Magsisimula na po dito yung flash back kung paano sila nagkakilala.
-
SOMEONE'S POV
I leave my office, then I walk to my secretary's table.
"Sir, nakita ko na ang asawa niyo." Panimula nito.
"Saan?" Gulat na tanong ko.
"Siya yung nagdeliver ng lunch niyo kanina."
"Are you sure?" Panigurado na tanong ko.
"Yes sir, besides hindi din naman ako yung nakakita. Kahit tanungin mo sila, kahit yung nasa receptionist nakita si Ma'am Lady."
Lumapit ako sa mga empleyado ko, para makasigurado kung hindi nagbibiro si Cameron.
"Nakita niyo daw ba ang asawa ko?"
"Opo sir, kanina po." Sagot ng isa.
Tumango ako. "Okay, thank you."
Lumapit ako kay cameron. "Anong pangalan nung restaurant?" Tanong ko.
"WTJ Restaurant, 2 blocks away lang po mula dito sir."
"Okay, thank you and by the way, make me a coffee." I said before enter my office.
Napatingin ako sa bintana habang nakatingin sa siyudad. "Now I know, wife."
This time hindi ka na mawawala sa paningin ko lady, pinabayaan kita na iwan ako, pero hindi na ulit ngayon.
LADY'S POV
Kasalukuyan ako na naghahanda para sa meeting ni Sir William, usap-usapan kasi na ipapakilala na ni Sir William yung anak niya bilang papalit muna sakanya pansamantala.
"Ms. Davis, follow me." Utos ni Sir William.
Sumunod ako sa kanya papuntang conference room, umupo ito sa pinakasentro at pinaupo niya din ako sa tabi niya sa kaliwa.
Ilan minuto lang yung lumipas dahil bumukas yung pintuan, napatingin kami sa binata na bagong dating lang.
"You're late young man."
"Sorry old man, traffic lang." Sabi niya na tila nasasanay na ito na tawagin old man si Sir William.
"Now let's start, seat down next to me." Maowtoridad na utos niya.
Napatingin sakin yung lalake, seryosong nakatingin tila na kinakabisado nito ang buong mukha ko.
Napayuko ako, sa tagal ko kasing nagtatrabaho dito sa WJ Empire ngayon ko lang nakita yung anak ni Sir William.
"Now, I want you to know that my son william leo will replace my position as a ceo for 3 months or much better early before 3 months." Panimula nito.
William Leo pala yung pangalan niya, napakaganda ng pangalan lalo na ay gumagamit sa pangalan niya ay napakagwapo.
"Are you listening lady?" Tanong ni Sir William.
Napakurap ako ng ilan beses bago tumingin sakanila.
"I'm sorry sir, pwede po bang pakiulit?"
"Just what I say awhile ago, you have to help my son about this company."
Tumango ako. "Yes, sir." Sabi ko.
Tumingin ako sa nasa harapan ko, ngayon ay nakatingin siya sakin habang nakahawak pa sa labi niya.
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa klasse ng pagtingin niya sakin.