CHAPTER 1

421 Words
LADY'S POV Nagpeprepaired ako ng pagkain sa mga nag-oordare ng may nagsalita sa likod ko. "Ma'am Dy, may problema po." Panimula ni linda. Pinabayaan ko muna yung ginagawa ko at pinaasikaso ko sa mga empleyado ko para sa mga orders sa may counter. Tumingin ako kay linda ng makapasok ako sa opisina ko. "Anong problema linda?" Nagtatakang tanong ko. "Wala po kasing magdadala ng pagkain sa JONES Inc." J-jones I-inc? P-paano pag sakanya pala yon? Hindi ko pinahalata kay linda na nagulat ako sa sinabi niya. "Nasaan ba si Johan?" Tanong ko. "Umuwi po sakanila ma'am, emergency lang daw po sa bahay nila dahil naisugod daw po yung nanay ni johan sa hospital." Paliwanag nito. Huminga ako ng malalim bago tumingin kay linda. "I have no choice, kundi ako ang magdadala ng deliver sa J-jones Inc." Sabi ko sakanya kahit na parang nabilaukan ako sa pinakadulong sinabi ko. "Sige po, ipapaasikaso ko na lang po ma'am dy." sabi nito bago ako iniwan. Bigla akong napaupo sa upuan ko. Paano nyan kung siya pala iyon? Hindi pa ako ready para makita siya, hindi pa ako ready sa susunod na mangyayari. Ilan minuto lang ay dumating na yung pagkain kaya nagdrive na ako papuntang Jones Inc. Lumapit ako doon sa receptionist na nakatoka doon. "Good Morning Mrs. Jones." Bati nito. Mrs. Jones? Anong pinagsasabi nito? O baka nabingi lang ako sa pagkakarinig ko. "Miss baka nagkakamali ka lang, by the way, anong floor yung secretary ng CEO dito? Ibibigay ko lang tong pinaorder nila." Sabi ko sakanya. "38th floor po ma'am." Ngumiti ako sakanya. "Thank you." Pumunta ako sa may elevator at pinindot yung 38th floor. Grabe, ganon na kalaki tong kompanya na to para umabot ng 38th floor? Idadag pa yung rooftop ng kompanya. Nang makarating ako sa mismong floor, pinagtitinginan ako ng iba, pero pinagsalawang bahala ko na lang kahit naririnig ko pa yung iba. "Di ba siya yung nawawalang asawa ni Sir?" Bigla akong natigilan at napatingin sa kanila, napayuko sila ng makita nilang nakatingin ako sakanila. Sino bang tinutukoy nila? Para tuloy ako tong pinag-uusapan. "Mister, eto yung pinaorder niyo." Sabi ko ng makalapit ako sa lalakeng nakaupo malapit sa pintuan ng opisina ng ceo. Mukhang siya yung secretary. Ngumiti siya sakin. "Thank you." Ibinigay niya yung pambayad, saka siya ngumiti. "Mauna na ako, sana magustuhan niyo." Sabi ko bago umalis. Hindi kasi ganon kadami yung mga empleyado ko sa WTJ Restaurant, kaya nahihirapan kami mindan. Lalo na dumadami na yung mga kumakain sa restaurant na pinaghirapan kong pag-ipunin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD