CHAPTER 18

537 Words
Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok ko. "Namiss kita anak." Dahil sa katanggang lumabas sa bibig ni papa, lalo akong naiyak. Sa loob ng limang taon naaatempt ako na umuwi dito para makita sila pero hindi ko magawa dahil alam ko na galit si papa. Hindi magbabago iyon, pero sa narinig ko para akong nakahinga ng maayos. "Namiss din kita, pa." pabulong na sabi ko. Tumingala ako sakanya. "Sorry pa, sorry sa naging kasalanan ko. Sana mapatawad mo ako." Sinseridad na sabi ko. "Matagal na kitang napatawad, anak. Hindi naman nagtaggal yung galit ko noon, hinintay kita anak kahit na pinalayas kita, pero ngayon ka lang nakabalik." "Sorry pa, natatakot lang ako na baka magalit ka pa lalo kung uuwi ako dito kahit gustong-gusto ko ng umuwi." Sabi ko. "Ang mahalaga ngayon, bumalik ka. Nasaan pala ang apo ko?" Tanong nito. "Maiwan ko na muna kayo, alam ko na namiss niyo ang isa't isa." Singit na paalam ni mama. Umupo ako sa pwesto ni mama bago tumingin ulit kay papa. "Iniwan ko siya kay Tito William, hindi ko kasi siya pwedeng puntahan dahil nasa bahay ako ng daddy niya." Paliwanag ko. "Anong ginagawa mo doon?" Nagtatakang tanong ni papa. "Mahabang kwento pa, ang masasabi ko nakita ulit ako ni leo sa harapan ng restaurant na pinaghirapan ko. Kasama ni Gino at isinama niya ako sa bahay niya kahit ayaw ko." "Pag nakita ko yan, lagot sakin ang anak ng boss mo." "Pa naman." Natatawang sabi ko. "Kahit ganon yon, alam ko na mahal ka niya." Makahulugan na sabi niya. "Hindi mangyayari yon, Pa." Naiiling na sabi ko. Di na lang umiik si papa. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya, sumakto naman na pumasok si mama na may dalang pagkain. "Kumain ka na muna, Dy." Anyaya ni mama. Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko. Si Tito William yung tumatawag. "Hello tito? Napatawag po kayo?" "Lady, si theo nawawala." Para akong tinubuan ng takot dahil sa sinabi ni Tito. "P-po? P-paano?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Kanina kasi sa Park, pumunta daw sila sa playground sabi ng yaya niya tapos bigla na lang daw nawala yung pagkakahawak ni Theo sa yaya niya." Para akong nanlalambot dahil doon. "Luluwas na ako dyan sa manila. Tito." Sabi ko. Ibinaba ko na yung tawag at tumingin kay Mama. "Ma, nawawala po yung anak ko." Sabi ko kahit nangingilid na yung luha ko. "Ano? Kailan pa daw?" "Kani-kanina lang mama. Kailangan kong lumuwas ng manila." Sabi ko. May inabot ito ng pagkain. "Ito kainin mo habang nasa biyahe ka. Mag-iingat ka, ako na ang magsasabi sa papa mo na emergency." Sabi nito. Tumango ako saka siya niyakap. "Salamat ma, sa susunod dadalhin ko na dito si Theo." Sabi ko. "Mag-iingat ka." Tumango ako. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni papa at pumunta kaagad sa parking lot. Pagkapasok ko sa Loob ng kotse ko, binilisan ko yung pagmamaneho para lang makaluwas ng manila. Please Theo, wait for mommy. Bulong ko sa isip ko. Nagdarasal ako na sana nasa mabuting kalagayan ang anak ko, sana kung sino man ang nakahanap sa anak ko, huwag niyang pababayaan dahil pupuntahan ko man kung sino yung nakakita sa anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD