CHAPTER 7

406 Words
Lady's POV Ilan linggo ko na din siyang hindi kinakausap ng matino. Sasagot lang ako pag tinatanong niya ako about sa work. Hindi na din ako nagpapahatid sakanya pauwi, dinidistansiya ko na yung sarili ko sakanya na dapat maaga ko na lang ginawa para hindi ako naapektuhan sa mga nangyayari. Dapat noong una palang nakinig na ako kay sir william, dapat noong una palang binigyan ko ng pader yung pagitan ng puso ko para hindi siya makapasok, kaso kasalanan ko din naman tong nangyayare. Nagpadalos-dalos ako. Napatingin ako sa calendar, dapat ngayon araw na yung menstration ko pero wala. Hindi ako dinadatnan, bigla tuloy akong kinabahan. "Paano nyan kung tama yung kutob ko?" Tanong ko sa sarili ko. Patay ako kina papa nyan pag nalaman nila, pero sana mali tong hinala ko. "Miss, nandyan ba si william leo sa loob?" Tanong nung babae. Napatingin ako sakanya. Sobrang ganda niya, mukha siya model. "Opo ma'am, may appointment po ba kayo sakanya?" Tanong ko. "Ahm. Nothing, pero pasabi nandito ako sa labas ng opisina niya." Sabi nung babae. May pinindot ako sa may landline na nakakonekta sa telepono ni sir leo sa opisina niya. "Sir, may naghahanap sainyo." Panimula ko. "Sino daw?" Tanong niya. Napatingin ako doon sa babae. "Ma'am ano po bang pangalan niyo?" Tanong ko. "Olivia Aquino." Sabi nito. Bigla akong natigilan, siya yung tumawag noong nakaraang linggo di ba? Tumikhim ako pero hindi ko pinahalata na naapektuhan ako o nagulat. "Sir, olivia aquino po yung pangalan." Sabi ko. "Damn!" Sabi nito bago ibinaba. Ilan segundo lang ay bumukas ang pintuan saka iniluwa non si leo. "Babe!" Nakangiting bati ni olivia saka hinalikan si leo sa labi. Tumingin si leo sa gawi ko pero tinignan ko lang siya ng walang emosyon para maitago ang sakit na nararamdaman ko dahil sa dalawang tao na nasa harapan ko. "What are you doing here olivia?" "Hindi mo ba natandaan? Di ba sabi ko uuwi ako." May himig na pagtatampo na sabi niya sa kasintahan niya. "I'm sorry, nakalimutan ko medyo busy kasi ako." Tumayo ako. "Sir, kukuha po muna ako ng rest day kahit ilang araw lang." singit na sabi ko sa usapan nila. "Why?" "May emergency lang po." Sabi ko kahit wala naman talaga. Ayoko lang pumasok dahil hindi ko feel. "Okay, be right here after 4 days." Tumango ako bago nagexcuse sakanila na aalis muna ako. Naiinis ako promise! Pero alam ko naman na wala akong karapatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD