya I did some research about him. I even tried telling him about my pregnancy pero hindi ko siya mahagilap at lalo pa akong nahirapan nung nagpunta siya sa US. I even stalked him para lang makausap siya. But instead, I found out something about him.     Isa pala siya sa mga taong tinutugis noon ng ama ko. Isa siya mafia boss. He's a leader of a criminal organization. It's hilarious kasi 'yong papa ko ang tumutugis ng mga kriminal tapos ang ama ng anak ay isa namang kriminal. But there's no way I'm telling him about it.     I really can't imagine that I've slept with a Mafia Boss and that made me stop. I did'nt dare to try to tell him about the baby. Tumigil ako sa paghahanap ng tyempo para makausap siya. Iniisip ko nalang na, bahala na ang tadhana sa kung ano man ang mangyayari. Kung nakatadhana talaga na magkakilala sila, mabuti. Basta ang hinihiling ko lang palagi ay hindi masasaktan ang aking anak.     I am not that selfish na ipagkait sila sa isat-isa. Ang tanging nakapagpigil lang naman saakin ay ang pagiging mafia boss ng ama ni CJ and Im afraid if he would reject CJ. I dont want him to feel being rejected. Ayaw na ayaw ko siyang masaktan. He's to young for that.     Pagkatapos ko siyang pakainin ay hinugasan ko naman ang mga plato with the help of my son.          "Maligo ka na kasi amoy pawis ka na. Para after you take a bath ay gagawin na natin ang assignment mo." tumango naman siya at kumuha ng tuwalaya at pumunta na sa banyo.     Nang tapos na siyang maligo ay binihisan ko agad siya at gumawa na ng assignment. Madali lang naman 'yon sagutan and I know easy as a pie lang 'yon para sa anak ko. Matalino kasi siya at palaging nag-eexcel sa klase.      "Mommmy sabi mo po tuturuan mo po ako ng taekwondo kapag nakauwi ka na po," he said while pouting. Ibinaba niya ang lapis na hawak at tiningnan ako na may pang-aakusa. "Nakalimutan mo na naman po."     Ay, oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan 'yon.     "Baby Im sorry, kasi mama forgot about her promise. Pwede tomorrow na lang. Wala namang pasok bukas hindi ba??" pangungumbinsi ko sa kanya. "Smile ka na."     "Basta promise po mommy ha."     "Sir yes sir!" pareho kaming natawang dalawa. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD