CHAPTER 3

490 Words
Matapos ng meeting sa conference room, lumabas na kaagad ako para dumeretso sa table ko. Habang nag-aayos ako, bigla akong natigilan sa ginagawa ko, napatingin ako sa nasa harapan ko. "Bakit po sir leo?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "Nothing, lalo ka sigurong gaganda kung matry mo na ilugay yung mahabang buhok mo." Umiwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya, pinakikialaman niya pa yata pati buhok ko. "Pasok ka na po sa loob sir, baka hinahanap na po kayo ni sir william." Pag-iiba ko. "Okay, by the way cut that 'po' and 'opo' ilan taon lang naman yung pagilan ng edad natin." "S-sige." Sabi ko. Narinig ko pa siyang mahinang tumawa, kaya ipinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Ilan oras din ang lumipan ay walang masyadong ipinagawa sakin si sir william. Pinatay ko na yung monitor ng computer bago kinuha yung bag ko. Lumapit ako sa pintuan at kumatok. "Pasok." Sigaw nito mula sa loob. Binuksan ko yung pintuan at sumilip sa loob. "Sir, alis na po ako." Pagpapaalam ko. "Gusto mo ba na ipahatid kita?" Tanong ni sir. Umiling ako. "Huwag na po sir." Pagtanggi ko. "Okay sige, ingat ka pauwi lady." Sabi ni sir william. Napatingin ako kay sir leo na nakaupo sa sofa habang may hawak na magazine. Bachelor magazine yung hawak niya. Napatingin siya sakin, nag-alangan akong ngumiti bago sinarado yung pintuan. Sumakay na ako ng elevator, habang nakasakay ako napabugtong hininga ako. "Unang beses pa lang, naatrack na ako sakanya." Sabi ko sa sarili ko, mali ito. Maling-mali. - KINABUKASAN Nakatayo ako sa harapan ng table ko. Huminto si sir william sa harapan ko. "Sir." "Lady, I know matagal na kitang secretary, matagal na kitang kilala. Alam mo naman na para na din kitang anak di ba lady? Nag-aalala lang ako sayo pag wala ako dito ng ilan bwan, so I advice to you lady na wag kang masyadong makipaglapit kay leo. I know him a lot lady. Maling mahalin ang anak ko dahil may girlfriend na siya kaya dumistansya ka sakanya hanggang maaga pa, ayokong masaktan ka lady. Alam ko ang tingin na ibinibigay niya sayo." "Yes sir, makaasa ka na hindi ako masyadong makikipaglapit kay sir leo." Sabi ko sakanya. Sana nga lang makaya ko. "Okay, take care lady. Mauna na ako, nasa ibaba na ang asawa ko." Paalam niya bago umalit. Pagkaalis ni sir william, sumakto naman na lumabas si sir leo sa office niya. "Ms. Davis, can you make me coffee? Black coffee." Sabi niya. "Okay sir." Pumunta ako small kitchen dito sa floor 35th. Ginawan ko siya ng block coffee, mukhang hilig talaga ng mga lalake yung black coffee. Sina papa din mahilig sa ganitong kape. Namimiss ko na tuloy sila, pag may panahon ako tatry ko na bumisita sina papa sa subic. Pagkagawa ko ng kape, dumeretso ako sa opisina ni sir leo saka inilapag sa harapan niya yung kapeng pinapagawa niya bago lumabas ng office niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD