Lady's POV
Nagising ako na wala si leo sa tabi ko, huminga ako ng malalim, napakabilis naman ng nangyari. Kaagad kong naibigay sakanya yung pinakaiingatan ko.
Babangon na sana ako ng bigla akong napadaing. Sumasakit ang p********e ko, kainis si leo. Putek kasalanan ko din naman to dahil bumigay kaagad ako.
May nahagilap ako na umiilaw. Kinuha ko yun saka tinignan.
Kay leo cellphone ito. Hindi akin.
Calling. . .
Olivia
Sinagot ko pero hindi ako sumagot. Tahimik lang ako.
"Hello babe? 2 week lang nandyan na ako." Sabi nito sa kabilang linya.
G-girlfiend ni l-leo?
Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni sir william na lumayo ako sakanya, pero eto ako nagpahila sa nakakalinlang na mata nito.
'Maling mahalin ang anak ko dahil may girlfriend na siya kaya dumistansya ka sakanya hanggang maaga pa, ayokong masaktan ka lady.'
'Maling mahalin ang anak ko dahil may girlfriend na siya kaya dumistansya ka sakanya hanggang maaga pa, ayokong masaktan ka lady.'
"Babe? Are you still there?"
Binaba ko yung tawag saka nagbihis. Ano ba tong ginawa ko?
Pumunta ako sa upuan saka kinuha towel ko saka dumeretso sa banyo saka naligo.
Pagkatapos nagbihis na ako dahil may trabaho pa ako, late na ako.
Nagtaxi na lang ako, pagkababa ko dumeretso ako sa 35th floor. Inilagay ko yung bag ko sa desk saka pumunta sa harapan ng pintuan ng office ni Leo.
Kumatok muna ako bago pumasok, nadatnan ko siya na may binabasa na mga files.
Lumapit ako sakanya saka inilagay sa harapan niya yung cellphone niya.
Napatingin siya sakin. "Akala ko kung saan ko nalagay, naiwan ko lang pala sa apartment mo." Nakangiting sabi niya.
Hindi na ako nagsalita saka tumalikod na lang bigla, naglakad ako papalapit sa pituan ng mapatigil ako.
"By the way, yung girlfriend mo tumawag. Uuwi na daw within 2 weeks from now." Walang buhay na sabi ko bago tuluyan lumabas.
Leo's POV
Nagtataka ako bakit bigla na lang siyang tumalikod ng hindi man lang nagsasalita.
Nakita ko pa kung paano ito tumigil, humarap siya sakin na walang emosyon.
"By the way, yung girlfriend mo tumawag. Uuwi na daw within 2 weeks from now." Walang buhay na sabi niya bago tuluyan lumabas.
Biglang nawala yung ngiti sa labi ko ng dahil sa sinabi niya. Kinuha ko yung phone ko saka tinignan yung call log. Nakita ko na kung anong oras tumawag si olivia. Alam ko na sinagot ni lady yung tawag.
Fuck! Ngayon alam na niya na may girlfriend ako.