CHAPTER 4

554 Words
Isang bwan na din yung lumipas na naging mabuting boss si sir leo kaso minsan din tinotopak siya. "Lady, tara na ihahatid na kita." Pagpiprisinta niya. "Hindi na sir, kaya ko naman umuwi. Magtataxi na lang ako." Sabi ko sakanya Umiling siya. "Hindi, tara na. Huwag ka ng makulit." Sabi niya hanggang hinila niya ako papuntang parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Thank you sir." "You're hard headed woman, ilan beses ko ng sinabi sayo na tawagin mo akong leo pag tayong dalawa lang." Napatawa ako. "Pasensiya na leo, hindi ako masyadong sanay." Habang nasa biyahe kami pauwi sa apartment ko saka lang siya ulit nagsalita. "Sanayin mo na yung sarili mo na leo ang itawag mo sakin." Sabi niya. "Sabi mo eh. Basta pag nandyan na si Sir William, hindi na ulit leo yung itatawag ko sayo." "Okay sige. It's that what you want." Magsasalita na sana ako ng may mahagilap ako sa harapan ng apartment ko kahit na medyo malayo kami. "Leo, ibaba mo na ako." Sabi ko sakanya. "No, malayo pa yung apartment mo." Sabi niya. Nang makarating kami sa harapan ng apartment ko. Tumingin ako kay leo habang inalis yung seatbelt. "Thank you leo." "Sino yung nasa harapan ng apartment mo?" Tanong niya. Iba yung expression niya. "Manliligaw ko." Nahihiyang sagot ko. Lalong dumilim yung expression ng mukha niya. "Patigilin mo siya." Matigas na sabi niya dahilan para maguluhan ako. "Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. "Basta, sundin mo na lang yung gusto ko." Sabi niya. Napailing na lang ako bago bumaba na ako. Lumapit ako kay gino, hinalikan niya ako sa pisngi. "Kanina ka pa ba?" Tanong ko. Narinig ko na lang yung papalayong sasakyan ni leo. "Hindi naman ganon katagal." Sagot niya. Pinapasok ko siya sa loob ng apartment. Pinaupo ko siya sa may sala, nagulat na lang ako ng hilahin niya ako dahilan para magulat ako. "G-gino." Naiilang na tawag ko. "Hmm?" "A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ko. Naramdaman ko na lang na hinahalikan niya ako sa jawline pababa sa leeg ko. Tinulak ko siya saka dali-daling tumayo pero hinila niya pa din ako. "Ano ba!" Sinampal ko siya. Sumakto naman na may kumatok sa pintuan ng apartment ko kaya binuksan ko kahit nakayakap si gino. "Gino, bumitaw ka nga at umuwi ka na." Sabi ko sakanya. "Let her go." Diin na sabi ni leo kaya napatingin ako sakanya. "Sino ka ba?" Tanong ni gino pero hindi siya sinagot si leo at hinila niya lang ako papalapit sakanya kaya napahawak ako sa balikat niya. "I'm her boyfriend." Matigas na sagot niya dahilan para mapatingin ako sakanya. "Totoo ba yun lady?" Tanong ni gino na tila hindi makapaniwala. Hindi ako nakasagot at napayuko lang ako. Umalis na lang bigla si gino. Hahabulin ko na sana siya ng pinigilan ako ni leo. "Let him." Napabugtong hininga na lang ako bago umupo sa may sala, sinarado ni leo yung pintuan at lumapit sakin. "May ginawa ba siya sayo?" "Wala naman pero nagulat ako kanina nung hinila niya ako saka hinalikan sa leeg." Bulong na sabi ko. "f**k! Hindi mo man lang pinigilan?!" Napatingala ako sakanya. "Sympre pinigilan ko siya, nasampal ko pa nga ee." "Mapapatay ko yata yang manliligaw mo!" Diin na sabi niya. Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako papalapit sakanya. Tinitigan niya ako ng masinsinan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD