9:30 ng makarating ako sa mismong tapat ng bahay ko, panigurado na nasa school pa ang anak ko.
Gusto ko man bumawi sa anak ko pero paano? Kung nakastay ako sa bahay ni Leo, hindi ko makakasama ni Theo.
Dumeretso ako sa kwarto ko at kumuha ng malaking Back Pack at naglagay ng mga damit. Matapos kong mag-ayos sumakto naman na tumunog yung phone ko.
Pagkatingin ko unknown number ang nakaregister sa screen ng phone ko. Sino kaya to?
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
"A-anak." It's almost 5 years and a half ngayon ko lang ulit narinig ang boses ni mama.
"M-ma." Nangungulila na tawag ko.
"Kailangan ka namin ng papa mo, nasa hospital kami ngayon at nakaratay sa higaan ang papa mo." Malungkot na sabi nito.
"A-anong nangyari kay papa?"
"May sakit siya sa bato, hindi man kasi nakikinig ang papa mo sakin kahit na pinagbabawalan ko siya na huwag kumain masyado ng maalat." Paliwanag ni mama.
Huminga ako ng malalim bago ibinuka ang bibig ko. "Babiyahe ako dyan," kahit ayaw ni papa na makita ako.
Ibinaba ko na yung tawag at dali-dali na bumaba dala ang travel bag ko. Nilagay ko sa passenger seat yung bag ko at pumunta sa driver seat.
Habang nasa biyahe ako, biglang sumagi sa isip ko si leo. Kinakabahan din ako sa mangyayari, sa oras na bumalik ako sakanya. Baka totohanin niya yung sinabi niya kanina.
Ilan oras din bago ako nakarating sa Subic, Zambales. Dumeretso ako papunta sa nurse station, matapos ko kasing makapunta ng subic pumunta kaagad ako sa Hospital.
"Miss, anong room number si Mr. Davies?" Tanong ko.
"Mr. Rohil Davies po ba?"
"Oo."
May tinignan pa ito sa monitor bago tumingin sakin. "Room 07 po, ma'am."
"Thank you, miss." Nakangiting pagpapasalamat ko bago ko hinanap yung room 07.
Pagkarating ko sa harapan ng room ni papa, parang gusto kong umatras, huwag ng pumasok. Hanggang ganito lang ako. Naduduwag pa din ako kasi alam ko na galit pa din si papa sakin.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pintuan, nadatnan ko si mama na nakaupo habang hawak yung kamay ni papa.
"Ma." Mahinang tawag ko sakanya dahilan para mapabaling siya sa direksyon ko.
Ngumiti ito. "Anak, dito lumapit ka." Sabi nito.
Tumingin ako sa gawi ni papa na, ngayon ay nakatingin din pala sakin. Magsasalita na sana ako pero walang lumabas na boses mula sa bibig ko. Basta ang ginawa ko na lang ay ang lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Pa." Naiiyak pero may halong pangungulila na tawag ko sakanya.