Lady's POV
Kasalukuyan akong naglalagay ng pagkain sa mesa ng may humila sa laylayan ng damit ko kaya tumingin ako sakanya.
May hawak pa siyang teddy bear na brown. "Mommy." Tawag nito.
"Yes baby? What do you need from mommy?" Tanong ko.
"Kailan po ako magschool mommy? I'm already 5 years old." Sabi nito habang nakanguso.
Natawa ako dahil sa expression ng mukha niya. Binuhat ko siya saka ipinaupo sa upaun.
"Okay, eenroll kita mamaya." Nakangiting sabi ko.
Biglang sumigla yung mukha niya dahil sa sinabi ko kaya napangiti ako lalo. "Yehey! I'm excited." Masayang sabi nito.
Nilagyan ko ng pagkain yung plato niya. Alam ko naman na marunong na siyang kumain na siya lang mag-isa, kaya hindi din ako mahihirapan kay theo.
"Mommy, gusto ko doon sa sinasabing school ni tito gino."
"Saan ba yon?" Tanong ko habang ipinagpapatuloy yung kinakain ko.
"Jones Academy po mommy." Sagot niya.
Natigilan ako dahil sa sinagot niya. Nanandya ba ang tadhana na mapalapit ulit ako sakanya?
"Okay. Kung yan ang gusto mo baby." Sabi ko.
Tinapos ko na kaagad yung kinakain ko at hinintay si theo na matapos, naghugas na ako ng plato.
Dumeretso ako sa kwarto ko saka nagbihis lang ng blouse na violet at jeans.
Palabas na sana ako ng kwaro ko ng tumunod yung phone ko. Tinignan ko yung screen pero unknown number lang.
"Hello?"
Pero walang nagsalita sa kabilang linya.
"Hello? Magsasalita ka ba o ano? Kung hindi ay ibababa ko na to." Sabi ko.
Sa pangalawang pagkakataon walang nagsalita kaya ibinaba ko na yung tawag saka bumaba.
Sumakto naman na dumating si nanay orang. "Magandang umaga nay." Bati ko.
Si Nanay Orang ang nagsilbi kong pangalawang nanay at ipinadala dito ni tito william si nanay para daw may magalaga samin. Kung wala ang tulong ni tito william at nanay orang baka mahihirapan akong magadjust.
"Magandang umaga din nak, aalis ka?" Tanong nito.
Tumango ako. "Opo nay, ipapaenroll ko lang si theo." Sabi ko.
"O sige, mag-iingat ka."
Tumingin ako kay theo na naglalaro sa sahig. Lumapit ako sakanya at umupo para magkalevel kami. "Baby, pakabait ka kay nanay, huwag masyadong makulit ah." Pagpapaalala ko.
Tumingin ito sakin. "Opo mommy, balik ka po kaagad ah, saka pasalubong ko po huwag niyo kalimutan mommy."
Ngumiti ako. "Oo naman baby." Sabi ko.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago tumayo at lumabas ng bahay. Pumara na lang ako ng taxi at sinabi kung saan yung Jones Academy.
Ilan minuto lang nakararing na din ako sa Jones Academy. Nagbayad na muna ako bago bumaba.
Tinignan ko yung buong paligid. Masasabi ko na maganda din pala dito. Ang kinakabahala ko lang ay baka magkita ang landas namin ni sir leo.
Lumapit ako sa guard na nagbabantay ng gate. "Magandang umaga Kuya, saan yung business office dito?" Tanong ko.
"Magandang umaga ma'am, yung business office po dumeretso lang po kayo at kumanan po kayo."
Ngumiti ako. "Maraming salamat." Sabi ko bago pumasok.
Pumunta ako sa business office at ibinigay ko yung dokumento na kailangan para maienroll si theo dito.
"Ma'am hindi niyo na po kailangan magbayad." Sabi nung babae.
Biglang nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi niya. "Ano? Bakit naman?"
"Hindi na po kailangan, dahil asawa naman po kayo ni Mr. Leo." Sabi nito.
"Sinong Mr. Leo?"
"Si Mr. William Leo Jones po." Sagot nito.
Ano daw? Asawa ako ni sir leo?
Umiling ako. "Baka nagkakamali ka lang miss. Hindi ko kilala yung binabanggit mo." Pagdedenay ko.
"Basta po ma'am. Okay na po lahat, pwede na po magstart yung anak niyo dito nextweek."
"Okay, salamat." Sabi ko bago umalis.
Nababaliw na yata yung babae. Ang labo naman na magiging asawa ako ni sir leo. Napaka, napakalayo.