CHAPTER 14

487 Words
Nang matapos kong maenroll si theo dumeretso ako sa WTJ Restaurant. Pumasok kaagad ako sa opisina ko at inumpisahan ang mga ginagawa ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapaisip dahil sa narinig ko doon sa Jones Inc at Jones Academy. Baka talaga nagkakamali lang sila, baka nga asawa na ni sir leo si olivia. Napailing na lang ako saka ipinagpatuloy yung ginagawa ko hanggang tumunog yung phone ko. Hindi ko na tinignan dahil alam na alam ko yung klase ng ring tone na iyon. "Hello?" "Hello po mommy." Bati nito sa kabilang linya dahilan para mapangiti ako. Tanging si tito william lang kasi ang naiiba ang ring tone. Yun kasi ang gusto niya. "Dumalaw si lolo william no?" "Hmm. Yes po mommy, binili niya po ako ng laruan mommy." Sabi nito. Napabugtong hininga ako. Spoiled na ang anak ko dahil kay tito william. Palagi yata. "You have a collection again baby." "Syempre po mommy, saka madalang lang po ito." Sabi nito. "I know baby, pero namimihasa na yata si lolo william mo ee." Natatawang sabi ko. "Not that much." Singit na sabi ni tito william. Siguro ay nakaloudspeaker ito. "Tito, naspoiled niyo na naman ang apo niyo." Sabi ko. "Hayaan mo na ako, bata pa naman si theo kaya okay lang." sabi nito. Sabi na nga ba ito na naman yung sasabihin. "Basta huwag masyado tito, i have to hung up. Pasabi po kay william theo mahal ko siya." Sabi ko. "I love you more mommy." Singit na sabi ni theo dahilan para mapangiti ako ulit. Ibinaba ko na yung tawag sumakto naman na may kumatok. "Pasok." Sabi ko. Bumukas yung pintuan at pumasok si linda. "Ma'am Dy, may naghahanap po sainyo sa labas." Panimula nito. "Sino?" Tanong ko. "Si Sir Gino po." Sagot nito. "Okay sige, lalabas na ako." Sabi ko. Pagkalabas nito, inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas. Nakita ko sa glass window na nasa labas si gino. Ayaw talaga niyang pumasok. Lumabas ako saka siya hinampas sa braso. "Aray!" "Ikaw kasi! Bakit ayaw mong pumasok sa loob?" Tanong ko. "Huwag na, saka hindi naman ako magtatagal. Namimiss lang kita." Sabi nito. "Asus. Naglalambing na naman po yung kaibigan ko. Dito nga bigyan kita ng yakap." Natatawang sabi ko. Para naman siyang bata na lumapit sa akin at yumakap. Hinaplos ko yung buhok niya. "Aalis ka na naman no?" "Oo, kailangan eh." Dahilan nito. "Sabi na eh, basta pag umuwi ka dumeretso ka sa bahay ah." Sabi ko. "Oo." Sabi nito. Kumalas niya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo. "Alis na ako Dy, ingat ka palagi." Sabi nito. Tumango ako. "Ikaw rin, ingat ka." Sabi ko. Hinintay ko muna na umalis si gino, papasok na sana ako ng may nagsalita sa likod ko. "So, binalikan mo na pala yung dati mong manliligaw." Sabi nito. Alam ko yung boses na iyon, alam na alam. Dahan-dahan akong tumingin sakanya, nakaoffice ataire ito. "Sir L-leo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD