CHAPTER 15

467 Words
Aalis na sana ako ng may pumigil sa braso ko. Sinasadya ba talaga ng tadhana na magkita kami ni leo? "Saan mo balak pumunta Ms. Davies?" Tanong niya habang nakapameywang sa harapan ng WTJ Restaurant. "Uuwi na?" Patanong na sagot ko, pero sinamaan niya ako ng tingin. Lumapit siya sakin, kaya kaagad akong lumayo sakanya pero mabilis niya akong nahuli sa braso. "Uuwi ka sa bahay." Diin na sabi niya at hinila niya ako papalayo sa restaurant na pag-aari ko. Pagkarating namin sa mismong harapan ng Lexus LC 500 na kulay red na kotse tinulak niya ako papasok. "Aray! Dahan-dahan ka naman!" Reklamo ko pero mukhang wala naman siyang narinig dahil tahimik lang siyang nagmaneho. Pagkarating namin sa mismong bahay niya, hinila niya ako papalabas ng kotse pero humawak ako sa bintana ng sasakyan niya. "Bitaw." Diin na sabi niya, ngunit hindi ako nakinig sakanya. Nabigla na lang ako ng suntukin niya ako sa tyan dahilan para manghina ako at mapabitaw. Binuhat niya ako papasok ng bahay niya. "Ang sama mo." Nanghihina na sabi ko. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sa tyan ko. William Leo's POV Binuhat ko siya papasok ng bahay. "Ang sama mo." Nanghihina na sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan. Pagkapasok namin dumeretso ako papasok sa 2nd floor at dumeretso sa kwarto ko. Hindi siya umimik ng binuhat ko siya. Ihiniga ko siya sa kama. Tumingin ako sakanya na ngayon ay nakatingin lang sakin. "Hindi ka na makakatakas ngayon." Sabi ko. "Ano bang kailangan mo sakin sir?" Tanong nito. "Don't call me sir again, you're my wife now." Sabi ko. Biglang nag-iba yung timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko. "Hindi. Hindi totoo yan." Sabi nito. Ngumisi ako. "That's true, you're my wife now." I said. Umiling siya. "Paano mo nasabi na asawa kita? Hindi ko nga alam kung paano at kailan nangyari iyon. Wala akong natatandaan na ikinasal tayo." Sabi nito. "Yeah. I know, dahil gumawa talaga ako ng paraan para matali ka sakin, pinakopya ko ang pirma mo para maikasal tayo." Nakangising sabi ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sugurin at pinaghahampas. "Walang hiya ka! Bakit mo ginawa iyon!" Galit na sabi nito. Hinuli ko yung mga kamay niya at hinawakan iyon. "You don't have no choice." Sabi ko. "No! Hindi ito pwede." Naiiyak na sabi nito. "Bakit? Dahil may boyfriend ka na?!" Umiling ako. "Hindi! May girlfriend ka na at okay na ako." Sabi nito. Hinila ko yung bewang niya papalapit sakin. "Wala akong girlfriend okay." Inalis niya yung pagkakahawak ko sa bewang niya at humiga na lang sa kama. Tinignan ko lang siya bago lumabas. I'm sorry my wife, but you have no choice kundi ang magstay kasama ako. Ginawa ko lang iyon para maging akin ka na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD